Chapter 45

3.1K 103 25
                                    


Dianne's POV

Bakit? Bakit kailangang mangyari sakin 'to? Bakit kailangang pagtaksilan ako ni Jimin? Sinara ko ang laptop at hindi na ipinagpatuloy ang panonood dahil hindi ko kaya.




Hindi ko kayang makita si Jimin habang nakikipag-sex sa ibang babae. Umiyak nalang ako ng umiyak. Palagi nalang ba akong masasaktan? Wala na bang katapusan ang mga paghihirap ko?




Sabi ni Jimin hinding-hindi nya ako lolokohin pero ano 'to? Ano 'yung napanood ko? May mas sasakit pa ba dito? Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nyon si Jimin na kakarating pa lang sa pinuntahan nya.




"Why are you crying? May nangyari bang masama?" tanong nya pagkalapit na pagkalapit nya sa'kin pero imbes na sagutin ko ang tanong nya, isang sampal ang isinagot ko sa kanya.




"Why Jimin? Why? Gaano katagal mo na ba akong niloloko?" tanong ko habang umiiyak. Naguguluhan naman sya sa mga sinasabi ko. "Ano bang sinasabi mo?" tanong nya. Tinuro ko ang laptop at sya na mismo ang nagbukas nyon.




"What's wrong with this?" tanong nya pa ulit. "Play that fucking video Jimin! Tingnan mo! Matagal mo na pala akong ginagago!" sigaw ko sa kanya. Nagulat naman sya sa mga nabibitawan kong mga salita but I don't care!




Pinlay nya 'yon at kahit sya ay nagulat sa napanood nya. Kitang-kita ko kung paano sya kabahan. "Hindi ko sinasadya Dianne. Promise! I didn't mean to do that and besides may pina-inom sya sakin na gamot kaya ako naging ganyan." sabi nya pero naging sarado na ang tenga ko para sa mga palusot nya.




"Jimin kitang-kita naman na nag-eenjoy ka sa ginagawa nyo! Why Jimin? Why? Bakit naghanap ka pa ng iba? Hindi pa ba ako sapat sa'yo?" tanong ko habang nagpupunas ng mga luha ko. Pero kahit anong punas ang gawin ko, tumutulo pa rin sila.




"Dianne. I'm so sorry." sincere na sabi nya pero sa tingin ko, nawalan na ako ng tiwala sa kanya. "You promised me na hindi mo na ako sasaktan pero totoo pala yung kasabihan na promises are meant to be broken kasi nabaliwala din naman yung promise at ikaw mismo ang sumira nyon." sabi ko at iniwas ang tingin ko sa kanya.




I don't want to look at his eyes. Natatakot kase ako na baka pag tumingin ako sa mata nya, baka mapatawad ko agad sya. Ito kasi ang hirap sa'kin. Mabilis akong magtiwala sa mga tao at mabilis din akong magpatawad kaya anong resulta? Eto palaging naloloko.




"Dianne ayusin natin 'to please." sabi nya at hinawakan ang kamay ko pero tinabig ko 'yun. "Siguro hindi mo naman talaga inaasikaso ang pagkawala ni Krizzle kasi mas inuuna mo pang puntahan 'yung babae mo kase asikasuhin ang pagkawala ng anak mo." sabi ko sa kanya.




"No. That's not true. Inaasikaso ko talaga ang pagkawala ni Krizzle. " sabi nya. Umiling-iling naman ako. "You know what Jimin? Siguro nawala na ang tiwala ko sa'yo. Ilang beses mo na ba akong niloko? One? Two? Three? Or mas marami pa dun?" tanong ko sa kanya.




Hinawakan nya naman ang muka ko. "Dianne look at me." pero hindi ko pa rin sya tinitingnan. "Look at me please." sabi nya. "No Jimin. Ayoko na. Baka kapag tiningnan na naman kita, baka lokohin mo na naman ako. Sa tingin mo? Tama ba 'yung desisyon ko na pumayag sa kasal na 'to?" tanong ko sa kanya.




"Jimin sa tingin mo. Kung hindi ako nagpumilit na ikasal sa'yo, masasaktan ba ako ng ganito? Mamatay ba si Rachel? Magiging close ko ba ang Bangtan?" tanong ko ulit sa kanya. Habang sinasabi ko 'yan, isa-isang nagfa-flashback sa utak ko 'yung mga moments na sobrang saya namin.




Yung mga panahong wala pa kaming problema. Yung mga panahon na mahal ko sya at mas mahal nya ako. Pero iba na ngayon. Ginagago na pala ako ng patalikod ng asawa ko at ako naman si tanga na tiwalang-tiwala pa rin sa asawa ko.




"Dianne wag mo namang sabihin 'yan." sabi nya at niyakap ako. Maramdaman ko na may tumutulo sa balikat ko. Is he crying? Crying for what? Siguro acting na naman 'to? Like what happened few months ago?





"Jimin please. Stop that stupid acting. I'm tired. Very, very tired. I don't know how to be happy again. I don't know how to smile again. Jimin siguro mas mabuti kung babalik nalang tayo sa kanya-kanya nating mga buhay." I know na masasaktan ako sa desisyon ko but it's the right choice for me.




Mas mabuti na 'to kesa masaktan na naman ako. "Anong ibig mong sabihin Dianne?" he asked. Pinipigilan ko na naman ang mga kuha ko bago ako magsalita. Gusto ko kase na masabi ko 'to sa kanya ng deretso at hindi nagca-crack ang boses ko.




"Mas mabuti kung mag-hiwalay na talaga tayo." sabi ko kasabay nang pagbuhos ng mga luha ko. Mas mabuti kasi kung babalik na kami sa simple naming buhay noon. Ako, kukunin ko ang mga anak ko. Kaya ko silang buhayin dahil may kaya din naman ang pamilya namin and sya? Pwede na syang bumalik sa buhay nya din dati na palaging nasa bar kasama ang mga kaibigan nya.




Ako naman babalik nalang sa simple kong buhay. Yung buhay ko dati na si Taehyung lang ang bestfriend. Yung princess ako sa bahay. At higit sa lahat, 'yung buhay ko dati na masaya at walang iniintinding problema.




Napangiti ako ng mapait sa mga naiisip ko. "N-no Dianne. Hindi ako papayag!" tutol ni Jimin pero umiling lang ako. "Jimin tapusin na natin 'to. Kitang-kita naman na kasi na niloloko mo lang ako. Maraming beses mo na akong niloko pero napatawad kita noon. Pero iba na 'to Jimin. Masyado ng masakit ang sugat na ibinibigay mo sa'kin. I think we should let go. Kailangan natin 'tong gawin hindi lang para satin, kundi para na rin sa nakararami." sabi ko sa kanya.




Thank you Jimin for loving me and giving me a wonderful gift. Thank you Jimin for the happiness na naibigay mo sa'kin. Pero sa tingin ko, hanggang dito nalang talaga tayo. Siguro nga mahal pa rin kita pero hindi ko na talaga kaya ang sakit na nararamdaman ko. I love you Jimin but this is the right choice for us.





The end.

Charot XD

Di pa tapos haha.

So Guys! Hindi pa tapos tong atory kaya wag muna kayong umiyak choss!!! Haha pero sabi ko nga malapit na 'tong matapos diba? So i-ready nyo na yung tissue nyo haha.


*VOTE

*COMMENT

*BE A FAN

-Shine_Kim

I'm Mr. Jimin's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon