Chapter 27

5K 147 0
                                    

Dianne's POV

Nakarating na kami dito ni Jimin sa bahay at nandito  kami sa couch. Nilibot ko ang paningin ko at mga kalat lang ang nakita ko.

Si Jimin talaga kahit kelan! Hindi marunong maglinis ng bahay! Yung mga hugasin hindi pa nahuhugasan, yung mga sapatos nya nakakalat sa sahig, yung mga throw pillow hindi pa napapalitan ng punda at yung lamesa may alikabok na!

"Jimin ikaw talaga! Hindi ka man lang naglinis?" tanong ko sa kanya. Nagkamot lang sya ng batok at nginitian ako.

"Ah hindi kasi ako marunong maglinis ng bahay diba? Alam ko naman yun diba?" nakangiting sabi nya pa sakin. Tsk!

"O sige sige, mamaya na ang tungkol dito sa bahay natin. Pumayag ako na umuwi dahil kailangan kong malaman ang mga reasons mo. So Jimin, start!" sabi ko. Nakita ko naman syang napalunok.

Seryoso ako dito kaya kailangan seryoso din sya. Wag na wag ko lang talaga malalaman na may ibang babae sya kundi nako! Hindi nya na makikita 'tong tatlong anak nya!

"Una sa lahat Dianne, sorry talaga. Sorry sa lahat ng nagawa ko. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko bilang asawa mo. At sorry para sa hindi pagiging mabuting ama ng mga bata." seryosong sabi nya. Nakikita ko naman sa mga mata nya ang sincerety.

"Okay apology accepted pero ang kailangan ko talagang malaman ay kung bakit mo nagawa sakin 'yun at ano ang mga nangyari sa'yo sa States?" tanong ko sa kanya.

Huminga muna sya ng malalim bago sumagot. May nakita din akong lungkot sa mga mata nya. Okay ano 'tong nakikita ko? "Dianne nung pagkadating ko dun, umattend agad ako sa business meeting." sabi nya.

Tinitigan ko lang sya na parang sinasabi ko na ituloy nya lang. "After three days, there was a girl called me on my cellphone and she said that she will give me something important." he said. I stared at him for a moment before he continued his explanations.

"At first I hesitate but nakipagkita pa din ako dun sa babae. Nung nagkita na kami, may iniabot sya sakin na sulat. Sabi nya yung sulat na yun daw ay ang huling sulat na sinulat ni Rachel." natigilan ako sa sinabi nya.

Anong huling sulat? Anong kinalaman ni Rachel sa mga nangyayari sa amin? Ang alam ko nasa States sya pero sabi ni Taehyung malabong magkita si Jimin at Rachel dun so anong connect ni Rachel sa topic namin?

"Bago sya umalis, may sinabi sya sakin na nakapagpalungkot sakin at the same time nakapagpagalit. Naisip ko nun na kung hindi tayo naglakasal baka magkasama pa kami ni Rachel. Na baka masaya pa rin kami hanggang ngayon. Nagalit ako sayo nung mga oras na yun kasi naisip ko na ikaw ang sumira sa maganda naming relasyon ni Rachel kaya dapat din kitang sirain. At nung umuwi na nga ako dito, dun ko na nga sinimulan ang pagpapahirap ko sayo. Believe me or not Dianne, wala ako sa sarili ko nung mga oras na yun. Nilalamon na kasi ako ng galit kaya ko nagawa ang mga yun." sincere na sabi ni Jimin pero hindi ko maiwasan na hindi kumunot ang noo ko.

Ano ba kasing nangyari kay Rachel at naging ganyan nalang sya kagalit sakin? "Ano ba kasing nangyari kay Rachel?" tanong ko sa kanya.

Bumuntong hininga muna sya at tumingin sa kisame. Halata kong pinipigilan nya lang ang mga luha nya na bumagsak. Tumingin ulit sya sakin at tsaka sumagot.

"Dianne, nag-suicide si Racel." nagulat ako sa narinig ko. What? Bakit sya magsu-suicide? Anong dahilan nya? At bakit ganyan na lang makapag-react 'tong si Jimin?

"Binasa ko ang huling sulat nya at naawa talaga ako sa kanya nang mabasa ko ang sulat na yun. Nakasulat kasi dun na pinapalaya na nya ako at pinapaubaya na nya ako sayo Dianne. Sya nalang daw ang magsasakripisyo ng kaligayahan nya para lang sakin. Ayaw din daw nyang makasira ng pamilya. Kaya for the sake of our childs, nag-suicide sya. Halos mtunaw ako ng mabasa ko ang sulat na yun. Doon na ako nagalit. Galit na galit ako sayo nun Dianne!" sabi ni Jimin.

Nakakaawa naman pala si Rachel eh. Dapat pala hindi nalang ako pumayag sa marriage na 'to kung alam ko lang na may mamamatay pala ng dahil sa kagustuhan ng mga magulang namin.

Dapat pala nakuntento nalang ako na tingnan si Jimin sa malayo. Pero kahit ganun okay lang. Pagsisihan ko man ang lahat alam kong tapos na. Tapos na, natapos na. Masaya naman ako kahit papano dahil malapit ng dumating ang triplets sa tyan ko.

Hindi naman nakatakas sa mga mata ko ang pagpupunas ni Jimin ng mga luha nya. Alam ko kung gaano sya nasasaktan sa sitwasyon na 'to. Sya kasi yung naiipit dito.

"At yun na nga Dianne. Nangyari na nga ang mga yun. Nung tinawagan kita at narinig ko na umiiyak ka, para talagang binuhusan ako ng isang batya na punung-puno ng yelo. Doon ko na-realize na ang tanga-tanga ko para pahirapan kita kahit alam ko na wala ka namang kasalanan. Kahit na ako yung gumawa ng gulo na 'to." sabi ni Jimin na tumutulo na talaga ang mga luha ngayon.

Naaawa at the same time nalulungkot ako para kay Jimin. Dapat pala hindi ko sya iniwan dito kagabi kasi sya pala ang mas kailngan ng pagco-comfort. Sya pala yung mas may kailangan ng masasabihan ng problema.

Lumapit ako kay Jimin sa couch at niyakap sya. Hinayaan ko na rin syang umiyak sa balikat ko. Sa aming dalawa sya pala 'tong nasasaktan ng husto. Hinagod-hagod ko ang likod nya at pinapatahan sya.

"Shhh tama na Jimin. Nangyari na eh. Wala na tayong magagawa pa para maibalik yun. But what we can do is to accept and forget." sabi ko kay Jimin.












==========================
Annyeong guys! Ayan revealed na revealed na talaga! Hindi na kayo bitin ha? Anyways si Dianne at Jimin sa multimedia (©Nikki ).

Thanks for reading and loving my story. I love you all!

I'm Mr. Jimin's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon