#BC3WeirdFeelings
Jhoey's POV
"Para sa kaalaman ng lahat ng mga bagong members, this coming end of July ay may gaganaping inter school sing and dance contest, kung saan magco-compete ang lahat ng mga magagaling na dancers from different schools." nasa homebase ako ngayon ng 'Stargaze' dahil nagpatawag ng meeting ang president ng organization, si Kuya Ralph ((Kuya ni Rowena). 2 weeks na din ang lumipas mula noong start ng class at 2 weeks na din simula ng naging official member kami ng org. Gaya ng inaasahan ko, nahiwalay at nabuwag yung groupo dahil hindi kami magkasamang nag audition.
Galit na galit nga si Row nun kasi di sumunod sa usapan yung kuya niya. Grabe, ang super strict din naman kasi nitong si Kuya Ralph.
'Sinusunod ko lang ang patakaran, at hindi porket kapatid kita, i-co-consider ko na' sabi nito sa amin nung sinugod siya ni Row sa Org Office niya.
Hindi ko na din masisi si Row, kasalanan ko din naman kasi nalate ako.
Kaya eto, separated na kami. Si Tin nasa may Glee Club nilagay. Kami naman ni Row ay nasa Harmony Club.
Samantalang si Rupert, doon siya nilagay sa 'Sing n' sway' Group. Isang branch ng Stargaze, wherein kumakanta sila habang sumasayaw. Kung tatanungin niyo kung kamusta siya doon? AYUN! Ang saya-saya, kasama niya kasi si Alyanna!
pssh!
"....Sa competition na ito, pipiliin lang namin yung sasali. And so far, base sa mga naging observation namin ay may napili na kami kung sinu-sino yung magre-represent." napatingin ako kay Row ng bigla niya akong siniko,
"may tinatagong inis yata tong utol ko! Tingnan mo nga naman, hindi na nga tayo pinag-groupo hindi pa tayo isasali sa competition!" naiinis na bulong nito sa akin.
"baka naman kasi dahil sa newbie pa lang tayo"
"NEWBIE! Oh come on! Eh ba't nasali si Tin!" sabay turo nito sa gawi niya.
"eh, yung glee club naman kasi naka-organize na yun. At saka, magaling namang kumanta si Celestine. Madali lang din siyang makaka-cope up kaya pinasali sila" pilit ko itong pinapakalma.
"Talaga lang?! Eh ba't si Rupert kasali?!" sabay turo nito sa kaibigan naming wagas na wagas kung maka-ngiti.
"...Para sa Freshie representatives, Rupert Sanchez ikaw ang magre-represent at si Alyanna Dela Forte yung magiging partner mo." pssh, kaya naman pala.
"nakaka-bweset" bulong ko.
"hoy, anong nakakabweset jan?" napatingin naman si Row sa dereksyon nina Rupert at Aly.
"Wala. Naisip ko lang na totoong nakaka-unfair. Sana pala di na tayo sumali" tumayo ako at lumabas na. Hindi rin naman kasi kami mahahalata kasi nasa may back portion kami. Sobrang nakatuon-pansin din ang lahat sa harapan kaya di nila kami mapapansing umalis.
. . .
"So glad you could join the class, Ms. Gonzalez." sarkastikong wika ng Math teacher ko ng pumasok ako sa room. Dahil kasi sa org, panay yung excuse ko sa klase.
Kaya nga pagkasali ka doon, dapat marunong kang bumalanse ng oras para di matyugi yung grado. Ok lang sana kung matalino ka, eh kung naghihingalo ka, babagsak ka talaga. Bawal pa namang may failing grade, tatanggalin ka din kasi sa org.
Buti na nga lang at tinirhan ako ni Kuya AJ ng talino sa loob ng sinapupunan ni Mama. Nama-manage ko pa ding maka-catch up sa klase kahit papaano.
"sorry to disturb the class sir." sabi ko sa kanya saka dumeretso sa upuan ko.
BINABASA MO ANG
By Chance III (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Initially published on August 19, 2015 [Highest Rank: #182 in Fanfiction] ~ Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved This book is a work of Fiction. Names, characters, places and incidents are either the product...