#BC3Jhoey
>> FF
Jhoey's POV
*Alarm Clock*
*groaned*
*Alarm Clock*
*groaned*
*Alarm Clock*
*Grunted*
"Eto na!" kunot-noo akong napatingin sa alarm clock na tila ina-annoy ako sa wantusawang pagiingay nito. Tumayo ako mula sa kama at nagstretching,
"aahhhhh!! Ambilis naman talaga ng takbo ng oras. Parang kelan lang grumaduate ako sa grade school, at ngayon eto, Unang araw na ng pagiging Freshman." wika ko sa aking sarili. Bigla namang naputol yung morning thoughts ko ng may kumatok sa may pintuan ko.
"JJ" si Mama, "...andito na sina Rowena..." ang aga naman ata ng mga yun? Mukhang excited!
"Bababa na po ako, saglit lang" dumeretso na ako sa banyo para naman agad ko ng magawa yung morning rituals ko. Baka kasi pag nagtagal pa ako dito, sugurin pa ako ng mga mokong na yun.
. . .
Paglabas ko ng kwarto ay dinig na dinig ko na ang maiingay na boses nila. Naririnig ko ding nakikipagkulitan si Ate Max sa kanila.
"Good Morning Jhoey!" bati niya sa akin, "halika kain ka na"
"Ang aga niyo naman ata?" tanong ko kina Row at Tin.
"Syempre, unang araw ng pasukan, gusto ko sabay-sabay tayo!" sagot sa akin ni Row sabay subo ng hotdog, "At saka, gusto kong may kasama sa pagpasuk kasi alam n'yo namang sikat ako sa school na yun - kasi nga, bukod sa anak ako ng may-ari ay ang gwa--- ARAY!" napatawa na lamang ako bigla ng makatanggap ito ng batok mula kay Tin.
"Ayan kasi, ang aga-aga ang hangin mo na!" panunukso ko.
Napatigil kami bigla sa kakulitan ng biglang tumayo si Kuya AJ mula sa kanyang kinauupuan, "Papasok na po ako" paalam niya sabay kuha ng bag.
Agad din namang sumunod si Ate Max sa kanya. Palagi naman 'yang nakabuntot eh, na sanay na ako at lalo na si Kuya. Kakapagod na din kasing asarin kaya, hinahayaan ko na.
"Oist, JJ!" tawag pansin sa akin ni Row, "Ano? Di pa ba tayo aalis? Mala-late na tayo. Ayoko pa namang malate sa first day"
"Oo nga Jhoey, tara na at baka nag-aantay na yung mga FAN GIRLS nitong kaibigan natin!" sarkastikong wika sa amin ni Tin sabay walk out. Alam kong may something 'tong dalawang ito eh, ayaw lang talagang aminin -- o baka naman naglilihim lang sila sa akin?
Siniko ko si Row sa may tagiliran niya, "Aminin mo nga, kayo na ba?"
"I wish, pero mukhang hanggang tingin na lang muna ako ngayon. Alam mo naman diba, yung common problem ng mga katulad natin, yung parents ng mga babaeng gusto natin. Kahit naman kasi may pakiramdam akong gusto din ako ni Tin eh di ako pwedeng basta-bastang gumawa ng pwedeng ikasira ng pagkakaibigan namin at ng pamilya namin." sabi sa akin ni Row.
BINABASA MO ANG
By Chance III (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Initially published on August 19, 2015 [Highest Rank: #182 in Fanfiction] ~ Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved This book is a work of Fiction. Names, characters, places and incidents are either the product...