Dianne's POVTwo weeks. Two weeks nang hindi nagpaparamdam si Jimin. Kahit isang text o tawag wala. Kahit sa Bangtan wala din syang tawag o text. Palagi nalang akong naiiyak tuwong gabi kasi palagi kong naiisip yung sinabi ni Jungkook na nasa States si Jimin at Rachel.
Miss ko na sya. Miss na miss ko na sya. Sabi nya one week lang sya dun pero ano? Two weeks na syang wala. Palagi ko syang tinatawagan pero hindi nya naman sinasagot yung mga tawag ko.
Palagi nalang ganito. Akala ko pa naman tapos na yung problema namin pero hindi pa pala kasi may bagong dating na problema na naman. Hinawakan ko nalang ang tyan ko at pinunasan ang luha na pumatak sa mata ko.
Wag naman sana mangyari ang hinala ko na magkikita si Jimin at Rachel dun. Kapag nangyari yun, hindi ko na alam yung gagawin ko. Nandito ang Bangtan ngayon sa bahay at nagmo-movie marathon sila kaya tahimik.
Tinawag ko si Taehyung dahil kailangan ko ng kaibigan ngayon. Kailangan ko ng bestfriend. "Taehyung." tawag ko sa kanya. Lumapit naman sya sakin. Hinatak ko sya sa may swimming pool at doon ko sya kinausap.
"Taehyung na-miss kita!" sabi ko at yumakap sa kanya. Na-miss ko talaga kasi sya. Miss ko na yung bestfriend ko lalo na ngayon, kailangan ko ng magco-comfort sakin. "Na-miss ko din yung kakulitan mo Dianne." sabi nya at yumakap din sakin.
"Taehyung, wala pa rin bang contact si Jimin sa inyo hanggang ngayon?" tanong ko sa kanya at humiwalay na sa yakap. "Wala pa eh." sabi naman nya. Kailangan kong masabi sa kanya ngayon 'tong sama ng loob ko kung hindi baka sumabog na 'ko dito.
"Taehyung diba sabi ni Jungkook nasa States din si Rachel? Eh kasi dun ding bansa pumunta ai Jimin. Sana hindi naman sila magkita dun!" sabi ko kay Taehyung na parang bata. "Hindi naman siguro. Ang lawak-lawak kaya nung States at imposible ding magkita sila." sabi ni Taehyung sakin kaya napanatag naman na ako.
"Salamat Taehyung ah! Kasi palagi kang nandyan kapag kailangan kita." sabi ko sa kanya. Tama ang sinabi nya. Imposibleng magkita si Jimin at Rachel 'dun kasi masyadong malaki ang States.
"Ganun ka din naman Dianne. Lagi ka ding nandyan kapag kailangan kita." sabi din ni Taehyung at ngumiti. Hays na-miss ko talaga sya bilang bestfriend ko. Na-miss ko yung rectangular smile nya, yung pagiging alien nya at kung anu-ano pa. Ang swerte siguro nung babaeng mamahalin nitong bestfriend ko. "Sige tulog na 'ko ha." sabi ko at umalis na 'dun.
Umakyat ako ng kwarto para maligo at matulog na. Sana paggising ko bukas nandito na si Jimin. Sana bumalik na sya bukas.
Hindi nya naman babalikan si Rachel diba? Mas mahal nya naman kami kesa kay Rachel diba? Yan yung mga tanong na pumapasok sa utak ko. Kaya sa pag-iisip hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa muka ko. Bumangon ako at ginawa na ang mga morning rituals ko. Pagkatapos ko gawin 'yun, bumaba na ako at dumeresto sa kusina pero nagulat ako sa nakita ko. Si Jimin, nandito na sya! Nandito na yung asawa ko!
Lumapit ako sa kanya para yakapin sya pero iniwas nya lang yung tingin nya sakin. Huh? Anong meron sa kanya? Bakit parang ang cold-cold nya? "Good morning Jimin! Kailan ka pa nakauwi?" tanong ko sa kanya pero hindi na naman nya ako pinansin.
"Uy Jimin kausapin mo naman ako." sabi ko at tinutusok-tusok yung bewang nya pero nagulat ako sa ginawa nya. Tinabig nya ang kamay ko at sinigawan ako. Kumakain kasi sya. "ANO BA! KITA MONG KUMAKAIN AKO DIBA? WAG KA NGANG MAGULO!" yan yung sinigaw nya sakin. Bakit ba sya nagkakaganyan? Pumunta lang syang States tapos nagkaganyan na sya.
"Jimin hindi ko sinasadya. Bakit ka ba nagkakaganyan?" tanong ko sa kanya. Feeling ko babagsak na yung mga kuha ko pero pinipigilan ko lang. "Tsk. Wala kang pakialam." sabi nya at umalis sa kusina. Kinuha nya yung susi ng kotse nya at lumabas na sya ng bahay.
Jusko po ano bang nangyayari sa asawa ko? Bakit ba sya nagkakaganyan? Babalik na naman ba kami sa dati? Yung dati na puro gulo at sigawan lang kami? Kung ako ang tatanungin, ayoko. Ayoko nang bumalik sa sitwasyon namin dati.
Sakto naman na dumating yung Bangtan. "Yow Dianne swaeg!" bati agad sakin ni Suga. Nginitian ko lang sya kahit alam kong peke ang ngiti na binigay ko sa kanya. "Ice cream, you scream, give me that give me that ice cream!" pakanta pang sabi ni Hoseok habang papasok sa bahay.
Hays masaya siguro ako ngayon kung hindi lang naging ganun si Jimin sakin. Ayoko nang ganito eh. Feeling ko hindi ko na kakayanin. "Loving can hurt, loving can hurt sometimes." pakanta ding pasok ni Jungkook. Ay nako tamang-tama ako sa lyrics Kookie. Damang-dama ko eh! "Nevermind I'll find someone like you!" pakanta din si Taehyung. Jus colored! Bakit tamang-tama talaga ako sa kinakanta nila?
"Cause if you like the way, you look that much oh baby you should go and love yourself." Jusko jugigo isa pa 'to si Jin oppa. Huhu tamang-tama na 'ko sa kanila. Tama na please! "Give a little time to me ot burn this out." Nako po si Namjoon oppa bumanat pa ng Give Me Love ni Ed Sheeran. Kotang-kota na talaga ako bwisit.
Sinasadya talaga ata nila yun eh! Hays dapat mas intindihin ko si Jimin ngayon. Kailangan kong malaman kung bakit sya nagkakaganyan, kung bakit ako nakakaranas ng cold treatment sa kanya. Sabi pa nya sakin pagkatiwalalaan ko sya pero ano 'tong pinapakita nya sakin ngayon? Ang gulo na naman! Sobrang gulo na naman! Mag-iisip na naman ako ng mag-iisip! Para kasi syang logic na ang hirap-hirap sagutan! Aish Jimin!
==============
Guyseu alam kong maraming SILENT READERS dito pero sana MAGSILABAS naman kayo huhu T_T Feel free kayo dito mga guys.
VOTE * COMMENT
BINABASA MO ANG
I'm Mr. Jimin's Wife
FanfictionIto ay kwento ni Dianne bilang asawa ni Park Jimin. Ano kayang mangyayari kung ayaw ni Jimin sa kanya pero mahal nya ito? Will she stay with him even if he doesn't love her? Or she will leave because she's tired of loving him and he can't love her b...