Chapter 2

7.1K 214 27
                                    

Dianne's POV

Mabilis ang oras kaya mabilis ding natapos ang pagpasok ko sa school.

Lumabas na ako ng room at naglalakad na papuntang parking lot. Nandun kasi yung family driver namin. Hinihintay na ako nun kasi uwian na.

Hindi ko kasabay ang elyen na si Taehyung kasi nauna sya. Baliw talaga yun!

Habang naglalakad ako sa hallway, nakarinig ako ng mga tawanan.

"Babe, ang cute mo talaga dun sa throwback pic mo! Ang taba taba ng cheeks mo dun!"

The girl said while laughing. Boses palang kilala ko na. Sya kasi yung babaeng kinaiinggitan ko. Sya kasi yung taong mahal ng mahal ko.

"Aish di naman eh! Si Jungkook kasi pinakita pa sayo yun! Bwisit, kokotongan ko nga yun mamaya!"

It's him. The boy that i love since I enter this school. Sya yun, si Park Jimin kasama ang taong mahal nya na si Rachel Daez.

Base sa boses nila, halata mo ng masayang-masaya sila. Ako, kelan kaya ako makakatawa ng ganyan kalakas sa harap nya?

Parang wala naman kasi akong pag-asa. Nagulat nalang ako na nasa harapan ko na pala sila at ang most painful part ay nung halikan ni Rachel si Jimin sa harap ko.

Gusto kong maiyak sa sakit pero bigla kong naisip na ano ba ako sa kanya para iyakan ko sya? Palagi akong nagseselos kahit wala naman akong karapatan.

In the first place kasi, hindi kami. Mahirap man aminin sa sarili ko pero ayun talaga yung totoo.

Pagtingin ko naglalakad na sila palayo sa akin habang magka-holding hands at sobrang lawak ng ngiti sa isa't-isa.

Hindi ko namalayan na may biglang pumatak sa kanang mata ko. Luha lang pala. Luha na palaging lumalabas kapag nasasaktan ako. Ang luha na syang kahinaan ko.

Pero imbis na mag-isip pa ay pinunasan ko ito at ipinagpatuloy na ang paglalakad.

Baka kanina pa nag-aantay ang family driver namin. Nakakahiya naman.

Nakarating ako sa parking lot na may lungkot sa mga mata. Pero binago ko ang itsura ko dahil baka magtaka ang family driver namin at baka tanungin pa ako.

"Iha, tara na. Kanina ka pa hinihintay ng mommy at daddy mo. Baka nag-aalala na yun sayo. Bakit ba kasi ang tagal mong lumabas? Wala ng masyadong estudyante dito ah!"

Sabi ng family driver namin na halatang nagtataka sa akin.

"Ah, may inayos pa po kasi ako sa locker eh! Pasensya na po!"

Sabi ko habang nagkakamot ng batok at medyo nangingiti.

"Tara na. Umuwi na tayo." sabi ng family driver namin.

"Sige po!"

Sabi ko naman at sumakay na sa kotse namin.

Habang nasa biyahe, iniisip ko pa rin kung saan ba kami pupunta mamaya.

Feeling ko kasi, may magandang mangyayari pero feeling ko din may hindi magandang mangyayari.

Aish, bahala na nga! Mamaya nalang.

Nakarating kami sa bahay kaya bumaba na ako sa kotse at pumasok na sa loob.

"I'm home!"

Sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko palang sa bahay.

"Baby, bilisan mo magbihis ka na! Kailangan nating magmadali, baka ma-late pa tayo! Nakakahiya naman!" sabi ni mommy na nakabihis na

Tumakbo naman ako paakyat ng kwarto ko at nagbihis na. Nagsuot lang ako ng dress na color pink at nag-doll shoes.

Bumaba na ako at saktong nakabihis naman na si daddy kaya sumakay na kami sa kotse.

Nasa likod ako at nag-iisip habang umaandar ang sasakyan. Nagulat ako ng biglang kinausap ako ni mommy.

"Baby, kung sakaling hindi mo magustuhan ang sasabihin namin sayo mamaya, wag kang magagalit sa amin ha?" sabi nya kaya nagtaka ako

"Syempre naman po! Bakit po ako magagalit sa inyo, eh parents ko kayo!" sabi ko

"Oh sige baby, promise yan ah?" sabi ni mommy

"I promise!" sabi ko naman.

Jimin's POV

Nakakainis! Bakit kasi nila ako sinama-sama dito sa restaurant na 'to?

Hindi tuloy kami natuloy sa date namin ni Rachel! Magtatampo yun sakin!

Sino ba kasi yung ime-meet namin at bakit kailangang kasama pa ako?

Bwisit talaga. Sana dumating na yung kung sino man na inaantay namin dahil atat na atat na ako na umalis sa lugar na 'to.

Biglang may pumasok na isang buong pamilya at naglakad papunta sa amin.

May kasama silang isang babae na medyo matangkad, hanggang bewang ang buhok, nakasuot ng pink na dress at maganda.

Tinititigan ko lang sya dahil parang may naalala ako na nakita ko na sya dati.

Pagkalapit nila dito ay umupo sila. Katapat ko yung babaeng maganda na halata mo sa muka na parang kinakabahan sya.

"Good evening Ana!"

Bati nung mama siguro nung babae sa mommy ko.

"Godd evening din Angela! By the way, this is my son. He's Jimin. Halata naman na lalake sya kaya matutupad na natin yung promise natin nung bata pa tayo!"

Sabi ni mommy na tuwang tuwa sa mama nung babae which is Tita Angela. I prepare to call her Tita.

"Oo nga! And this is my daughter, she's April Dianne but you can call her Dan or Dianne." Tita Angela said.

"Oh David! Long time no see! Busy sa trabaho ah?" tanong naman ni daddy dun sa papa nung babae

"Ah ganun talaga pero hindi ako nawawalan ng time sa family ko! Ah, hello Jimin I'm David Ramos and this is my wife Angela. You can call me Tito and you can call her Tita." he said

"Ah hello Tito and Tita and also to you Dianne!" sabi ko naman

"Dianne, Im Ana Park and this is my husband James Park you can call me Tita pero magiging mommy na rin as soon as possible! You can call him Tito naman!"

Sabi ni Mom pero naguluhan ako nung sinabi nya kay Dianne na magiging mommy na rin ang tawag nya sa mom ko! Anong nangyayari dito? Wala akong alam!

=!=!=!=!=!=!=!=!=!=!=!=!=!=!=!=!=!=!=!

Hope you like it guys! Muah muah ٩(๛ ˘ ³˘)۶♥

Jimin on the multimedia!


I'm Mr. Jimin's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon