Chapter 3

2.8K 70 8
                                        

#BC3Rules


Naglalakad si Row sa may hallway habang suot-suot nito ang kanyang headphones ng biglang may nabunggo ito.

"Sorry" 

Agad naman nitong pinulot ang mga nagkalat na mga notebooks na nahulog sa sahig at ibinigay doon sa nabunggo niya.

"Row?" napatingin siya dito at napangiti.

"Ikaw pala Tin. Sorry kung nabunggo kita, hindi kasi kita nakita."

"Okay lang. Sanay na ako sa clumsiness mo." sabay tawa nito.

"Ouch ahh!" umakting naman itong parang may sumasakit sa may dibdib nito.

"Aba mukhang nagkakatuwaan kayo dito ahh" pareho silang napalingon ng marinig nila si Jaq.

"Insan" sabay brohandshake ni Row sa kanya.

"Ikaw insan ah, dumadamoves ka na" bulong nito sa kanya.

"Sira!" sabay hampas naman nito sa may balikat niya. ".. kung anu-ano na naman yang pinag-iisip mo!"

"Sige ka, ikaw din baka maunahan ka pa ng iba" tinapiktapik pa nito ang likuran niya.

"Ahem! Kung makapag bulungan kayo jan parang wala ako dito ah!" napa-crossarms naman si Tin sabay tap sa kanyang kaliwang paa sa sahig.

Napatawa na lamang si Jaq habang napakamot naman sa hiya si Row sa may batok niya.

"Ooppss, mukhang may isang badtrip" ngumuso si Jaq sa gawi ni Jhoey na kasalukuyang naglalakad habang naka kunot ang noo nito.

"Oooh Bro, anong mukha yan?" tanong ni Jaq sa kanya sabay akbay.

"Badtrip!"

"Alam namin yan, sa mukha mo pa nga lang oh. Sino ba ang nag pabadtrip sayo?" tanong naman ni Tin.

"Oo nga sino yan?! Gusto mo resbakan natin?!" matapang na wika ni Row.

"wag na! Magsasayang lang kayo ng energy sa kanya!" napasandal ito sa may pader.

"Sino ba kasi yan?" tumabi sa kanya si Jaq habang sina Row at Tin naman ay nasa harapan niya.

"Yung nakakainis na Fan Girl ni Kuya" sagot niya sa kanila.

"So?" - Tin

"Maganda ba?" - Jaq

"bakit ka naiisis sa kanya?" - Row

"may nagawa ba siya sa'yo?" - Tin

"Pwede isa-isa lang yung tanong" itinaas nito ang kanyang mga kamay dahilan para mapatigil ang tatlo niyang mga kaibigan na daig pa ang isang inspector kung makatanong.

Huminga muna ito ng malalim bago sila siya sumagot sa kanila, "okay - first of all, naiinis ako sa kanya dahil sa kaingayan niya! Sobrang FC at sobrang TANGA! Para siyang isang walking disaster na pakalat-kalat sa bahay namin ngayon! At parating bad mood si kuya dahil sa kanya! Di niya tuloy ako natuturuan. At saka para siyang isang creepy psycho na parating nakatingin sa kanya. Kaya bad trip si Kuya. Kainis talaga!"

"kinukulit niya din ako. Si Mama naman parang game na game pa talaga sa mga kalokohan niya. Lalo na ng malaman niyang may gusto yung panget na yun kay kuya!" napa-cross arms ito habang kino-kontrol pa din ang nag-aalab niyang galit.

"At yung tanong mo naman Jaq, kung maganda ba siya, HINDI! Mukha siyang palaka! Ogre! Witch!" napanga-nga naman ang mga kaibigan niya ng matapos na ito sa pagpapalabas ng saloobin.

By Chance III (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon