Chapter 49

2.6K 60 12
                                    


Jimin's POV

Habang nagda-drive ako, nakatulog na 'yung tatlong bata sa backseat. Napangiti nalang ako. Ang bilis talaga ng panahon. Ang lalaki na nila.


Mayamaya lang, nakarating na kami sa hospital. Ginising ko ang mga bata at sabay-sabay kaming pumasok sa hospital. "Daddy?" tanong ni Kevin. "Bakit anak?" sagot ko naman sa kanya.


"Kelan po ba gigising si Mommy?" tanong nya ulit sa'kin kelan gigising ang Mommy? Hindi ko din alam. Hindi ko din alam ang sagot eh. "Maybe bukas or next week. Hindi natin alam. Ang alam lang natin ay gigising si Mommy nyo." sagot ko habang pinupunasan ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa pisngi ko.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa labas ng kwarto nya. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob. Pagkapasok ko, nakita ko na naman ang maganda nyang muka. Hindi pa rin sya nagbabago. Humaba nga lang ang kanyang buhok. Maraming nakakabit na aparato sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan 'yon. "Hi Wifey! Miss na kita kaya gumising ka na dyan!" masiglang sabi ko para hindi mahalata ng mga bata na nalulungkot talaga ako sa nangyari sa mommy nila.

Lumapit naman silang lahat kay Dianne at hinalikan ang pisngi nito. "Mommy gising na po ikaw para may kasama na po akong maglaro." sambit ni Krizzle at niyakap ang mommy nila.

"Mommy sana gumising na po ikaw kase po wala po akong kasama matulog pag gabi na." nakangusong sabi naman ni Khaizer. "Mommy sana po gumising ka na po kase malapit na po mag-birthday si Daddy." sabi ni Kevin.

Oo nga pala. Magbi-birthday na pala ako sa isang araw. Ang bilis naman. Ayoko pa sanang tumanda. "Oo nga po Mommy tapos maghahanda tayo ng maraming spaghetti!" masiglang sabi ni Krizzle.

Hindi sana mangyayari 'to kung hindi ako na-late ng dating. Kung kaya ko lang ibalik ang panahon. Noong mga oras na nakatali sya sa upuan, gustung-gusto ko syang yakapin para hindi na sya umiyak.

* Flashback *

Sinabi lamang sa akin ni Seohyun ang lahat at tsaka kami nagmadaling pumunta sa lumang building na iyon ngunit bago ako makarating, huli na ang lahat.

Habang nakasakay kami sa sasakyan ni Seohyun, nakarinig kami ng isang malakas na pagsabog. Rinig na rinig ito kahit nasa loob kami ng kotse. Kinakabahan na ako nung mga oras na 'yun.

Kulang nalang paliparin ko ang kotse ni Seohyun para makarating agad sa lumang building. Pagkarating namin doon, naabutan namin na nagliliyab na ang buong building.

Doon na bumuhos ang mga luha ko. "W-wala na. W-wala na. N-nahuli ako ng d-dating." 'yan ang nasabi ko noong dumating kami sa building. Marami nang mga tao ang nakiki-usyoso pero nagpumilit akong sumiksik sa kanila para makapunta sa unahan.

I'm Mr. Jimin's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon