Dianne's POV
Nagising ako sa sinag ng araw. Napangiti ako ng mapatingin sa kalendaryo. Seven months na pala 'tong tyan ko.
Two months nalang manganganak na ko. Napatingin ako sa mga brasong nakayakap sa tyan ko. Tumingin ako sa kanya at inayos ang ilang hibala ng buhok nya.
Ang gwapo talaga ni Jimin! Kahit 10 months na kaming kasal, hindi ko pa rin mapigilan na kiligin sa tuwinh ngumingiti sya sakin.
Maayos na kami. Maayos na ang mga problema namin. Si Taehyung ikakasal na sila ni Seohyun next month. Masaya ako para sa kanilang dalawa!
Bumangon na ako at nagluto ng breakfast namin ni Jimin. Maya-maya lang ginising ko na sya. "Jimin bumangon ka na dyan! 7:00 am na may appointment ka pa kay Mr. Fado mamayang 9:00 am!" sabi ko sa kanya.
Bumangon naman sya at hinalikan ako sa labi bago dumeretso sa cr. Aish! Hahalik agad eh hindi pa nga nagto-toothbrush!
Bumalik nalang ako sa baba at nanuod ng TV. Naging hobby ko na ang panonood ng TV kapag nabo-boring ako.
Palagi akong sinasamahan ni Jimin para magpa-check-up. Tuwing weekends naman palagi kaming namamasyal sa park kasama ang Bangtan at si Seohyun.
Nakita ko namang bumaba na si Jimin sa hagdan at tinawag ako. "Asawa ko tara na kain na tayo!" nakangiting sabi nya sakin. Aish anubayan! Jimin wag ka ngang ngumiti! Kinikilig ako eh!
Lumapit naman ako sa kanya at inakbayan nya ako. Pagdating namin sa kusina, pinaghatak nya pa ako ng upuan para makaupo ako. Nginitian ko nalang sya. "Jimin anong oras ka nga pala uuwi mamaya?" tanong ko sa kanya.
"Maaga siguro kasi four meetings lang naman ang pupuntahan ko eh. Ah nga pala tinawagan ko yung Bangtan para may kasama ka dito mamayang 10 am daw sila pupunta." sabi nya sakin.
Ang sweet talaga ni Jimin! Ang bait-bait na nya talaga! Balik na kami sa dati. Napatingin ako sa orasan at nakita kong magna-nine na ng umaga kaya bigla kong naalala yung meeting ni Jimin kay Mr. Fado.
"Hala Jimin bilisan mo na dyan! Magna-nine na!" natatarantang sabi ko sa kanya. Nginisian naman nya ako. Jusko po! Ano na namang trip neto?
"Alalang-alala ang asawa ko ah? Easyhan mo lang magpapa-late ako. Palagi din naman kasing late si Mr. Fado." natatawang sabi nya.
Kinunutan ko lang sya ng noo. "Oh anyare sa'yo asawa ko?" tanong nya. "Ah wala wala sige tapusin mo na yang pagkain mo nandun lang ako sa sala manonood ng TV." sabi ko.
Nanood nga ako ng TV at maya-maya lang nakita ko syang kinuha na yung susi ng kotse nya. Bwisit bakit ang pogi ni Jimin? Idagdag mo pa yung abs?
Ay nako-nako tukso layuan mo ako! Buntis ako utang na loob! Nasan ang hustisya? "Honey ko aalis na ang pogi mong asawa ba-bye na!" sabi nya at hinalikan ako sa lips.
Muntanga 'to si Jimin! Iba-iba tawag saken! Aish ang boring na naman tuloy! Nagulat ako nung biglang may nag-door bell.
Tumayo naman ako at binuksan yung pinto. Pagkabukas ko, dimples agad ni Namjoon oppa ang bumungad sakin. Jusko bakit ang pogi din ng isang 'to?
"HELLO DIANNE!" sabi ni Hoseok ay mali sigaw pala nya. Tsk! Napatakip nalang ako sa tenga ko sa lakas ng sigaw nya.
Binatukan naman agad sya ni Jin oppa. "Ang ingay mong kabayo ka! Manahimik ka dyan!" sabi ni Jin oppa. Napatawa naman ako sa kanila kasi nagmake-face lang si Hoseok oppa nung pinagalitan sya ni Jin oppa.
"Pasok nga muna kayo." sabi ko sa kanila. Nag-unaunahan naman sila. Ay nako para talag silang mga bata! Parang ako pa ata ang mag-aalaga sa kanila imbes na ako ang bantayan nila ah?
Tumingin naman ako sa kanila na nakaupo sa sofa. May kanya-kanya silang mundo. Si Hoseok oppa na nagsasasayaw habang nakaupo. Si Jungkook na nagse-selca mag-isa.
Si Jin oppa na naglalagay ng lipbalm? Dafaq! Kelan pa sya natuto nun? Si Namjoon oppa na nagti-twitter ata? Si Suga oppa na naka-earphones at nakasandal sa balikat ni Namjoon oppa.
Siguro nakatulog na yun. Teka parang wala ata yung bestfriend ko? Lumapit ako sa kanila at tinanong si Jin oppa na naglalaro sa cellphone nyang iphone.
"Jin oppa nasan si Taehyung?" tanong ko sa kanya. Tumingin naman sya sakin bago sagutin yung tanong ko. "Ahh may inaasikaso. Sa kasal ata nila ni Seohyun eh." sabi nya.
Napatango nalang ako at dumeretso sa kusina. Binuksan ko yung ref at kumuha ng cookies at gatas. Dinala ko yun sa kanila. "Guys kain muna kayo." nakangiting sabi ko sa kanila.
"Yun oh!" sigaw ni Jungkook at dinampot agad yung cookies pero nabitawan nya agad yun nang pitikin ni Jin oppa ang kamay nya. "Jungkook nasan ang manners mo? Ganyan ba ang tinuro ko sayo?" sabi ni Jin oppa.
Okay? Muka po silang magnanay na pinapagalitan ang anak. "Hayaan mo na oppa gutom naman ata si Jungkook eh." sabi ko kay Jin oppa.
"Oo hyung gutom na ko!" sabi ni Jungkook at nag-pout pa. Tinarayan lang sya ni Jin oppa at kumuha na sila isa-isa ng cookies.
Ewan ko ba pero minsan feeling ko bakla si Jin oppa. Don't get me wrong ha pero feeling ko lang yun! Pero manly yan si Jin oppa! Matulungin yan sa mga babae!
Umupo muna ako sa isang sofa at kinuha yung cellphone ko. Naglaro muna ako ng color switch pero pagkalaro ko, nakalakas pala yung volume kaya napatigil sila sa pagkain at napatingin sakin.
Ako naman tuloy-tuloy lang sa paglalaro at medyo naiinis na dahil hanggang 5 lang ang score ko. "NAGLALARO KA NYAN?" tanong nilang lahat.
"Oo bakit?" sagot ko naman. Bigla ba naman silang tumakbo sa pwesto ko at inagaw ang cellphone ko. Actually si Suga oppa yung umagaw at bigla nalang syang tumawa.
Kinunutan ko sya ng noo. Ano ba kasing nakakatawa? Pinagpasapasahan nila yung phone ko at lahat sila tumatawa. Adik ba 'tong mga 'to? Anong nasinghot nila?
"Bakit kayo tumatawa?" tanong ko.
"Eh kasi pffft hahahahaha 5 lang score mo? Seriously?" sabi ni Namjoon oppa at halos magpagulong gulong na sila sa sahig kakatawa.
==========================
Annyeong guyseu!! Missed me? No? Okay. (*>.<*) Joke drama ko XD So guys hmm pano ko ba 'to sasabihin? (Malamang sa pamamagitan ng pagsulat para mabasa nila duh!") Ah oo haha so guys baka hanggang 35 chapters lang 'tong story ko. T^TIyak tayo dali. So guys okay lang yun kasi kapag natapos ako dito may gagawin ulit akong bagong story! Siguro sa April ko yun mapapublish. Ang hirap kasi ngayon ang dami kong ginagawa kaya ang masasabi ko lang ay eto ⬇⬇⬇⬇⬇⬇⬇⬇⬇⬇⬇
hahaha bye guys
BINABASA MO ANG
I'm Mr. Jimin's Wife
FanfictionIto ay kwento ni Dianne bilang asawa ni Park Jimin. Ano kayang mangyayari kung ayaw ni Jimin sa kanya pero mahal nya ito? Will she stay with him even if he doesn't love her? Or she will leave because she's tired of loving him and he can't love her b...