Chapter 4

5.8K 165 19
                                    


Dianne's POV

Nakauwi na ako ng bahay at nasa kwarto ako ngayon. Isinave ko na pala yung number ni Jimin sa phone ko.

Gusto ko sya i-text pero nahihiya ako. Bahala na nga basta ite-text ko sya.

To: Jimin My Labs

Hello! Ako 'to si Dianne your fiance.

Isinend ko na kay Jimin yung message ko. Jimin My Labs talaga nilagay ko sa pangalan nya kasi nga mahal ko sya.

Nag-vibrate yung phone ko at masaya ko naman itong kinuha para tingnan kung sino ang nag-text. Akala ko si Jimin pero hindi. Ang nag-text ay ang elyen kong bestfriend na si Kim Taehyung.

From: Taehyung Elyen sa Universe Nakatira

Good evening mahal kong bestfriend!! Ano nangyari sa lakad nyo kanina? Kwento mo naman!

Pisti mangungulit na naman 'tong elyen na 'to pero naalala ko yung nangyari kanina. Naalala ko na fiance ko na si Jimin.

Sasabihin ko 'to kay Taehyung bukas. Siguradong matutuwa yun!

To: Taehyung Elyen sa Universe Nakatira

Bukas ko nalang iku-kwento! Tinatamad ako at tsaka pagod ako ngayon.

Isinend ko na yun kay Taehyung. Napatingin ako sa kisame at nag-imagine ng mga mangyayari sa akin kung sakaling makasal na kami ni Jimin.

Magiging masaya kaya ako? Titira ba kami sa iisang bahay? Matutulog ba kami sa iisang kwarto?

Naputol ang pag-iisip ko ng mag-vibrate na naman ang phone ko.

From: Taehyung Elyen sa Universe Nakatira

Sige! Ingat ka ah! Good night and sweet dreams. Sana mapanaginipan mo 'ko para mas lalang maging sweet yung dream mo.

Hayop talaga 'tong elyen na 'to! Pero napangiti naman ako sa message nya. Kahit pa-paano naman nagca-care sakin yung bestfriend ko!

Hindi ko na sya nireplyan at natulog na. May pasok pa ako bukas at kailangan kong gumising ng maaga para makita ang fiance ko sa school. Kinikilig ako!

Hindi ko namalayan unti-unti na pala akong nakatulog.

Jimin's POV

Pagkaalis ko sa restaurant, pinuntahan ko si Rachel sa condo nya.

Pumasok ako sa loob at nakita ko syang nanonood ng TV kaya naman tinakpan ko ang mata nya.

"Guess who?"

Malambing na sabi ko sa girlfriend ko. At inaantay ang sagot nya.

"Sino pa ba? Edi ang gwapo kong boyfriend na si Jimin!"

Masiglang sabi nya. Ayan ang dahilan kung bakit ko sya nagustuhan kasi mabait sya at masiyahin.

Humarap sya sa akin at kiniss ako sa lips. Smack lang sya pero okay na ako dun. Umupo ako sa tabi nya at nanood din ng TV.

Kinuha nya yung cellphone ko at tiningnan ang mga pictures namin.

"Baby, pwedeng timplahan mo ako ng chocolate drink?"

Sabi ko at nag-pout. Favorite ko kasi ang chocolate drink.

"Sige baby."

Sabi naman nya at tumayo na para pumunta sa kitchen habang dala pa rin yung phone ko. Nanatili naman akong nakaupo at nanonood ng TV.

Rachel's POV

Hi sa inyo! Ako pala si Rachel Ann Moldova. Kasalukuyan akong nasa kitchen at ipinagtitimpla ng chocolate drink ang aking boyfriend na si Jimin.

Nag-vibrate ang phone nya at may nag-text. Unregistered number ang nakalagay. Sino kaya 'to.

I opened the message and I was shocked sa laman ng message.

From: 09*********

Hello! Ako 'to si Dianne, your fiance.

May tinatago ba sakin si Jimin. Bakit may fiance na sya? Baka naman na wrong send yung nag-text? Hinayaan ko nalang yun at dinelete yung message.

Ipinagpatuloy ko yung paggawa ng chocolate drink ni Jimin hanggang sa matapos.

Bumalik ako sa sala and there he is, still watching at the television.

"Baby, eto na yung chocolate drink mo oh!"

Sabi ko sa kanya. Tumingin naman sya at ngumiti sa akin. Kinuha naman na nya yung chocolate drink at ininom.

Naubos nya yun at ibinigay na sa akin ang baso. Hinawakan ko muna yung baso at tumingin sa kanya ng seryoso.

"Jimin, may hindi ka ba sinasabi sa akin?"

Tanong ko sa kanya. Once na Jimin na ang itinawag ko sa kanya, alam na nyang seryoso ako sa sinasabi ko. Nagulat sya kasi Jimin na ang itinawag ko sa kanya imbes na baby.

"Ano namang ililihim ko sayo baby? At lahat naman ng sikreto ko sinasabi ko sayo diba?"

Habang sinasabi nya yun, pinagpapawisan sya. May kutob talaga ako eh.

"Ahh okay! Sige balik ko na 'tong baso."

Sabi ko at pumunta sa kusina para ilagay yung baso sa sink. Kinakabahan pa rin talaga ako sa kutob ko eh!

Biglang nag-vibrate yung phone ni Jimin. Nakita ko na galing ito sa Mom nya.

From: My Beautiful Mom
Jimin anak, umuwi ka na! Anong oras na oh?

Bumalik naman na ako sa sala at sinabi ito kay Jimin.

"Jimin nag-text pala yung mom mo. Pinapauwi ka na."

Sabi ko sa kanya. Tumayo naman sya at kiniss ako sa noo, ilong, baba, at sa lips.

"Sige baby uuwi na ako! Ingat ka dito ah? Bye!"
Kinuha na nya sakin ang phone nya at umalis na.

Kinikilig tuloy ako! Si Jimin talaga!

Pinatay ko na ang TV ang dumeretso sa kwarto. Naligo muna ako bago matulog.

=!=!=!=!=!=!=!=!=!=!=!=!=!=!=!=!=!=!=!

Annyeong!!

Yiehhh ang bait ko nag-update agad ako!

De juk lang XD

Dahil "mabait" nga ako, maguupdate ako bukas!!

Ano ayo ba? Sige yun lang basta lab nyo ang story na 'to, lab na rin kayo ni author XD

Si Taehyung pala nasa multimedia! Ang cute ng bebe ko noh? XD

Mahar ko layu :*

-Shine Kim
-Asawa ni Taehyung

I'm Mr. Jimin's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon