#BC3SummerVacation
Third Person
"Tito Tony, please payagan niyo na si Jhoey na sumamasa amin" pagmamakaawa ni Row at Rupert. Kasalukuyan kasi nilang kinakausap at kinukumbinsi si Tony at Andria para makasama si Jhoey sa Maldives Escapade nila.
Napa cross-arms naman si Andria at napa-tiger look sa kanila na siyang mas ikinakaba ng dalawa, "ilang taon nga ulit kayo?"
"T-Twelve po" sagot ni Rupert.
"Ako po Thirteen" sabi naman ni Row.
"Sa tingin niyo ba sa edad niyong toh ay maari na kayong gumala kung saan-saan? Kung spoiled kayo ng mga magulang niyo, pwes si JJ----" di natuloy nito ang kanyang sasabihin dahil biglang sumingit si Tony sa kanya.
"Mama, wag mo namang takutin yung mga bata. Kalma ka lang pwede. At saka magbabakasyon lang naman sila. As if namang tumira na sila doon"
"Isa kapang konsintedor!" napa-glare naman ito sa kanyang spouse.
"Pasensyahan niyo na yan mga kiddos, *bulong* meron yan ngayon" sabi nito na siyang ikinatawa naman ng dalawa. Kinurot naman siya ni Andria sa braso, "ARAYY! Naman sweetie, wag brutal. Nasa harapan tayo ng mga bata" dali-dali namang itong napahimas sa sumasakit na braso.
"Buti nga sayo!" para lang silang mga teenage lovers kung magaway kahit ilang taon na din ang lumipas.
"Mama . . ." napatingin naman silang lahat kay Jhoey ng sumulpot ito sa may pintuan, "Payagan niyo na po ako" maghapon itong umiiyak dahil nga di siya pinapayagan ni Andria. Gustong-gusto niya kasing sumama kasi bukod sa first out of the country vacation trip nila ito na Buong barkada talaga sila pupunta na hindi kasama ang parents nila, sasama din kasi si Aly kaya sobrang nafu-frustrate ito ng di siya pinapayagan nito.
"ikaw at ang mga kaibigan mo, mga bata pa. Do you think na hahayaan ko na lang kayo doon na kayo lang" nagpipigil ito ng boses. Ayaw niyang masigawan ang anak lalo na't andidito ang kanyang mga kaibigan. Tuluyan namang pumasok sa kwarto si Jhoey at lumapit sa kanyang mga kaibigan.
"Mama Please naman, payagan mo na ako. Tutal sa G-Tower Maldives Branch naman po. I'm sure naman safe kami doon" nanginginig na wika nito. Kung makatingin kasi yung mama niya sa kanya, parang lalapain siya nito. "a-ako na lang yung di mo pinapayagan. Gusto ko pong s-sumama sa kanila."
Naantig at nanlalambot naman ang puso ni Andria, lalo na't nakikita niyang nagkakaganito ang kanyang bunso. Wala lang naman siyang hanggad kundi ang kaligtasan nito, pero gusto din naman niyang sumaya ito. Minsan lang din naman siya naiispoil, sobrang control kasi nito lalo na sa mga bagay na involve yung pera. Kahit naman kasi mayaman sila, SOBRANG YAMAN to be exact -- gusto niyang manatili pa ding humble yung mga anak niya at wag maging hambog.
She sighed.
"Mama, payagan mo na. I'll make sure naman na safe sila doon. Kahit di tayo kasama, I'll hire some driver and security kung yan ang ikakapanatag ng loob mo. They will be safe, kung mage-explore naman sila sa sea, they can use the yatch and I'll hire the best captain para maipagmaneho sila. May sasama ding mga expert swimmers kung kailangan. May tour guide din sila kung sakaling maisipan nilang mamasyal sa bayan. Every now and then, magpapaupdate ako sa NASA para sa weather kung safe bang mag-sailing. I'll provide everything para sa kaligtasan nila. Payagan mo na siya" pagmamakaawa na din ni Tony.
BINABASA MO ANG
By Chance III (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Initially published on August 19, 2015 [Highest Rank: #182 in Fanfiction] ~ Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved This book is a work of Fiction. Names, characters, places and incidents are either the product...