#BC3Blackmail
Max's POV
Saturday ngayon at walang pasok.
"SALAMAT AT MAKAKAPAGPAHINGA AKO NGAYON" sigaw ko at muling napahiga sa kama. Tumulong kasi ako kina Tita at Manang Lulu sa gawaing bahay kanina, ayoko namang i-asa sa kanila lahat noh. Nakikitira na nga lang ako eh. Balak ko sanang puntahan si Papa ngayon sa shop eh kaso tinamaan ako ng katamaran, hihiga na lang muna ako dito buong araw.
Tutal wala din naman si Adrian kasi tatambay daw muna siya kina-Tiff at yung makulit na si Jhoey naman nasa bahay ng barkada niya.
"Kakalungkot naman di ko makikita si Adrian" napatingala ako sa ceiling habang inaalala ko yung napakagwapo niyang mukha. "Pero di bale, wala din naman si Jhoey, matatahimik yung kaluluwa ko." ang hilig kasing manginis at mangasar, "yung batang 'yon talaga, tamaan sana ng karma! nakakainis siya, wala naman akong ginagawang masama" sabay nguso ko.
Bigla akong napaupo ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko at nakita ko si Tita na napasilip,
"Hi Max, may ginagawa ka?"
"Uhm wla po Tita" kyyyaaah, ang swerte ko nga naman diba. Bukod sa nakakasama ko si Mr. Genus sa iisang bubong, nagiging close ko na din yung mama niya. Papa niya na lang ang kulang, at aprob na ako sa parents.
*Insert parang baliw na natatawa (sa isipan lang)*
"Pwede ba akong pumasok?"marahan itong pumasok ng tumango ako sa kanya. "so far, nagustuhan mo ba itong kwarto mo?" nakangiting tanong niya sa akin.
Bigla ko naman naalala ang pagkamangha ko dito sa kwarto ko. Hindi masyadong malaki, di rin masyadong maliit. Super cozy ng place at tanaw ko yung buong subdivision mula sa bintana. Nasa 2nd floor kasi yung room ko, not far from Adrian's room. (naks! naka-english ako) Katapat naman sa kwarto niya ang kwarto ni Jhoey. Yung kwarto naman nila Tita at Tito ay nasa 3rd floor katabi ang isang mini-library at meron ding game room doon. Andaming high-tech gaming gadgets at nagmumukha din itong mini arcade. Nasa baba naman yung room ni Papa, katabi sa room ni Manang Lulu. Yun na lang kasi yung bakanteng kwarto. Tabi naman dapat kami ni Papa dito kaso sabi niya since dalaga na din naman ako, dapat daw bigyan na niya ako ng space and privacy.
'Si Papa talaga andaming kadramahan'
Balik tayo sa kwarto ko, sabi ni Tita siya daw mismo ang nag design at nag ayos ng kwarto. Dating guest room daw ito pero since super excited siya sa pagdating ko, '
I can't help but to redesign this room just for you' pag-alala ko doon sa sinabi niya.
'Ang swerte ko diba' *wink*
Gustong-gusto niya daw kasi gawin ito lalo na kay Jhoey. Pero since super boyish naman yung mokong na yun, di na niya nagagawan ng pang girlish things. Pinarenovate kasi nito ang dating rosy pink room niya ito royal blue with spaceship and rockets na wallpapers.
'Yun ang gusto niya eh, pinayagan din naman ng papa niya kaya wala akong magagawa' nanlulumong pagkukwento sa akin ni Tita the other day. Gusto niya talaga kasing magkaroon ng babaeng anak, as in yung straight.
'Pero kung magiging ganun na talaga ang Baby Girl ko, tatanggapin ko pa din naman siya ng buong-buo' sabi din ni Tita sa akin. Ang sweet niya noh and swerte si Jhoey kasi may Mama siyang katulad ni Tita.
Mas namimiss ko na tuloy si Mama ko, *insert sad face*
Nakipagkwentuhan lang sa akin si Tita. Bored daw kasi siya, wala kasi yung mga anak niya. Pero kahit din naman daw na andito sila sa bahay, di naman sila lumalabas ng kwarto. Buti na nga lang daw na andito ako, may nakakausap daw siya bukod kay Manang at sa mga alaga nilang isda.
BINABASA MO ANG
By Chance III (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Initially published on August 19, 2015 [Highest Rank: #182 in Fanfiction] ~ Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved This book is a work of Fiction. Names, characters, places and incidents are either the product...