Dianne's POVOne week passed. Ginamit ko na ang pregnancy test kit. It's positive. Buntis nga ako. Hindi ko pa pinapalaglag yung bata kasi parang hindi ko kaya. Nakokonsensya agad ako maisip ko palang na ipapalaglag ko yung baby na nasa tyan ko.
Kaya napag-isip-isip ko na, na hindi ko na ipapalaglag yung baby. Nandito ako ngayon kila mom at balak ko ng sabihin sa kanila.
Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta sa sala. It's 7 pm na ng gabi kaya magdi-dinner na kami. Pumunta ako sa kusina at nakita ko sila doon na nakaupo na at hinihintay nalang ako.
"Hello Mom and Dad!" masigla kong sabi
"Oh hi baby! Bakit ka napadalaw dito?" tanong ni Mom
Umupo muna ako at nag-ready ako sa sasabihin ko sa kanila.
"Mom wag po kayong mabibigla ah?" sabi ko
"Bakit ano ba yun?" tanong naman ni Dad
"Mom, Dad, Im pregnant." sabi ko
Akala ko magagalit sila kasi nabuntis agad ako kahit hindi pa ako tapos sa pag-aaral pero ibang reaksyon ang natanggap ko. Tuwang-tuwa sila dahil magkaka-apo na daw sila.
"Wow congrats baby!" sabi ni Mom
"Hindi po kayo galit?" tanong ko
"Bakit naman kami magagalit? Eh may dadating na new member na ng family natin!" sabi naman ni Dad
"I love you Mom and Dad! Thanks po sa pag-aalaga nyo sakin simula nung bata pa po ako. Maraming salamat po talaga! Mahal na mahal ko po kayo!" sabi ko na medyo umiiyak na.
"Oh wag na umiyak! Baka makasama sa baby mo yan." sabi ni Mom at pinunasan ang ilang luha ko sa mata. Ngumiti ako at kumain na.
Pagkatapos naming kumain, umakyat na ako sa kwarto ko at natulog na agad. Maaga pa akong gigising bukas.
Jimin's POV
It's 9:00 pm na pero wala pa si Dianne. Nandun pa sya sa mga magulang nya. Siguro dun na sya matutulog.
"Aish wala akong magawa! Makapag-bar nalang kaya! Tama tatawagan ko sila hyung." Dinial ko yung number ni Suga hyung.
Calling Suga hyung......
Sinagot nya agad yung tawag. Himala hindi tulog 'to.
[" Yow!"] sabi nya
["Hyung pwede mo ba akong samahan?"] sabi ko
["Saan? Gabi na ah!"] sabi nya
["Sa bar lang hyung. Wala kasi akong magawa eh!"] sabi ko
["Oh sige dadaanan nalang kita dyan sa inyo."] sabi nya
["Thanks hyung! Bye!"] sabi ko
Call ended *toot* *toot*
Pagkatapos kong tumawag, umakyat ako sa kwarto ko at naligo na. Pagkatapos kong maligo nag-antay nalang ako sa sala. Nanuod muna ako ng TV para di ako ma-bored.
Di nagtagal may bumusina sa labas. Siguro si Suga hyung na 'to. Lumabas ako ng bahay at nakita ko si hyung na inaantay na ko.
"Tara na!" sabi nya
Sumakay na ako sa kotse at pinaandar na ni hyung yung kotse. Mabilis lang maman yung byahe kaya nakarating agad kami.
Pagka-park ni hyung ng kotse, pumasok agad kami sa loob nung bar. Dumeretso naman ako sa may bar tender at umorder ng alak.
Si Suga hyung naman nandun sa dance floor nakikipagsayaw sa mga babae. Maya-maya lang may tumabi sakin na babae.
Pagtingin ko, its's Rachel. Nagulat ako nung unna pero nakabawi din ako sa pagkagulat. Anong ginagawa nya dito sa bar na 'to. Tumingin sya sakin at ngumiti. Nginitian ko rin sya.
"Hey Jimin! Long time no see!" sabi nya
"Ah long time no see din. " sabi ko
Umupo sya sa tabi ko at umorder din ng alak.
"Alam mo Jimin, nasaktan ako ng sobra nung nagpakasal kayo ni Dianne." sabi ni Rachel.
~~~~~~~~~~~
Putulin ko muna hehe
BINABASA MO ANG
I'm Mr. Jimin's Wife
FanfictionIto ay kwento ni Dianne bilang asawa ni Park Jimin. Ano kayang mangyayari kung ayaw ni Jimin sa kanya pero mahal nya ito? Will she stay with him even if he doesn't love her? Or she will leave because she's tired of loving him and he can't love her b...