Dianne's POV
Ang bilis ng araw hindi ko namalayan na kasal na pala namin ni Jimin.
Kasalukuyan akong mine-make up--an ng isang baklang make up artist.
"Girl ang swerte mo naman! Ang pogi ng mapapangasawa mo!"
Sabi nya sakin. Napangiwi ako dahil sa sinabi nyang swerte. Ang tanong swerte nga ba talaga ako kay Jimin?
"Ahh arranged marriage lang po ang nangyari kaya makakasal kaming dalawa."
Sabi ko at napahinto naman sa pagme-make up sakin 'tong bakla.
"Sigurado ka?"
Tanong pa nya sakin. Muka na ba akong hindi kapani-paniwala? Sabagay kahit si Jimin parang walang tiwala sakin.
"Opo."
Sabi ko. Hindi na sya nagsalita pa at itinuloy na ang ginagawa nya sakin. Natapos syang mag-make up sa akin at pinaharap nya ako sa salamin.
Wow ako ba 'to? Bakit parang ang ganda ko naman?
"Girl isuot mo na yung gown!"
Sabi nitong bakla at pumalakpak pa. Hays ayoko nga nung gown na pinili nila eh! Pano kasi kita cleavage! Ayoko pa naman sa lahat yung nae-expose ang katawan ko!
Pero okay na yun! Dapat masaya ako kasi kasal ko na! Kasal na namin ni Jimin. Kasal na namin ng taong mahal ko!
Pumasok na ako sa dressing room at sinuot ang gown. Pagkatingin ko sa sarili ko, namangha ako.
Bakat na bakat ang hugis ng katawan ko. Litaw na litaw din ang kaputian ko kaso kita cleavage ko.
Lumabas ako ng dressing room at pagkalabas ko napanganga ang baklang make-up artist.
"Girl ang ganda mo! Sa ganda mong yan mamaya pagkatapos ng kasal sigurado diretso honeymoon kayo ng asawa mo!"
Namula ako sa sinabi nya. Kung ano-ano lumalabas sa bunganga! At tsaka wala pa kaming balak na gawin yun kasi nag-aaral pa kami at tatapusin muna namin ang pag-aaral namin bago yun.
"Ano ka ba! Study first muna kami!"
Sabi ko at namumula pa rin. Bigla namang may kumatok kaya binuksan ko.
Pagkabukas ko nakita ko si Mom. Pinapasok ko sya at umupo sya sa upuan. Lumabas muna yung make-up artist para bigyan kami ng privacy sa pag-uusap.
"Mom bakit po kayo nandito?"
Tanong ko pero ngumiti lang sya. Hinaplos-haplos nya ang ilang hibla ng buhok ko habang naka-ngiti pa rin.
"Malaki ka na talaga anak. Hindi na kita magiging baby kasi magiging baby ka na ni Jimin! Ang bilis ng panahon parang dati bata ka palang na kapag nadapa ay iiyak na pero iba na ngayon dahil malaki ka na. Iba na ang iniiyakan mo. Hindi na sugat kundi ang taong mahal mo."
Naiiyak na si Mom habang sinasabi nya yan. At ako naman napa-iyak na din. Nakaka-touch kasi talaga si Mom. Kaya mahal na mahal ko sya eh silang dalawa ni Dad.
"Mom naman eh pinapa-iyak moko!"
Sabi ko at yumakap sa kanya. Hays pagkatapos pala nito hindi na ako titira kila Mom kasi sa sariling bahay na namin ni Jimin ako titira.
"Hush now na baby magsisimula na ang kasal. Wag ka ng umiyak nagugulo ang make-up mo!"
Sabi nya at pinunasan ang mga luha ko na pumatak.
"Lalabas na ako ha? I love you Dianne!"
Sabi ni Mom at lumabas na. Eto na naman ako, kinakabahan sa mga mangyayari mamaya.
Paano kapag hindi umoo si Jimin? Paano nalang ako? Pero hindi dapat ako mag-alala kasi walang mangyayaring masama.
Tinawag ako ng isang assistant para sabihin na mag-uumpisa na daw ang kasal.
Lumabas na ako at tsaka sumakay sa kotse papuntang simbahan. Kahapon pala inasikaso nila Mom ang pagbibigay ng invitation. Mga malalapit lang na families and friends ang pinapunta.
Isa na si Taehyung sa mga binigyan ng invitation. Yun pa ba mawawala? Ang alien kong bestfriend na lagi kong kasama!
Present din sa kasal ang BTS. Syempre sila ang mga kaibigan ni Jimin at isa na nga dun si Taehyung.
Nakarating kami sa simbahan at bumaba na ako. Binuksan ang pintuan ng simbahan at nagsimula na akong maglakad habang hawak-hawak ang isang boquet ng rose.
Ang tugtog na pinapatugtog ngayon habang naglalakad ako sa aisle is God gave me you. Nakita ko na si Taehyung na ang pogi ng porma sa suot nya. Binigyan nya lang ako ng isang matamis na ngiti at nag-salute sign sya.
Tsk alien talaga! Nakita ko na din ang iba pang miyembro ng BTS na sumasabay sa tugtog.
And finally nakarating na ako sa dulo. Nakita ko na si Jimin. Naka-ngiti sya pero alam kong fake 'yon. Parang nalungkot tuloy ako. Ibinigay na ni Dad ang kamay ko kay Jimin.
"Take care of my princess."
Sabi ni Dad ng nakangiti. Ngumiti din naman si Jimin bago sagutin 'yon.
"Yes I will."
Pagkasabi nya nun ay kinuha na nya ang kamay ko. Nakaramdam pa nga ako ng electricity na dumaloy sa kamay ko ng hawakan nya ako.
Umalis na sila Mom and Dad at umupo na. Inalalayan naman ako ni Jimin para maka-upo na. Umupo kaming dalawa at nag-simula na ngang magbasbas sa amin ang pari.
Hindi ko manlang namalayan na patapos na pala ang kasal. Nung nagbigay kami ng vows sa isa't-isa nakangiti kami nun. Pero pinakabisado lang talaga samin yun ng mga magulang namin.
Nagsalita na ang pari kaya nagulat ako. Lutang kasi ako eh pero rinig na rinig ko ang sinabi ng pari.
"You may now kiss the bride!"
Sabi ng pari. Itinaas ni Jimin ang belo ko at tsaka dahan-dahan nyang inilapit ang muka nya sa muka ko. Naramdaman ko nalang ang kanyang malalambot na labi sa aking bibig. Nagtagal ang kiss for about 6 seconds.
Pagkatapos nun ay naghiyawan ang mga tao. Nagulat ako kasi bigla nya akong binuhat ng bridal style at tsaka tumakbo palabas.
Pagkalabas namin ay ipinahagis nya sa akin yung boquet of roses.
Pagkakita ko naman, ang nakasalo nun ay si Shane ang pinsan ko. Napangiti naman ako. Kasunod namang ihinagis ni Jimin ang garter at ang nakasalo ay ang alien kong bestfriend na si Taehyung!
Naghiyawan ang mga tao at pinagka-kantsawan si Shane at Taehyung. Baka may mabuong chemistry dun sa dalawa!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Annyeong!! Sinipag mag-update si Author lol! Natuwa kasi ako dun sa mga comment ni Angela!! Thanks nga pala sa pag-support mo nitong IMJW!
Hayaan mo ie-extra kitang character dito kay Suga XD
Kayo naman ang magkakaroon ng chemistry! Pero thanks talaga sa inyong lahat!!
-Shine Kim
-Asawa ni Taehyung
BINABASA MO ANG
I'm Mr. Jimin's Wife
FanfictionIto ay kwento ni Dianne bilang asawa ni Park Jimin. Ano kayang mangyayari kung ayaw ni Jimin sa kanya pero mahal nya ito? Will she stay with him even if he doesn't love her? Or she will leave because she's tired of loving him and he can't love her b...