Dianne's POV
Nagising ako ng may humahaplos sa muka ko.Pagkatingin ko si mommy pala. Ang pinakamamahal kong nanay sa buong mundo.
"Good morning anak! Bumangon ka na dyan at maligo na. Baka ma-late ka pa sa school mo."
Napangiti ako sa sinabing iyon ni mommy. Kahit kailan talaga napaka-caring sa akin ni mommy. Kaya mahal na mahal ko sya eh.
"Opo mommy babangon na po!"
Sabi ko at bumangon na. Dumeretso ako sa cr para maligo at pagkalabas ko wala na si mommy kaya nagbihis na ako.
Pagkabihis ko bumaba na ako at doon nakita ko si mommy at daddy sa hapag kainan at kumakain na.
"Good morning daddy!"
Bati ko sa kanya. Mahal na mahal ko rin ang daddy ko dahil parehas sila ni mommy na super maalaga sa akin.
"Good morning din baby! Umupo ka na dito at kumain na. Baka pumayat ka nyan!"
Napatawa naman ako sa sinabi ni daddy.
"Ikaw talaga daddy! Opo kakain na po ako!"
Sabi ko at umupo na at tsaka kumain.
"Baby may mamayang pagka-uwi mo magbihis ka ha? Yung formal kasi may pupuntahan tayo nila mommy mo."
Nagulat ako sa sinabi ni daddy at medyo na-excite.
"Saan po tayo pupunta mamaya?"
Tanong ko naman habang patuloy pa ring kumakain.
"Secret baby! Mamaya mo malalaman, siguradong matutuwa ka mamaya!"
"Sige po mommy! Excited nako!"
Tinapos ko na ang pagkain ko at tumayo na para pumasok sa school.
"Bye mom bye dad! Alis na po ako!"
Paalam ko sa kanila.
"Ingat ka baby ha?"
"Opo mommy!"
Lumabas na ako ng bahay at hinatid na ako ng driver namin sa school.
Pagkababa ko ay naglakad na ako papuntang room ko.
Ako nga pala si April Dianne Ramos. 19 yrs old. Only child nila David Ramos and Angela Ramos.
Habang naglalakad ako ay nakita ko ang taong matagal ko ng mahal at kasama nya ang taong mahal nya.
Ang sakit. Yan ang nararamdaman ko ngayon. Pero ano nga ba ako sa kanya? Hindi nga nya ako kilala. Kuntento na ako na pinagmamasdan sya sa malayo kasama ang taong mahal nya.
Kung saan sya masaya ay doon na rin ako. Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad hanggang sa makarating na ako sa room.
Pagkapasok ko ay isang tumatakbong Kim Taehyung ang sumalubong sa akin.
Sya ang bestfriend ko. Sya rin ang nakakaalam ng mga secrets ko.
Nakayakap sya ngayon sa akin at tumatawa.
"Ano ba naman yan V alis nga uupo ako!"
Sabi ko habang tinutulak sya. V ang nickname nya kaya ayun ang tawag ko sa kanya.
"Ay sungit naman ni bestfriend! Payakap lang eh!"
Sabi nya at nag-pout. Hay nako, ito talagang bestfriend ko na 'to kahit kailan napaka-isip bata.
"Asus naman! Paupuin mo muna kasi ako at mabigat ang bag ko!"
"Ay sige akin na yang bag mo at ako na magdadala."
Kinuha naman nya ang bag ko at umupo na kami sa upuan ko. Katabi ko kasi ang tukmol na 'to.
"Oh asan na hug ko?"
Nagpapaawa nyang sabi at naka-open arms pa na parang nag-aayang yumakap ako sa kanya.
Ngumiti ako at niyakap sya ng mahigpit. Na-miss ko rin 'tong alien na 'to kahit ang kulit-kulit. Isang linggo kasi kaming hindi nagkita kaya miss na miss namin ang isa't-isa.
"Tama na baka dumating na prof natin. Baka mapagalitan pa tayo!"
Matawa-tawa kong sabi at humiwalay na ng yakap sa kanya.
"Bestfriend kwento ka naman! Anong nangyari sayo habang wala ako? "
BINABASA MO ANG
I'm Mr. Jimin's Wife
FanfictionIto ay kwento ni Dianne bilang asawa ni Park Jimin. Ano kayang mangyayari kung ayaw ni Jimin sa kanya pero mahal nya ito? Will she stay with him even if he doesn't love her? Or she will leave because she's tired of loving him and he can't love her b...