Chapter 46

3.2K 94 14
                                    


Dianne's POV

"One, two, three!" sabi ni Seohyun at binitawan nya ang kamay ko. Unti-unti kong inihakbang ang mga paa ko. Huminga muna ako ng malalim. I can do this. Halos one month ko na 'tong pinaghandaan and there's no turning back.

Inihakbang ko ang kanan kong paa. Pinakikiramdaman ko muna kung matutumba ba ako o hindi. Sunod kong inihakbang ang kaliwa kong paa. Nakatayo na ako ngayon. Tiningnan ko si Seohyun at nakita ko sya na nakangiti lang sa akin.

Inihakbang ko ulit ang kanan kong paa at nagtuloy-tuloy na 'yon. Naglakad ako papalapit kay Seohyun. Sinalubong naman ako ni Seohyun ng isang mahigpit na yakap. Hindi ko na maiwasan na hindi mapa-iyak sa tuwa.

"Seohyun nagawa ko. Seohyun nakakalakad na ako." I said between my tears. Hinigpitan ko ang yakap kay Seohyun. Sya lang kasi ang mayron ako sa isang buong buwan. Sya ang naging nanay at ate ko sa mga panahon na 'yun.

Sya ang naging karamay ko sa mga panahon na mag-isa ako. Sya ang kasama ko noong nakipaghiwalay ako kay Jimin. "Aish tama na 'yan Dianne. Tingnan mo o nakatingin na sa'tin si Kevin." sabi nya kaya natawa naman ako.


Humiwalay ako sa yakap at naglakad ulit papunta sa mga anak ko. Kinarga ko si Khaizer. Ang laki na nila. Nakaka-miss lang kasi wala si Krizzle. "Ang laki na ng baby ko na 'yan ah. Look oh nakakalakad na si Mommy!" masayang sabi ko kay Khaizer at hinalikan ko ito sa pisngi.


Nakita ko naman na ngumiti din si Khaizer. Aish ang cute! Labas na naman yung dimples! Kamuka nya talaga ang tatay nya. Ibinalik ko si Khaizer sa crib at binuhat ko naman si Kevin. "Baby Kev ang bigat mo na! Ang takaw kasi sa gatas!" sabi ko kay Kevin. Parang tumawa naman 'yung anak ko na may halong tili. Alam nyo 'yun? Yung kadalasang ginagawa ng mga babies.


Nagulat ako nung hawakan ni Kevin ang muka ko. Ngumiti din sya tulad ng ginawa ni Khaizer kanina. Aish ang cute cute talaga! Sarap pisilin ng pisngi kaso wag na baka umiyak. Kinissan ko din sya sa noo bago ko sya ibinalik sa crib kasama si Khaizer.




About dun pala sa pagkikita namin ni KM sa abandonadong building, next week na 'yon. I need to prepare myself. Kapag pumunta ako dun, pwede akong mapahamak but sabi nga ni KM, huwag daw akong magsasama ng kahit na sino. Mas mabuti nang sundin ko 'yung sinabi nya kesa naman mapahamak si Krizzle.


Nasabi ko na rin 'yun kay Seohyun. Noong una hindi nya pa ako pinayagan na mag-isang pumunta but ipinagpilitan ko talaga ang gusto ko na kaya ko namang mag-isa. And I'll do this for the sake of my daughter.



And si Jimin? Hindi na kami nagkikita. Tinatawagan nya ako lagi sa cellphone pero hindi ko naman sinasagot. Tapos na kami. Malinaw na sa'kin ang lahat na niloko nya lang ako. Pinaasa at pinagmukang tanga nya lang ako.



"Ah Dianne, aalis lang ako saglit kaya mo naman mag-isa dito diba?" tanong ni Seohyun. Saan sya pupunta? Nandito kasi kami sa condo ko na niregalo sa akin ni Dad noong 16th birthday ko.




"Saan ka pupunta?" tanong ko naman sa kanya. Nakita ko naman na napalunok sya at parang hindi mapakali. Parang hindi nya alam kung ano ang isasagot nya sa tanong ko. Weird. Bakit sya nagkakaganyan?





"Ah a-ano, dyan l-lang sa tabi! Mamamasyal lang ako and maggo-grocery. Ubos na din kasi yung stocks." sabi nya at kinuha na agad 'yung bag nya tapos lumabas na. Nakatingin pa rin ako sa pintuan na pinaglabasan nya. Bakit kaya ganun 'yung inakto nya kanina?




Hayaan ko na nga lang! Baka naman magde-date lang sila ni Taehyung kaya ayaw nilang sabihin. Haha oo nga naman, privacy na nila 'yon kaya siguro ayaw nyang sabihin.




Aish nagugutom ako. Gusto ko ng cake. Aish nagca-crave talaga ako sa cake. Hinawakan ko ang tyan ko at pumunta sa kusina. Paano ba ulit mag-bake ng cake? Ah oo alam ko na! Tinuro nga pala sa'kin 'yon ni Jimin.





Wag na nga lang cake! Naalala ko si Jimin eh! Naalala ko kasi kapag tinuturuan nya ako mag-bake palagi nyang nilalagyan ng icing yung pisngi ko tapos lalagyan nya din ako sa lips tapos iki-kiss nya. Ay ano ba yan! Wag na nga alalahanin!




Ano kayang masarap kainin? Hmm ah alam ko na! Magluluto nalang ako ng adobo. Diba mas masarap yung pagkakaluto kapag kumakanta ka habang niluluto mo 'yon? Oo yun kaya 'yon! Yun yung sabi ni Jimin eh.




Nabitawan ko ang hawak kong sandok ng maalala ko na  naman kung paano sya magluto ng  adobo. Kapag kasi nagluluto sya, pinapanood ko sya palagi. Tapos kumakanta sya habang nagluluto. Tinanong ko sya kung bakit sya kumakanta tapos sabi nya para daw mas masarap yung pagkaluto.




Pinulot ko 'yung sandok at umiling-iling. Ayoko na palang magluto ng adobo. Naalala ko na naman yung happy moments namin habang nagluluto. Magsasangag nalang ako tapos magluluto ako ng itlog. Perfect 'yon!




Alam nyo ba dati na hindi ako marunong magluto ng sinangag? Natuto lang ako dahil tinuruan ako ni Jimin. Jimin na naman. Palagi nalang si Jimin. Lahat nalang nang gagawin ko naalala ko si Jimin. 




Napa-upo nalang ako sa sahig at napayuko. Bakit ganun? Galit nga ako sa kanya pero bakit mahal na mahal ko pa rin sya hanggang ngayon? It's been a month since that scenario happened then me? I can't let go?





Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Jimin kung hindi mo sana ako niloko, sana masaya pa rin tayo. Jimin kung nagsabi ka lang sana ng totoo hindi sana tayo magkakalayo. Jimin kung mahal mo talaga ako, hinding-hindi mo gagawin 'yon. 




I wish that we could turn back time.







===========================Hi guys! Sorry sa 8 days na late update. Guys ansaket lungs! Ansaket lang hindi payagan sa concert T^T Ansaket lang guys masaket! May pera ka nga hindi ka naman pinayagan   T_T 

I'm Mr. Jimin's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon