Chapter 16

1.7K 49 1
                                    

***

"AJ hawak ka mabuti kay Papa. I don't want to lose you" sabi ni Tony sa  kanyang 5 years old na anak.

"Andria, anong gusto mong kainin?" tanong niya sa kanyang wifey na 9 months preggy. Hawak-hawak din nito ang kanyang kamay sa may kaliwa niya. Samantalang si Adrian naman ay nasa kanan niya.

 It's a sunday morning and a fine day too para makapasyal silang pamilya. Pagkatapos nilang magsimba ay namasyal muna sila sa Union Square. Nasa San Francisco kasi sila ngayon dahil may naging business meeting si Tony dito. Ayaw niya namang iwanan ang mag-ina niya, lalo na't malapit ng manganak si Andria sa pangalawa nilang anak.

Di gaya kay AJ, inalam na nilang pareho yung gender ng magiging bunsong anak nila.

'Baka kasi umasa na naman ako sa wala' sabi ni Andria nung nagpa-ultra sound sila.

Luckily for her, natupad na din yung wish niyang magkaroon ng babaeng anak.

'Jane yung name na ipapangalan ko sa kanya.' sabi nito sa kanyang hubby nung pauwi na sila nun galing sa doctor. 'Since pinangalan mo si AJ next to my name, ipapangalan ko din yung baby girl natin next to yours...'

"Doon na lang tayo sa Emporio Rulli Cafe" nakangiting sagot ng kanyang asawa.

"Finish your food AJ okay. Your going to be big brother soon. Dapat maging malakas ka para maprotectahan mo si baby Jane" nakakatuwa lang tingnan ang mag-ama habang pinapakain ni Tony si AJ. Di naman mapigilan ni Andria na mapangiti habang pinagmamasdan sila.

"Ang swerte naman ni Baby Jane kung ganun dahil may isang cute at mabait siyang Kuya tulad ni Baby AJ ko" sabay pinch nito sa cheeks ng baby boy niya.

"Mama, Will I be a great Kuya?" innocenteng tanong ng bata.

"Oo naman! I'm sure, you will be a great kuya!" sabay himas nito sa buhok niya.

"Ahhh..." biglang napasigaw si Andria ng may naramdaman siyang kakaiba.

"Are you alright?" Tony.

"Manga--ahh-nganak na---" biglang napatayo si Tony mula sa kanyang kinauupuan. Agad niyang tinawagan ang driver niya mula sa di kalayuan para sunduin sila. 

"AJ, kumapit ka ng mabuti ah" pinapiggy-back-ride niya ito habang inaalalayan si Andria sa paglalakad.

"Tonyy" 

"oo papunta na tayo doon. Remember mo ba yung mga inhales at exhales? Ganun lang din okay. Relax, makakaabot din tayo doon in no time" medjo pinagtitinginan na din sila ng mga tao. Panay kasi ang sigaw ni Andria at hinihilahila pa nito ang buhok ni Tony.

'Muubos talaga ang buhok ko nito' sobrang nahihirapan din siya sa paghinga dahil sa sobrang higpit na pagkahawak ni AJ sa may leeg niya. 'Sana naman umabot ako sa ospital ng buhay neto.'

~

"Papa, is Mama going to be alright?" tanong ni AJ ng makarating sila sa ospital. 

"Yes Baby.."

"Tony!" 

"Anthony, salamat naman dumating ka. Di kasi makapunta si Joe ngayon." wika nito sa kanyang kapatid, "paki bantayan mo muna si AJ oh, sasamahan ko si Andria sa loob" tumango naman si Anthony.

"AJ, stay here with Uncle Anthony okay. Sasamahan ni Papa si Mama, I will make her strong, please pray also okay." sabay kiss nito sa forehead ng anak niya. Tumango lang yung bata at agad na itong pumasok sa loob.

By Chance III (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon