Chapter 5

5.3K 167 9
                                    

Rachel's POV

Ipinagpatuloy ko yung paggawa ng chocolate drink ni Jimin hanggang sa matapos.

Bumalik ako sa sala and there he is, still watching at the television.

"Baby, eto na yung chocolate drink mo oh!"

Sabi ko sa kanya. Tumingin naman sya at ngumiti sa akin. Kinuha naman na nya yung chocolate drink at ininom.

Naubos nya yun at ibinigay na sa akin ang baso. Hinawakan ko muna yung baso at tumingin sa kanya ng seryoso.

"Jimin, may hindi ka ba sinasabi sa akin?"

Tanong ko sa kanya. Once na Jimin na ang itinawag ko sa kanya, alam na nyang seryoso ako sa sinasabi ko. Nagulat sya kasi Jimin na ang itinawag ko sa kanya imbes na baby.

"Ano namang ililihim ko sayo baby? At lahat naman ng sikreto ko sinasabi ko sayo diba?"

Habang sinasabi nya yun, pinagpapawisan sya. May kutob talaga ako eh.

"Ahh okay! Sige balik ko na 'tong baso."

Sabi ko at pumunta sa kusina para ilagay yung baso sa sink. Kinakabahan pa rin talaga ako sa kutob ko eh!

Biglang nag-vibrate yung phone ni Jimin. Nakita ko na galing ito sa Mom nya.

From: My Beautiful Mom
Jimin anak, umuwi ka na! Anong oras na oh?

Bumalik naman na ako sa sala at sinabi ito kay Jimin.

"Jimin nag-text pala yung mom mo. Pinapauwi ka na."

Sabi ko sa kanya. Tumayo naman sya at kiniss ako sa noo, ilong, baba, at sa lips.

"Sige baby uuwi na ako! Ingat ka dito ah? Bye!"
Kinuha na nya sakin ang phone nya at umalis na.

Kinikilig tuloy ako! Si Jimin talaga!

Pinatay ko na ang TV ang dumeretso sa kwarto. Naligo muna ako bago matulog.

Jimin's POV

Pagkaalis ko sa condo ni Rachel, umuwi na ako sa amin. Nag-text kasi si Mom at pinapa-uwi na nya ako.

Papasok na ako sa loob ng bahay namin at sinalubong ako ng isang maid namin.

"Good evening sir!"

Bati nya sa akin. Napansin ko parang bago lang sya dito. Sya ata yung bagong hire na maid namin.

"Good evening din po! Where's mom?"

Tanong ko at sinagot nya naman agad.

"Nasa kwarto nya sir."

Pagkasabi nya nun dumeretso na ako sa loob at pumunta sa kwarto ni mom.

Kumatok ako ng tatlong beses.

"Come in!"

Sigaw nya sa loob kaya pumasok na ako.

"Oh Jimin ikaw pala! Saan ka galing? "

Tanong nya at pinaupo ako sa kama katabi nya.

"Ahh sa girlfriend ko po na si Rachel."

Sabi ko, nakita ko namang kumunot ang noo ni mom at halata mong galit sya.

"Diba sinabi ko na sayo na i-break mo na sya?"

May halong galit na ang boses nya nung sinabi nya yun.

"But mom! Hindi nga pwede kasi mahal ko sya!" sabi ko

"Kapag hindi mo sya binreak ako na mismo ang kikilos para mapaghiwalay kayong dalawa!"

Nagulat ako sa sinabi ni mom. Paano nya nagagawa ito sa sarili nyang anak?

"Mom naman! Wag mo syang saktan! Mahal ko sya!"

Sabi ko at naiyak na. Hindi ko na kasi kinakaya ang mga sinasabi ni mom. Una, inengaged nya ako sa di ko kilala. Pangalawa, pinaghihiwalay nya kami ni Rachel. Tapos anong pangatlo? Papatirahin nya ako kasama si Dianne?

That's insane! Pero hindi ako makakapayag na saktan nya si Rachel kaya papayag na ako kahit alam kong masakit.

"Fine! Hihiwalayan ko na sya! Basta wag mo lang syang saktan! Mom."

Humahagulhol na ako sa iyak nung sinabi ko 'yon. Bahala na basta gagawin ko ang lahat para sa kanya.

Umalis na ako sa room ni mom at pumasok sa room ko. Hindi ko alam na aabot ito sa ganito.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Dianne's POV

Nagising ako sa alarm ng alarm clock ko. As always may pasok na naman. 6:00 na ng umaga at pumunta na ako sa banyo para maligo.

Ilang minutes lang ay natapos na ako. Tapos na rin akong magbihis ng school uniform. Tiningnan ko ang cellphone ko at nagbabakasakaling may text sya pero wala.

Aish bababa na nga lang ako! Lumabas na ako ng kwarto ko at dumeretso sa baba.

"Good morning everyone!"

Sigaw ko kaya halos lahat napatingin sa akin.

Nag-peace sign nalang ako at dumeretso sa dining area kung nasaan sila mom and dad na kumakain na.

"Baby mag-aasawa ka na lahat-lahat, ang daldal at ang ingay mo pa rin!"

Sabi ni mom ng hindi tumitingin sa akin. Umupo naman ako sa tapat ni mom.

"Ganun talaga ako mom! Hindi ka pa nasanay!"

Sabi ko naman at kumain na. Natapos akong kumain at nagpaalam na kila mom and dad na papasok na ako.

Nagpahatid naman na ako sa driver namin at hinatid na ako.

Ibinaba ako ng driver namin sa tapat ng school.

Bumaba ako at pagkapasok ko sa loob, nagulat ako kasi ang daming nagkukumpulang tao.

Dahil na-curious ako, nakisingit ako at tiningnan ko kung ano ang pinapanood nila.

Mali pala ako hindi ano kundi sino ang pinapanood nila.

Nagulat ako kasi nakita ko si Jimin at Rachel na nag-aaway. Umiiyak na si Rachel pero walang emosyon ang muka ni Jimin.

"Jimin naman! Wag mo kong iwan!"
sabi ni Rachel

"Bakit Ba ang kulit mo Rachel! Sabi ng may fiance na ako at ikakasal na kami next week!"

Nagulat ako sa sinabi ni Jimin. Ibig sabihin, nakikipaghiwalay sya kay Rachel dahil sakin?

"Jimin naman! Fiance mo palang sya! Pwede pang ma-cancel yun!" sabi ni Rachel

"No Rachel! Hindi na yun pwedeng ma-cancel. It's all settled! And I love her! And para naman sayo 'to Rachel!"

Nagulat na naman ako sa sinabi ni Jimin.

"Jimin last question, minahal mo ba ako?" tanong ni Rachel

"Yes I love you pero hindi na nga ngayon."

Sabi ni Jimin at naglakad na paalis kay Rachel. Nagulat ako kasi papunta sya sa direksyon ko.

Pagkalapit nya SA akin hinawakan nya ang kamay ko.

"Dianne let's talk."

Sabi nya at hinatak na ako. Nakita ko namang nakatingin ang mga estudyante sa amin kasama na dun si Rachel.

============================

Guyseu!! Sorry kung hindi ako nakapag-update agad.

Sa chapter 4 hindi naman talaga bitin yun kaso nung pinublish ko sya, putol kaya dinugtong ko nalang dito!

Yun lang guys! Thanks sa pagbabasa!

-Shine Kim
-Asawa ni Taehyung
≧∇≦

I'm Mr. Jimin's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon