Chapter 26

4.7K 143 6
                                    

Dianne's POV

Ilang beses ng tumutunog yung doorbell pero ni isa samin wala pang nagbubukas ng pinto.

I sighed. Tumayo ako at pumunta sa may pintuan. Kinakabahan pa ako bago ko buksan yung pinto.

Nag-door bell na naman kaya binuksan ko na. Pagkabukas ko, muka agad ni Jimin ang sumalubong sa akin.


Bigla nya akong niyakap na syang nakapagpaluha na naman sakin. Bakit nya ba ginagawa 'to? "Dianne I'm s-sorry. Sorry sa l-lahat ng pagpapahirap na naramdaman mo sakin." sabi nya.


Humiwalay ako sa yakap nya at pinunasan ang mga luha ko. Nakita ko naman na nakatingin lang samin sina Taehyung at Seohyun. Nakita ko na nginitian nila ako.


"Dianne I'm so sorry. Dianne umuwi ka na sa atin please. Na-realize ko na kung gaano ako ka-tanga nung pinahirapan kita. Nadala lang kasi ako sa emosyon ko. Dianne please, can you give me another chance?" sabi ni Jimin.



Naguguluhan ako sa sinasabi nya na nadala lang sya ng emosyon nya? Bakit? Ano bang nangyari sa States? At tsaka paano nya nalaman yung condo ni Seohyun?


"Teka Jimin ano ba yung sinasabi mo na nadala ka lang ng emosyon mo?" tanong ko sa kanya. Niyakap nya ulit ako at hinalikan ako sa noo.


"Sa bahay nalang natin ko sasabihin sa'yo kaya please sumama ka na sakin pauwi. Miss na miss na kita kung alam mo lang." nginitian ko sya sa sinabi nya.


He never fails to make me smile. Isang yakap nya lang sakin, napatawad ko na agad sya. I just need his explanation later.


"So Dianne, sasama ka o sasama ka?" tanong nya sakin. Kinissan ko sya sa lips at tsaka ko na sya hinatak palabas sa condo ni Seohyun.


Bigla namang may sumigaw na nakapagpatawa sakin. "Dianne ang daya mo! Niyakap ka lang bati na agad kayo? Anong kalokohan yun?" sigaw ni Seohyun.


Nilingon ko sya at kinindatan nalang. Tsaka ko nalang ipapaliwanag sa kanya kapag nakapag-explain na si Jimin sakin.


Dumeretso agad kami ni Jimin sa parking lot at sumakay na kami sa kotse nya. "Dianne na-miss talaga kita pati na yung mga anak natin!" sabi ulit ni Jimin habang nakatingin sakin.


I can see joy on his eyes. Nginitian ko nalang sya. "Mag-drive ka nalang dyan at ng makauwi na tayo sa bahay natin. Mahaba-habang explanation ang sasabihin mo mamaya." natatawang sabi ko sa kanya na sya ring ikinatawa nya.





Jimin's POV

Nang marinig ko yung mga sinabi nya sa tawag ko sa kanya sa cellphone, para akong binuhusan ng malamig na tubig.



Doon ko na-realize na sobra na pala ang mga pinaggagagawa ko sa kanya kaya hindi na sya nakatiis at lumayo nalang sakin.



Noong hindi sya umuwi kagabi, kabang-kaba talaga ako 'nun. Kinakabahan ako kasi nag-aalala ako sa kanya nang sobra. Nag-aalala ako para sa mga anak namin.



Sa sobrang pag-aalala ko, kung anu-ano na pala ang nate-text ko sa kanya. Hindi ko kasi inaalala ang nararamdaman nya.



Noong marinig ko sya na umiiyak, bigla talaga akong natauhan. Natauhan ako sa mga ginawa ko. Hindi ko lubos maisip na nagawa ko ang mga 'yun sa kanya.



Nagsisisi ako. Sobra. Dapat hindi ko kasi ikinumpara ang mga pangyayari noon at ngayon. Iba kasi ngayon. Ngayon kasi, may asawa ako at magkakaroon na kami ng tatlong angels.




I'm Mr. Jimin's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon