Dianne's POVNagising ako ng walang damit. Paglingon ko sa tabi kp, nakita ko si Jimin na tulog pa din. Nagbihis na ako at bumaba papunta sa sala. Baka nandun pa kasi si Jin oppa.
Pagdating ko naman sa baba, wala na sya! Pero may sticky note sa may fridge. Kinuha ko ito at may nakasulat.
'Dianne nagluto na ako ng ulam nyo ni Jimin! Alam kong napagod kayo sa ginawa nyo!
Jin :)'
Yan yung nakasulat. Aish! Pano kaya nalaman ni oppa yun? Wag ko na nga lang intindihin! May nakita akong ulam sa lamesa. Tinola pala yung niluto ni Jin oppa.
Ininit ko nalang yun at inihain ulit. Aakyat pa ako sa kwarto para gisingin si Jimin kase gabi na rin. Umakyat na ako sa kwarto nya at ginising sya.
"Jimin gising na kumain na tayo!" sabi ko at pilit syang ginigising pero ayaw nya talaga magising! Aish! Ang kulit!
"Jimin ano ba! Tayo na sabi dyan!" sabi ko ulet na medyo pasigaw na. Nagising naman sya at ngumiti sakin. Hay nako Jimin, wag mokong nginingitian ng ganyan! Kinikilabutan ako!
"Aish! Aantayin nalang kita sa baba ah!" sabi ko at lumabas na ng kwarto. Siguro magbibihis pa yun. Dumeretso naman ulit ako sa kusina at naghain na ng kanin.
Sana maging healthy yung baby namin kapag lumabas na sya! Excited nako! Alam na ba ng mga magulang ni Jimin ang tungkol sa baby namin? Tanungin ko kaya sya mamaya?
Sakto namang bumaba na si Jimin galing sa taas at dumeretso na dito sa dining area.
"Tara na baby ko! Kain na tayo!" sabi ni Jimin at inakbayan pa ako. Sabay kaming kumain na dalawa. Minsan sinusubuan nya pa nga ako tapos sinasabi nya yung mga dapat kong kainin at yung mga hindi dapat. Para daw maging healthy yung baby namin.
Ang sarap nyang tingnan habang ganyan sya. Hindi ko lubos maisip na magiging maayos ang lahat. Parang dati, mahal nya si Rachel tapos ngayon hindi na. Dati halos ipagtabuyan nya na ako dahil naiirita sya sakin pero ngayon hindi na.
Parang bumaligtad nga ang mundo kumbaga! Sobrang saya ko ngayon! Pero may isa pang katanungan sa isip ko na gustung-gusto kong itanong sa kanya pero hindi ko magawa.
Tsaka ko nalang itatanong kapag nagkaroon na ako ng lakas ng loob na sabihin 'yon sa kanya. Kumain lang kami hanggang sa matapos.
Sya na ulit ang nagprisintang maghugas ng nga plato kaya nanood na naman ako sa sala. Natapos na ata syang maghugas dahil tumabi na sya sakin.
"Jimin may itatanong ako sayo." seryosong sabi ko sa kanya. Nakita ko naman sya na medyo napalunok. Nakakatawa uung itsura nya!
"A-ano y-yun?" sabi nya na parang nangangatog na ata sa kaba pero pinigilan ko pa rin ang tawa ko. Ayoko masira ang moment na 'to haha!
"Alam na ba ng mga parents mo ang tungkol sa baby natin?" tanong ko sa kanya. Nakita ko naman sya na bumuntong-hininga. "Hindi pa eh!" sabi nya. Medyo nadismaya naman ako sa sagot nya pero may sinabi ulit sya na nakapagpangiti sa akin.
"Pero bukas sasabihin ko na sa kanila!" nakangiti nyang sabisa akin. Hindi ko rin maiwasang mapangiti. Kase parang tanggap na tanggap nya kami!
"Dianne." sabi nya sakin kaya napalingon ako sa kanya. Bymusy kasi kami habang nanonood ng TV.
"Ano yun?" tanong ko naman sa kanya pero naka-focus yung mata ko sa TV."Ano kaya kung sa iisang kwarto nalang tayo matulog?" tanong nya. Muntikan nakong mahulog sa couch dahil sa sinabi nya.
"Ha? At bakit naman?" tanong ko din sa kanya. "Eh kasi magkaka-baby na tayo eh! At tsaka alam mo na, yung mga ginagawa ng mga mag-asawa!" sabi nya hababg nagtataas baba pa yung kilay nya. Pinamulahan na naman ako ng muka dahil dun.
Aish gusto ata talaga nyang gawing kambal yung anak namin! Jusko Park Jimin sinasabi ko naman na sayo! Mahirap manganak!
"Ayoko nga!" sabi ko at nanood nalang ulit ng TV pero dahil makuit si Jimin, kinulit nya talaga ako!
"Dali na please!" sabi nya at nagpa-pout pa! Ay nako, wag moko daanin sa ganyan! "Aish ang kulit ayoko sabi!" sabi ko naman.
Biglang nag-iba yung aura nang muka nya dahil bigla syang nag-poker face. Tss! At umakyat na bga sya sa taas! Bwisit! Sya pa ang may ganang magalit!
Hmp! Bahala sya dyan! Nanonod nalang ako ng TV hanggang sa mag-10 na ng gabi. Medyo inaantok na ako kaya umakyat na ako sa taas. Nakarating ako sa kwarto ko at pagbukas ko ng pinto, wala na yung mga gamit ko.
Ang natira nalabg ay yung kama ko! Nasan kaya yung mga gamit ko? Imposible namang nanakawan kami kanina? Eh bakit hindi ko narinig yung mga tunog?
Nag-panic agad ako kaya tumakbo ako papunta sa kwarto ni Jimin at pinihit yung door knob papasok. Hindi ko inaasahan ang makikita ko sa loob ng kwarto ni Jimin.
"What the fvck!" napamura nalang ako sa nakita ko. Pano ba naman kaso, yung mga gamit ko nandun na sa kwarto ni Jimin! At ang magaling kong asawa, ayun nakahiga at nakangiti pa sakin!
Bwisit na Park Jimin! Hindi ko inaakala na ganito pala sya kakulit kapag sinusumpong! Aish parang bata talaga!
"Bakit nandito yung mga gamit ko?" tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo. Binigyan na naman nya ako ng isang matamis na ngiti! Jusko! Ano bang nakain nitong asawa ko!
"Kase, simula ngayon, sa iisang kwarto na tayo matutulog! Kaya halika na dito baby at matulog na tayo!" sabi nya at tinap pa yung space sa kama.
"Bwisit! Akala ko pa naman nanakawan na tayo!" sabi ko at lumapit na sa kanya. Humiga naman na ako sa tabi nya. Tumayo sya at binuksan yung lamp shade tapos pinatay yung ilaw.
Humiga na rin sya katabi ko at niyakap ako. "Jusko Jimin! Hindi ko alam na ganito ka pala kakulit!" sabi ko sa kanya.
"Ang gwapo ko kase!" sabi nya naman. "Sus anong connect?" sabi ko pero nginitian nya lang ako at kinissan sa noo.
"Goodnight baby!" sabi nya sakin. "Goodnight din." sabi ko at nakatulog na nga kaming dalawa.
==============
GUYS! SINO PUMUNTA SA SM NORTH-EDSA NUNG SATURDAY? NANDUN DIN BA KAYO SA HAPPY FIESTA? BAKA NAKITA NYOKO DUN HAHA! ANYWAY THANK YOU ULET SA PAG-SUPPORT NYO DITO SA STORY KO.KONTING PUSH NALANG 1K READS NA SYA! WOOOH KAYA YAN! AJA FIGHTING!
VOTE * COMMENT
BINABASA MO ANG
I'm Mr. Jimin's Wife
FanfictionIto ay kwento ni Dianne bilang asawa ni Park Jimin. Ano kayang mangyayari kung ayaw ni Jimin sa kanya pero mahal nya ito? Will she stay with him even if he doesn't love her? Or she will leave because she's tired of loving him and he can't love her b...