Chapter 40

3.2K 109 22
                                    


Seohyun's POV

Nandito kaming lahat sa condo ni Taehyung maliban kay Dianne. Naglalasing si Jimin kanina pa. Pinipigilan na nga sya nila Jin oppa pero ayaw nyang magpapigil.

"Hyung! G-ginawa ko naman a-ang lahat ah! Bakit? Anniversary namin ngayon tapos magka-away kame!" ayan na naman si Jimin. Kanina nya pa sinasabi 'yan. Kanina pa din sya umiiyak. Naiinis ako kay Dianne kasi sinosolo nya 'yung problema nila.

Nandito naman ako. Kaibigan nya 'ko. Pwede nya naman ako sabihan ng mga sama ng loob nya pero bakit ganyan ang ginagawa nya ngayon? Bakit masyado syang makasarili? Hindi nya iniisip ang nararamdaman ng asawa nya sa loob ng isang buwan.

Isang buwan nagpakahirap si Jimin para sa kanya! Isang buwan nagtiis si Jimin! Kahit man lang ngayong anniversary nila sana nagka-ayos na sila. Kahit ngayong araw lang sana. Sana wag muna nila isipin 'yung problema nila kay Krizzle.

Sobrang hirap na hirap na si Jimin. Pati kami nahihirapan kasi ganoon ang pakikitungo nya sa'min. Kapag pumupunta kami doon,  hindi nya kami pinapansin. "Jimin tigilan mo na 'yan." sabi ni Hoseok oppa pero si Jimin ayaw bitawan 'yung baso na may lamang alak.

"Puntahan ko kaya si Dianne sa bahay nila?" tanong ko kay Jin oppa. "Sige.  Kausapin mo para matauhan na rin yung isang 'yon." sabi nya. Tumango naman ako at nagpaalam na sa kanila. Sumakay lang ako ng taxi papunta sa bahay nila.

Pagkadating ko dun, pumasok agad ako sa bahay nila at dumeretso sa kwarto nila ni Jimin. Hindi na ako kumatok dahil alam ko namang hindi sya tatayo para pagbuksan ako. Pagkapasok ko, nakahiga na naman sya at umiiyak.

"Dianne." tawag ko sa kanya pero hindi man lang sya lumingon. Bumuntong hininga muna ako bago ako umupo sa tabi nya. Napansin na nya ata ang presensya ko at umupo din sya.  "Dianne, please lang ayusin nyo na 'yung away nyo ni Jimin." sabi ko sa kanya.

Umiling-iling muna sya bago magsalita. "H-hindi na S-seohyun. Sa tingin ko kase, hindi na m-maaayos yung p-problema namin." sabi nya na ikinakunot ng noo ko. "Dianne maayos nyo pa 'yun. Maraming paraan! Sadyang ayaw mo lang talaga makisama!" sumigaw na ako sa haral nya.

Umiling ulit sya bago sumagot. "No Seohyun. I think the only solution to our problem is ang maghiwalay." sa sinabi nya sa'kin. Nag-init ang ulo ko kaya sinampal ko sya. "Dianne! Gumising ka na nga sa kahibangan mo! Dammit! Dahil lang ba sa nawawala si Krizzle,  makikipaghiwalay ka na? Are you out of your mind? Ikaw na nga nagsabi na hindi mo kakayanin kapag nawala si Jimin tapos ano? Ikaw ngayon ang nagpu-push para makipag-hiwalay sa kanya!" mahabang litanya ko sa kanya.

Napatulala naman sya at napahawak sa pisngi nya na sinampal ko. Sinampal ko sya para matauhan na sya sa kagagahan nya! Kung anu-ano na kasi ang naiisip nya dahil lang sa problema nila.

Anniversary pa naman nila tapos ganyan sya. Naaawa na nga ako kay Jimin eh. Hirap na hirap na sya. Tumayo ako at lalabas na sana ng kwarto ng magsalita sya. "I'm so s-sorry." sabi nya at umiyak. Lumapit sya sa'kin at niyakap ako. "Wag kang humingi ng sorry sa'kin Dianne. Kay Jimin ka humingi ng tawad." sabi ko at niyakap din sya.

"Sige na aalis na'ko. May aasikasuhin pa ko." sabi ko sa kanya. Tumango naman sya. Lumabas na ako sa bahay nila at sumakay ulit ng taxi para makabalik sa condo ni Taehyung. Habang nakasakay, napangiti ako. Napag-ayos ko ang dalawang taong malapit sa'kin.




Someone's POV

Aish! Bwisit naman 'tong bata na 'to! Ang ingay-ingay! Kanina pa iyak ng iyak! "Manahimik ka ngang bata ka! Ang sakit mo sa tenga!" sabi ko at sinalpakan sya ng bote ng gatas para manahimik! Nagkamali ata ako na kuhanin ang batang 'to dahil parang naging yaya lang ako!


Pero okay na din atleast nakikita ko si Jimin at Dianne na nahihirapan! Nakikita ko sa mga mata nila na hirap na hirap sila. Paano pa kaya kapag pinatay ko 'tong bata na 'to? Edi masaya! Siguradong maghihiwalay sila!


Calling Private investigator ...

Answer | Decline

Sinagot ko ang tawag nang makita ko kung sino 'yun. Siguro may ibabalita na naman sya sa'kin.

"Ano na'ng balita?"

["Pumunta si Seohyun kanina sa bahay nila Jimin at Dianne.")

"Tapos?"

["Anniversary nila ngayon. Umalis si Jimin sa bahay nila at pumunta sya sa condo ni Taehyung."]

"May suspect na ba sila?"

["Wala pa pero si Seohyun mukang pinag-aayos na 'yung dalawa."]

"Okay."

*toot toot*

Tsk! Anong pinag-aayos? No! Hindi pwede! Hindi sila pwedeng magkaayos kasi kapag nangyari 'yun, mabubulilyaso ang plano ko! Tsk! Tama lang ang ginagawa ko sa kanila! Higit pa sa sakit na nararamdaman nila ang naramdaman ko noon!




Kailangan kong mag-isip ng panibagong plano! Kailangan kong mapaglayo ang dalawa!




Dianne's POV

Nang pumunta si Seohyun, doon lang ako naliwanagan. Doon ko lang na-realize ang mga katangahang pinaggagagawa ko kay Jimin. Nagagalit ako! Galit ako sa sarili ko! Sa sobrang pagsosolo ko kasi sa problema ko, hindi ko na napapansin ang nararamdaman ng mga taong nasa paligid ko.




Hindi ko na napapansin si Jimin. Nagsisisi talaga ako sa mga pinaggagagawa ko! Kailangan kong maka-usap si Jimin ngayon na! Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya. Aish! Nakakainis! Anniversary namin tapos eto ako ngayon. Nakatanga at galit sa sarili!




Kung sino man ang may gawa nito kay Krizzle, magbabayad sya! Sisiguraduhin kong mamamatay sya sa impyerno! Plinano nya talaga ang lahat ng 'to! Kami ni Jimin ang iniipit nya sa sarili nyang problema!




Ano bang kasalan ko sa kanya? Ano bang kasalanan namin sa kanya? May nagawa ba kaming mali? Kung meron man, dapat sabihin nya hindi 'yung kukunin nya ang anak namin para gumanti!








==========================
GUYS PANSIN KO LANG DUN SA LAST CHAPTER, ANG DAMING NAG-COMMENT NA NAIYAK DAW SILA SA SINABI NI JIMIN. HAHAHA GUYS PAIIYAKIN KO PA KAYO SA EPILOGUE NITO!! GUYS IHANDA NYO NA ANG TISSUE AT BALDE!!

guys malapit-lapit na po ang epilogue nito hahaha

*VOTE

*COMMENT

*BE A FAN

-Shine_Kim

I'm Mr. Jimin's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon