Chapter 24

4.6K 143 11
                                    

Dianne's POV

Nandito kami ni Taehyung sa park at hinihintay si Seohyun. Kanina pa nga naiinip 'tong katabi ko eh. Ang tagal daw kasi.

Maya-maya lang may lumapit saming babae na maganda. Lumapit din sya kay Taehyung at hinalikan 'to sa lips.

"Salamat at dumating ka din." sabi ni Taehyung sa kanya. Lumingon naman yung babae sakin at nginitian nya ako. Okay ang dyosa nya po.

"Dianne right?" tanong nya sakin. Nag-nod naman ako. Paano nya kaya nalaman ang pangalan ko? "Nakuwento ka kasi sakin ni Taehyung eh. Sabi nya ikaw daw yung bestfriend nya. By the way ako pala si Seohyun."

Nakangiti nyang sabi sakin at inalok ang kamay nya. Ngumiti naman ako sa kanya at inabot ang kamay nya. "So tell me about yourself." sabi sakin ni Seohyun.

Nagsabi lang ako ng mga facts tungkol sakin at nagkasundo agad kami kasi ang friendly nya at ang bait-bait pa. "6 months na pala yung tummy mo?" hindi makapaniwalang tanong nya sakin.

"Yes! Triplets kasi 'to eh!" sabi ko at natawa kaming pareho. Bigla namang sumingit sa usapan namin si Taehyung. "Guys may alam akong ice cream parlor na malapit lang dito. Ano punta tayo dun?"

Nakangiting tanong samin ni Taehyung. Tumango naman kami ni Seohyun at dumeretso na kami sa kotse ni Taehyung. Ang bait-bait talaga ni Seohyun! Inaalalayan nya pa ako habang naglalakad kami.


Baka mapano daw kasi yung baby ko. Sumakay kami sa kotse ni Taehyung at pumunta na nga kami sa ice cream parlor na sinasabi ni Taehyung.

Pagkadating namin 'dun, naghanap agad kami ng available na table at sakto may nakita agad si Seohyun. Umupo kami 'dun at si Taehyung na ang nagpasyang umorder.

"Anong flavor sa'yo Dianne?" tanong nya sakin. "Hm ano cookies and cream nalang." sabi ko sabay ngiti. "Sakin naman vanilla lang." sabi ni Seohyun.

Umalis naman agad si Taehyung para pumila. "Dianne anong pakiramdam ng may asawa?" tanong sakin ni Seohyun.


Para akong nanigas sa tinanong nya. Anong sasabihin ko? Na 'okay lang naman. Palagi lang naman kaming nag-aaway ng asawa ko at late na rin syang umuuwi'. Yun ba ang sasabihin ko?


"Uy Dianne bakit ka natulala dyan?" nabalik ako sa realidad ng tinanong ako ni Seohyun. Should I tell her? Siguro pwede ko namang sabihin sa kanya 'to besides I trust her even if we'd just met a few hours ago.


Muka naman syang mapagkakatiwalaan at mapagtataguan ng sikreto kaya sasabihin ko nalang sa kanya. "Hm ano kasi Seohyun. Palagi kaming nag-aaway ng asawa ko simula nung dumating sya galing States. Hindi ko alam kung bakit sya nagkaganun."



Halata namang nagulat si Seohyun sa sinabi ko. Kumunot din ang noo nya. "Eh gago pala yang asawa mo eh! Dapat hindi mo hinahayaan na ginaganun ka lang nya! Damn it Dianne! Buntis ka tapos kung itrato ka ng asawa mo para ka lang basura?" tumataas na ang boses ni Seohyun kaya pinatigil ko na sya.



"Stop Seohyun. It's okay. Ako nalang ang kakausap sa kanya. Siguro stressed lang sya sa trabaho nya kaya sya nagkakaganyan." sabi ko naman. "But Dianne!" sabi nya ulit. Nginitian ko nalang sya.



Maya-maya lang dumating na si Taehyung dala ang mga inorder namin. "Guys ano yung pinag-uusapan nyo?" tanong nya. "Ah wala. Hayaan na natin 'yun. Kumain nalang tayo." nakangiting sabi ko sa kanila.



Hinatid naman nila ako pauwi baka daw mapano kasi ako. Pagkauwi ko, nandun na si Jimin. Himala at maaga syang umuwi.



"Saan ka galing?" tanong nya agad sakin. Umiinom pa sya nyan. "Ah sa labas lang kasami si Seohyun." sabi ko.



"And who the hell si Seohyun?" tanong nya pa. Tsk! Siguro lasing na 'to! Kung ano-ano na sinasabi eh. "Kaibigan ko si Seohyun. Fiance nya si Taehyung." sabi ko at dumeretso na sa kwarto namin sa taas.



Nagbihis ako at humiga na pero pumasok si Jimin sa kwarto namin at kinausap ako. "Dianne." tawag nya sakin. I don't know pero bigla akong kinabahan nung tawagin nya ang pangalan ko.



"Bakit?" tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga sya bago nagsalita. Pupungay-pungay na rin ang mga mata nya. "I think wala ng patutunguhan ang marriage na 'to." he said and with that, tears started to fall on my cheeks.




"Jimin paano mo nasasabi yan? Anong walang patutunguhan? Buntis ako Jimin! Buntis ako sa mga anak mo! Buntis ako sa mga anak natin!" sabi ko sa kanya. "Susustentuhan ko nalang yang mga bata!" sabi nya.



Tumayo ako at sinampal sya. "Anong bang nangyayari sa'yo Jimin? Bakit ka ba nagkakaganyan? Maayos naman tayo ah! Pag-isipan mo naman yang mga pinagsasasabi mo! Wag mong idamay ang mga bata dito! Wala silang kasalanan!" sabi ko at tinulak sya.




Lumabas ako ng bahay at naghintay ng taxi. Tinawagan ko din si Seohyun.

Calling Seohyun....

["Hello?"]

"S-seohyun!"

["Dianne? Bakit ganyan ang boses mo? Umiiyak ka ba?"]

"Seohyun pwede bang makitulog muna ako sa'yo?"

["Oo naman! Text ko nalang sayo yung address."]

"Salamat."

Pagkababa ko ng tawag sakto namang may humintong taxi. Sumakay ako sa loob at na-receive ko na din yung text ni Seohyun na address nya.



Sinabi ko yun sa driver at nag-drive na sya. Nakadating naman ako sa condo unit nya. Sinundo nya pa ako sa entrance. Inaya nya ako papasok sa loob ng condo nya.



Pagkapasok namin, pinaupo nya ako sa couch. "Dianne what happened?" tanong nya. Naiyak na naman ako. Naalala ko na naman kasi yung mga pinagsasabi ni Jimin.



"Si Jimin kase! Nag-away na naman kami. Sabi nya wala na daw patutunguhan yung marriage namin kaya mas mabuting maghiwalay nalang kami. Susustentuhan nalag daw nya yun mga bata." umiiyak na sabi ko kay Seohyun.



"Gago talaga yung asawa mo! Ang sarap nyang lunurin sa kumukulong mantika!" nanggigigil na sabi ni Seohyun. "Seohyun ayokong makipaghiwalay. Ayokong lumaki ang mga bata na walang ama!" sabi ko sa kanya.



"Ipagpaliban mo muna yang mga problema mo. Dito ka muna sa condo ko. Bawal ang ma-stress sa'yo kaya iwasan muna natin ang topic na yan ha?" sabi nya sakin habang nakangiti.



Tinanguan ko nalang sya at pinatulog na nya ako sa room nya. Sa couch nalang daw sya matutulog. Ang bait-bait ni Seohyun! Ang gaan-gaan talaga ng loob ko sa kanya. Mabuti nalang at nandyan sya.




==========================

Sorry ang tagal kong hindi nag-update sorry talaga! Jimin on the multemedia.

I'm Mr. Jimin's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon