Dianne's POVNagising ako sa loob ng kwarto namin ni Jimin. Agad-agad akong lumabas sa kwarto at bumaba sa sala. Hinanap ko si Jimin sa baba pero wala sya.
Umakyat ulit ako sa kwarto ng mga anak namin at pagkapasok ko 'dun, nakita ko si Khaizer at Kevin na mahimbinb na natutulog sa crib nila. Sinulyapan ko 'yung crib ni Krizzle pero wala sya. Napa-iyak na naman ako.
Sino ba kasi 'yung taong gumagawa sa'min nito? Bakit ba ayaw nya kaming patahimikin? Pinunasan ko agad ang mga luha ko nang marinig ko na tumunog 'yung doorbell.
Bumaba ako para buksan 'yung pinto. Pagkabukas ko, tumambad sa akin ang nakangising muka ni Kyla. Tsk! This bitch again! "Why are you here?" mataray na tanong ko sa kanya. Mas lalo naman syang nag-smirk.
"Balita ko nawawala daw ang isang anak mo?" tanong nya sa'kin at pumasok nalang bigla sa loob ng bahay namin. Umupo sya sa couch at nag-crossed arms. "Bitch! Get out of my house!" sabi ko at itinuro pa ang pintuan.
"Oh? Why so rude? Ano masakit ba? Masakit ba mawalan at maiwan?" tanong nya sakin. My fist suddenly forms into a ball. May kinalaman ba sya sa nangyari sa anak ko? "May kinalaman ka ba sa pagkawala ni Krizzle?" pasigaw kong tanong sa kanya.
Nag-smirk sya at lumapit sa'kin. "Alam mo kasi Dianne, masyado kang kuntento sa kung ano'ng meron ka. Masyado kang nakakasiguro na walang mawawala sa'yo. Oh tingnan mo ang nangyari ngayon, nawalan ka." bulong nya sa'kin.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal na sya. "Bitch! Ilabas mo ang anak ko!" sigaw ko at sinabunutan sya. Lumaban din sya sa sabunot ko at I admit it, mas malakas sya sa'kin! Itinulak nya ako kaya napahiga ako sa sahig. She take the advantage para daganan ako at mas lalo akong masabunutan.
Buti nalang at may dumating at inawat kami. "Dianne, Kyla stop it!" sigaw ni Jimin. Sya siguro yung dumating. Inawat nya kami at itinayo nya ako. "Are you okay?" tanong nya sa'kin. Tumango naman ako kahit na marami akong kalmot at kumikirot na ito.
"Kyla umalis ka muna please. " sabi ni Jimin kay Kyla. "But Jimin sya ang nauna!" sigaw ni Kyla at itinuro pa ako. Nakita ko naman na napahilamos si Jimin si muka nya at bumuntong hininga. "Kyla, please. Umalis ka muna." pagkasabi 'non ni Jimin, umalis na si Kyla.
"Tara gamutin natin 'yang mga kalmot mo." sabi nya at ini-upo ako sa couch. Kinuha nya ang first aid kit namin at ginamot nga ako. "Bakit ka ba kasi nakipag-away sa babaeng 'yon Dianne? Tingnan mo tuloy, may mga sugat ka na." pangaral sa'kin ni Jimin na paramg sya ang tatay ko.
"Saan ba kasi kayo nagpunta? Bakit ako lang ang naiwan dito?" tanong ko sa kanya. Tinapos nya muna ang paglilinis sa mga sugat ko bago nya ako sagutin. "Dumeretso kami nila Jin hyung sa police station para i-report ang nangyari." sabi nya at ibinalik na ang first aid kit sa pinagkuhanan nya.
Bumalik sya na may dala-dalang pagkain. "Niluto ko 'yan kanina 'nung tulog ka pa." sabi nya at sinubuan ako 'nung dala nyang pagkain. Pagkatapos kong kumain, dumeretso ako sa kwarto nila Khaizer.
Pinagmasdan ko ang mga muka nila. Hays, nasaan na kaya si Krizzle? Sana maayos lang sya. And si Kyla, malaman ko lang na may kinalaman sya sa pagkawala ng anak ko, baka mapatay ko sya. Binihisan ko muna ng damit si Khaizer at Kevin. Pina-inom ko na rin sila ng gatas bago ako bumalik sa kwarto namin ni Jimin.
Pagkapasok ko, nakita ko si Jimin na nakahiga at naka-suot ng t-shirt at pajamas. Naligo muna ako bago ako tumabi sa kanya. "Dianne." tawag sa'kin ni Jimin kaya nilingon ko sya. "Bakit?" sabi ko sa kanya. Niyakap nya ako at ibinaon nya ang muka nya sa leeg ko. Nakahiga kasi kami ngayon sa kama.
"Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kasi hindi ko man lang mahanap yung anak natin. Naiinis ako kasi wala akong magawa na kahit ano para sa anak natin. Wala akong kwentang asawa at wala akong kwentang ama." sabi nya at naramdaman ko na nababasa na ang aking leeg.
Umiiyak sya? Bakit? "Jimin wag mong sabihin 'yan. Hindi totoo ang mga sinasabi mo. Para sa'kin, ikaw na ang pinakamabait na asawa sa buong mundo. Kahit na marami tayong pinagdaanan, kinakaya nating dalawa. Kaya wag mong sabihin na wala kang kwenta." sabi ko at iniharap ang muka ni Jimin sa muka ko.
Hinawakan ko ang muka nya at pinunasan ko ang mga luha nya. "Thank you Dianne. Thank you for forgiving me many times. Even though I hurt you many times, you still forgive me. That's why I fell inlove with you more. Mahal na mahal kita kahit na noong una ay hindi ko ipinaramdam sa'yo na asawa kita. Masyado kasi akong nabulag ng galit ko sa'yo. Pero 'nung mawala si Rachel, doon ko naintindihan ang lahat. Doon ko naunawaan ang mga katangahan na pinaggagagawa ko sa'yo."
Sa sinabi nyang 'yon, mas naramdaman ko na mahal talaga namin ang isa't-isa. Siguro kapag nawalay na naman sya sa'kin, baka hindi ko na kayanin. Niyakap ko nalang si Jimin at hinayaan syang umiyak hanggang sa makatulog sya.
Nakatulog na rin ako sa pag-iisip.
===========================
Annyeong guys! Huhu wala pakong pera pang-concert ng Bangtan T^T GUSTO NYO SUMALI SA ONLINE PALUWAGAN PARA MAKAPUNTA KAYO? PM NYOKO ^__^ TURN YOUR 90 PESOS TO 5K
*VOTE
*COMMENT
*BE A FAN
-Shine_Kim
BINABASA MO ANG
I'm Mr. Jimin's Wife
FanfictionIto ay kwento ni Dianne bilang asawa ni Park Jimin. Ano kayang mangyayari kung ayaw ni Jimin sa kanya pero mahal nya ito? Will she stay with him even if he doesn't love her? Or she will leave because she's tired of loving him and he can't love her b...