Dianne's POV
Andito na kami ngayon sa bahay namin ni Jimin. Isang linggo din kaming nag-stay sa hospital bago kami nakalabas.
Nandito ako ngayon sa kwarto ng mga anak namin. Remember? Yung kwarto na color blue yung dingding tapos may tatlong crib tapos tatlong kama.
Nakalagay sa crib sila Krizzle, Kevin at Khaizer. At alam nyo ba, kamukang-kamuka sila ng ama nila! Lalo na si Krizzle!
Pero eto secret lang natin ha? Wag nyong sasabihin kay Jimin. Hanggang ngayon kasi nalilito pa din ako sa mga anak ko. Kung sino ba si Kevin sino ba si Krizzle at sino ba si Khaizer.
Sino ba namang hindi malilito eh halos magkakamuka yung tatlo! Kaya nilagyan ko muna sila ng bracelets sa paa. Yung kay Krizzle pink yung bracelet. Yung kay Kevin, blue naman at yung kay Khaizer, green.
Alam na nila Mommy na nanganak na ako but sad to say nasa Paris na sila and they're staying there for good. Pero sabi naman nya kami nalang daw ang dumalaw dun ni Jimin kapag may time kami.
Hindi daw kasi pwedeng sila kasi masyadong busy sa schedule ng company. Si Jimin, hindi pa naman masyadong busy sa company kaya palagi din syamg nandito.
Nagulat ako ng biglang umiyak yung isang baby namin. Tumayo ako ay pumunta dun. Nakita ko yung pink na bracelet so it means si Krizzle ang umiiyak.
Kinarga ko sya at hinele-hele pero ayaw nya pa ring tumigil sa pag-iyak. Aish ano bang gagawin ko? Baka naman nagugutom na 'to?
*tok tok*
Napatingin ako sa pintuan ng biglang bumukas yun at pagkakita ko, si Jimin lang pala. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at tiningnan si Krizzle na patuloy pa din sa pag-iyak.
"Narinig ko kasi yung pag-iyak ni baby kaya pumasok ako dito. Bakit ba hindi pa rin sya tumitigil eh hinehele mo naman na?" curious na tanong naman ni Jimin.
"Baka gutom na." sabi ko at tiningnan ulit si Krizzle na iyak pa rin ng iyak. "Aish sige na nga dedede na ang baby na yan kaya wag ka ng makulit ha?" sabi ko at umupo sa isa sa mga kama dito.
Ibe-breast feed ko na sana sya kaso naalala ko nandito pala si Jimin. "Oh labas na Jimin. Dedede daw si Krizzle. Ayaw nyang makakita ng panget." sabi ko sa kanya na nakangiting aso na ngayon.
"Labas na Jimin." sabi ko ulit pero nanatili pa din syang nakatayo sa likod ng pinto. "Bakit ba ayaw mong makita ko yan? Eh nahawakan at natikman ko na nga yan eh. Maraming beses na." sabi nya na ikinapula ng muka ko.
Nahagip ng mata ko ang unan sa gilid ko at dali-daling kinuha yun at binato ko yun sa kanya. Sakto at natamaan sya sa muka. "Labas!" sigaw ko pero tinaas nya ang dalawang kamay nya na parang sumusuko na habang naka-smirk pa din.
"Opo boss lalabas na." sabi nya ulit bago lumabas ng pinto. Naghintay muna ako ng limang minuto bago ko pina-breast feed si Krizzle. Baka kasi mamaya biglang sumilip ang tukmol na yun.
Dumede naman na si Krizzle at tumigil na din sya sa pag-iyak. Tinititigan ko lang sya habang dumedede sya. Hays ang ganda naman ng anak ko na 'to.
Ang tangos-tangos ng ilong tapos yung mata amg singkit. Yung bibig pink na pink. Bakit ang ganda mo Krizzle ha? Bakit hindi mo ko kamuka?
Napansin ko na paramg nakatulog na sya kaya binaba ko na ang damit ko at ibinalik sya sa crib nya. Maingat na nilapag ko sya dun at kinumutan. Bago ako umalis, nakita ko pa sya na bahagyang ngumiti.
Labas ang dimples sa magkabilang pisngi. Aish ang cute cute! Lumabas na ako sa kwarto nila pagkalapag ko sa crib kay Krizzle.
Dumeretso ako sa sala at nakita ko si Jimin na nanonood ng Stitch. Ang cute sana ni Stitch eh kaso parang tanga magsalita tsaka sungki-sungki pa yung ngipin nya.
"Jimin." tawag ko sa kanya pero nakatingin pa din sya sa TV habang nakanganga. Muntanga 'to. "Hoy Jimin!" tawag ko ulit sa kanya tumingin sya sakin saglit pero bumalik ulit ang tingin nya sa TV.
This time lumapit ako sa kanya at piningot sya sa tenga. "A-ahh aray naman Dianne!" sigaw nya kaya binitawan ko ang tenga nya na namumula na.
"Kanina pa kasi kita tinatawag pero hindi mo naman ako pinapansin!" sigaw ko din sa kanya. Napakamot nalang sya sa kilay nya habang ako naman naka-crossed arms at nakataas ang kilay.
"Ano ba kasi yun?" tanong nya sakin. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot sa kanya. "Samahan mo ko mag-grocery ubos na yung laman ng ref." sabi ko sa kanya.
"Saglit lang maliligo lang ako." sabi nya at nagmadaling tumakbo paakyat sa kwarto namin. Maliligo siguro yun.
Tawagan ko kaya muna sila Taehyung para may magbabantay sa mga anak namin? Tama! Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang number ni Taehyung.
Calling Taehyung My Bestfriend ...
[ "Hello?" ]
"Hi Taehyung!"
[ "Oh Dianne! Napatawag ka?" ]
"Nasaan ka ngayon?"
[ "Nandito sa dorm ng Bangtan." ]
"Great! Sakto aalis kami ni Jimin! Pwede bang kayo muna ang magbantay sa mga baby?"
[ "Ofcourse! At tsaka di ko pa sila natititigan ng mabuti. Malay ko ba na ako pala kamuka ng mga anak mo?" ]
"Ang kapal mo!"
[ "Sana magka-baby na din kami ni Seohyun!" ]
"Sana nga! O sige na Taehyung. Baba ko na 'to! Punta kayo ha?"
[ "Sige. We'll be there in 20 minutes. Bye!" ]
* toot * * toot *
Sakto naman pagkababa ko ng tawag, bumaba na din si Jimin na bagong ligo na. Nakasuot sya ng jeans at green shirt na may design sa gitna. Naka-black converse din sya.
Naks naman! Amg gwapo ng asawa ko! Umakyat naman ako sa kwarto namin ni Jimin at nagpalit ng dress kasi naligo na ako kanina pa.
Kinuha ko din yung pouch ko at binuksan yun. Nagtaka ako kung bakit may nakalagay na sulat doon. Kinuha ko yun at binasa.
Magpakasaya ka lang hangga't wala pa akong plano sa'yo. Pero kapag nakaisip na ako, sisiguraduhin kong makikipaghiwalay ka kay Jimin.
==========================
Guys sorry kung bitin. Ngayon na ako nag-update kase test na namin bukas. So goodluck sakin.
*VOTE
*COMMENT
*BE A FAN
-Shine_Kim
-Asawa ni Junhoe
BINABASA MO ANG
I'm Mr. Jimin's Wife
FanfictionIto ay kwento ni Dianne bilang asawa ni Park Jimin. Ano kayang mangyayari kung ayaw ni Jimin sa kanya pero mahal nya ito? Will she stay with him even if he doesn't love her? Or she will leave because she's tired of loving him and he can't love her b...