Chapter 12

5.5K 163 29
                                    

Dianne's POV

It's been three days since that 'one night stand' happened at ang masasabi ko lang ay weird!

Ilang araw na akong palaging natutulog. Hindi nga muna ako pumasok kasi tinatamad ako.

Ang gusto ko lang kasi ay matulog, matulog at matulog! Gusto ko din palang kumain!

Kasalukuyan akong nandito sa kwarto ko at nakahiga. Tinatamad kasi talaga ako.

Anyway, marami pa akong gagawin kaya tumayo na ako. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina.

Nakakita ako ng white chocolate at hindi ko alam sa sarili ko kasi bigla nalang akong natakam.

Kinuha ko yung white chocolate at kinain ko yun. Ang sarap talaga!

Bigla namang pumasok si Jimin sa kusina at tinitigan ako. Hindi na ko galit sa kanya. Ewan ko ba sa sarili ko at bakit ang bilis ko syang napatawad.

Lumapit sya sa akin and again, tinitigan na naman nya ako!

"Ano kailangan mo Jimin?" tanong ko sa kanya

"Bakit ang weird mo ngayon?" tanong nya din

"Ewan!" sabi ko at pinagpatuloy na ang pagkain ng white chocolate. Tinatawag pa nya ako pero hindi ko sya pinapansin. Hanggang sa kinuha nya ang white chocolate ko.

"Hoy akin yan! Bakit mo kinuha? Iyo yan iyo yan? Bumili ka nalang kasi!"

Nagulat sya sa inakto ko pero mas nagulat ako kasi nasigawan ko sya.

"Akin na 'to! Kanina pa kasi ako nagtatanong pero hindi mo naman ako pinapansin!" sigaw nya sa akin

Bigla na lang nagtubig ang mga mata ko nung sinigawan nya ako. Dati mas malakas pa ang sigaw nya sakin pero hindi ako umiiyak. Pero bakit ngayon parang ang babaw ko ata? Ang weird talaga.

"Sinisigawan mo na ko ganun? Hindi naman kita inaano ah? Kumakain lang naman ako ng white chocolate!"

Sabi ko ng umiiyak. Bigla naman syang nataranta ng makita nya akong umiiyak at hindi nya alam kung ano ng gagawin nya kaya niyakap nalang nya ko.

"Shh don't cry. I didn't mean to do that. Hush now ibibili nalang kita ng maraming white chocolates!"

Sabi nya kaya nagulat ako. Tumahan na ako sa pag-iyak at tumingin sa kanya.

"Talaga? So tara na dali! Bili na tayo nagugutom na'ko!"

Sabi ko at hinatak sya patayo pero pinigilan nya ako kaya napa-tingin ako sa kanya.

"Bakit?" tanong ko

"Magbihis muna tayo." sabi nya

"Ah sige!"

Sabi ko at tumakbo na papunta sa kwarto ko. Nagbihis lang ako ng blue na dress at white doll shoes.

Lumabas na ako sa kwarto at bumaba sa sala. Nakita ko sya na nakaupo sa sofa at nakasuot ng blue t-shirt at naka-pants na black at white converse.

"Omo ang cute mo Jimin!"

Sabi ko at lumapit sa kanya. Tumayo naman sya at inaya na akong lumabas.

Nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Jimin. Aish kinikilig na naman ako! >///<

Maya-maya lang inamoy-amoy ko sya. Aish ang baho!

"Jimin! Ang baho naman ng pabango na ginamit mo! Nakakasuka!" sabi ko

"Hindi naman ah!" sabi nya at inamoy-amoy ang sarili nya.

"Jimin magpalit ka nga ng damit! Aish ang baho talaga!"

Sabi ko at pumasok ulit sa bahay. Maya-maya lang feeling ko masusuka ako. And hindi nga ako nagkakamali! Bigla nalang akong tumakbo papunta sa sink at sumuka ng sumuka.

Naramdaman ko nalang na may humahagod na sa likod ko. Natapos akong sumuka at nagmumog na.

"Okay ka lang ba?" tanong nya

"Ah oo okay lang ako. Medyo masama lang pakiramdam ko. Tara alis na tayo?" sabi ko

"Okay." sabi nya

Lumabas na kami ng bahay at pumunta ng mall. Pagpasok pa lang sa mall, hinatak ko agad si Jimin papunta dun sa bilihan ng mga white chocolates.

"Wahhh Jimin bilihin natin lahat 'to! Mukang masasarap eh!" sabi ko

"Sige kumuha ka lang ng mga gusto mo. Dun lang ako sa labas. Tawagin mo nalang ako kapag tapos ka ng pumili at babayaran ko na." sabi nya

Nginitian ko nalang sya at kumuha na nga ako ng mga white chocolates na sa tingin ko ay masarap.

Natapos naman na akong pumili at tinawag ko na si Jimin.

Binayaran na nga nya yung mga white chocolates at sya na ang nagbuhat nun.

"Dianne are you hungry?" sabi nya

"Oo kanina pa nga eh! Gusto ko ng itlog na may suka!" sabi ko

"What? Bakit itlog na may suka? The eff anong lasa nun? At tsaka walang itlog sa bahay!" sabi nya

"Edi bumili tayo!" sabi ko naman

"Aish! Tara na nga!" sabi nya

Bumili nga kami ng one dozen na itlog at isang suka. Pagkatapos nun umuwi na kami.

Pagdating sa bahay, nilapag ko agad yung mga bitbit ko at humiga agad ako sa sofa. Tinatamad ako! Hindi ko alam kung bakit at nagugutom din ako!

"Jimin!" tawag ko sa kanya

"Why?" he said

"Can you please cook the egg for me?" I asked

" Why don't you cook it for yourself?" he asked

"Because Im not in my mood to cook that so can you please cook it for me?" I said

"Aish ang tamad mo!" sabi nya

Di ko nalang sya pinansin at humiga nalang ulit. Maya-maya lang, inilapag nya sa mini table yung luto na itlog. Scrambled egg sya!

"Wahhh thanks!" sabi ko

Tumayo ako at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng maliit na platito at nilagyan ko yon ng suka at asin tapos tinikman ko.

"Ang sarap!" sabi ko

Kinuha ko yung platito tapos pumunta ako sa sala at kinain ko yung itlog. Sinasawsaw ko yung itlog sa suka. Grabe ang sarap!

Nakita ko naman na tinititigan ako ni Jimin. Okay ang weird nya makatingin. Para syang nandidiri na ewan.

"Ugh bakit ka nakatitig? Gusto mo ba?" sabi ko at inilapit ko yung pagkain ko sa kanya pero umilong sya.

"Dianne bakit nasasarapan ka dyan?" sabi nya

"Eh kasi masarap!" sabi ko habang kumakain pa din. Nakita ko naman na mas napapangiwi yung muka nya.

Okay ang OA nya ah! Bakit kaya? Eh masarap naman talaga eh! Bakit ba?

"Dianne tapatin mo nga ko!" sabi nya. Napatigil naman ako sa pagnguya at napatingin sa kanya.

"Buntis ka ba?"

The fvck!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sorry sa late update!! Busy si otor eh XD

I'm Mr. Jimin's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon