#BC3SharingIsLoving
Max's POV
"Anong nangyari sa kanya?" - Jorge
"Hindi ko alam, kaninang umaga pa 'yan ganyan eh" - Pat
"Tinanung mo na ba?"
"Sinubukan ko pero mukhang sabog eh, ayaw magsalita"
"WHAT?!" dali-daling lumapit sa akin si Jorge at niyugyug ako ng todo-todo.
"MAAXXX!!!"
"AHHHH---ARRRRAAYY" napabalik-diwa ako at buong antok ko siyang tiningnan.
"Alam kong marami kang mga pinagdadaanan ngayon at alam ko ding patay na patay ka kay Adrian ngunit sa kasamaang palad ay parati ka niyang tinataboy pero sana wag ka namang gumamit ng drugs! Di solusyon yan sa problema!" sigaw niya sa akin sabay yugyug pa ulit.
"ARAY!" inalis ko yung mga braso kong sa tingin ko ay mapuputol na kakayugyug niya. "Anong bang pinagsasabi mo!? Hindi ako nagda-drugs!!" sabay batok ko sa kanya.
"ikaw naman ata , nagda-drugs nangyuyugyug ka jan" sabay nguso ko.
"Akala kasi namin, sa itsura mo nga ba naman" lumapit si Pat at umupo sa tabi ko. As usual andito na ulit kami sa tambayan.
"Ano ba kasi ang nangyari sayo ba't ganyan ang mukha mo?" tanong naman sa akin ni Jorge na ngayo'y naka squat sa harapan namin.
Bumuntong-hininga ako, "Si Jhoey kasi" naiinis talaga ako sa tuwing naaalala yung ginawa niya kagabi.
"Jhoey?"
"yan ba yung nakakabatang kapatid ni Adrian?"
Tumango naman ako at napatanaw na ulit sa kawalan, "ina-ano ka ba niya?!"
"Ginambala niya ang buong gabi ko!" nanlulumong wika ko, "Di tuloy ako nakatulog ng maayos"
"ginambala?"
"ginalaw ka ba niya?" parang praning lang talaga tong si Pat, kaya nakatanggap ito ng batok sa akin.
"Kung anu-ano yang pinagiisip mo! Ginambala, inistorbo, ganun." bumuntong-hininga ulit ako, "Doon sila nagpractice ng ka-banda niya sa bahay. Timing namang wala sina Tita Andria at Adrian kaya wala talagang makakapigil sa kaingayan niya!"
*** FLASHBACK ***
Himbing na himbing akong natutulog nun,
'Going back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move
Got some words on cardboard, got you picture in my hand
Saying if you see this girl can you tell her where I am
Some try to hand me money, they don't understand
I'm not broke I'm just a broken hearted man
I know it makes no sense, but what else can I do
How can I move on when I'm still in love with you . . .'
BINABASA MO ANG
By Chance III (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Initially published on August 19, 2015 [Highest Rank: #182 in Fanfiction] ~ Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved This book is a work of Fiction. Names, characters, places and incidents are either the product...