Jimin's POV
Nakita kong tapos ng kumain si Dianne at umakyat na sya sa taas.
Nag-antay lang ako ng mga five minutes bago pumunta sa kitchen at kinuha sa ref yung ulam.
Nakita kong tinola yung ulam kaya nagutom ako bigla. Tinola kasi ang favorite kong ulam.
Ininit ko yun at tsaka kumuha ng plato para magsandok ng kanin. Nang mainit na yung ulam, naglagay na ako sa plato ko at tsaka kumain.
Grabe ang sarap ng ulam na 'to! Nakailang sandok pa ako ng kanin bago ako nabusog.
Ang sarap talaga! Nilagay ko na yung pinagkainan ko sa lababo at pumunta sa sala para manood ng TV.
Aantayin ko lang na bumaba yung kinain ko at tsaka ako matutulog sa kwarto ko.
Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita sa screen na ang tumatawag ay si Jungkook.
Calling Ilong Ranger .....
Answer Decline
Sinagot ko naman ang tawag para makausap na 'tong ilong na 'to.
"Bakit ka tumawag?" tanong ko
[ " Woah chill ka lang hyung! Naging mainitin na ba ang ulo mo porket may asawa ko na?" ]
"Kung wala kang sasabihing maganda, ibaba ko na 'to!"
[ "Easy lang hyung! Tumawag ako para sabihin na nandito kami sa bar nila Namjoon hyung. Kumpleto kami and guess what? Kasama namin si Rachel." ]
"Fvck! Bakit nandyan sya? Kelan pa sya natutong pumunta sa bar?"
[ "Actually hyung ngayon lang sya natuto. Hindi namin sya tinuruan ah! Nakita lang namin sya dito na umiinom mag-isa. Lasing na nga eh!" ]
"Saang bar ba yan?"
[ "Sa SK bar hyung." ]
"Okay pupunta ako dyan bye!"
*toot toot*
Ibinaba ko ang tawag at dali-daling umakyat sa kwarto ko para kunin ang jacket ko at ang susi ng kotse ko.
Pagkalabas ko ng kwarto, sakto namang lumabas din si Dianne.
"Saan ka pupunta? Gabi na oh!" sabi nya.
"Wala kang pakialam. Tsk!"
Hindi ko na sya pinansin at bumaba na. Pumunta ako sa kotse ko at sumakay. Binuksan ko agad ang engine ng kotse ko at nag-drive na palabas ng bahay.
Habang nagda-drive ako, tiningnan ko kung anong oras na sa cellphone ko. It's 10:37 pm na pala.
Binilisan ko ang pagda-drive dahil inaalala ko talaga si Rachel. Nakarating ako sa SK bar at pumasok agad sa loob.
Nakita ko naman agad si Rachel na umiinom katabi sila Namjoon hyung.
Nilapitan ko sila agad. Lasing na lasing na si Rachel pero tuloy-tuloy pa rin sya sa pag-inom.
"Jimin ikaw na bahala sa kanya." sabi ni Namjoon hyung at umalis na sila.
Umupo naman ako sa tabi ni Rachel at tiningnan sya. Hindi nya pa ako napapansin pero ng iinumin na nya ulit yung isa pang baso ng alak ay inagaw ko yun at ako ang uminom.
"Rachel umuwi ka na lasing ka na."
Mahinahong sabi ko pero tumawa lang sya na parang baliw. Ano bang nangyayari sa kanya?
"Bakit ba? Sino ka ba?" sabi nya
"Ako 'to si Jimin!" sabi ko naman
Napansin ko naman na nag-iwas sya ng tingin. Hinawakan ko yung muka nya at nakita ko syang umiiyak.
Ayoko nito! Ayoko ng ganito! Ayoko ng may nasasaktan ako! Pinunasan ko yung luha nya. Nagulat ako ng bigla nyang tinampal yung kamay ko.
"Umalis ka na." sabi nya
"Why would I? Bakit ako aalis?" sabi ko naman
"Kasi hindi dapat ako ang iniintindi mo! Dapat yung asawa mo! Kaya umuwi ka na at baka hinahanap ka na nya!"
Sabi nya habang umiiyak. Napanganga ako dahil hindi ko alam na alam pala nya na ikinasal ako kanina.
"P-paano m-mo nalaman?" sabi ko
"Hindi na importante kung paano ko nalaman! Ang mas importante ay umalis ka na!" sabi nya
"Rachel naman! Arranged marriage lang ka-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong sinampal. This is the first time na may sumampal sa akin na babae.
Hindi ko namalayan napaiyak na rin pala ako. How stupid I am to hurt her! I deserve her slap. I didn't know that I'm hurting Rachel!
Umalis nalang ako sa tabi nya g umiiyak. Nakita ako nila hyung pero hindi ko sila pinalapit. Gusto ko munang mapag-isa.
Nakita ko namang umuwi na si Rachel kaya napanatag ako pero nakokonsensya talaga ako sa nagawa ko.
Uminom nalang ako ng uminom hanggang sa malasing ako. And the next thing I knew, nakatulog na pala ako.
Nagising ako ng may umaalalay sakin na makalakad. Nakita ko naman si Jin hyung at Namjoon hyung na inaalalayan ako.
Pumasok kami sa gate ng bahay namin ni Dianne at hinatid nila ako hanggang pintuan lang. Lasing pa rin ako hanggang ngayon.
Ng nasa pintuan na kami nag-door bell lang sila at umalis na. Iniwan nila akong hilong-hilo dito at nakatayo lang. Nakita ko na binuksan ni Dianne yung pintuan pero huli na ang lahat dahil nakatulog na naman ako.
Dianne's POV
Naalimpungatan ako kanina kaya nagising ako. Pagtingin ko sa orasan sa kwarto ko it's 10:31 na ng gabi. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Jimin na may dala-dalang jacket at susi ng car nya.
Mukang madaling-madali pa nga sya eh kaya tinanong ko sya. Nacu-curious ako eh!
"Saan ka pupunta? Gabi na oh!" sabi ko
"Wala kang pakialam. Tsk!" sabi nya at bumaba na.
Kala mo lang kasi wala akong pakialam pero meron kasi mahal kita! Kahit na palagi mo akong binabara at kahit na alam kong mahal mo pa rin si Rachel.
Handa akong maghintay hangga't kaya ko pa Jimin! Bumaba ako at narinig ko ang pag-andar ng kotse nya. Haist saan kaya yun pupunta?
Para hindi ako ma-bored, kumuha ako ng milk at cookies. Binuksan ko din ang TV para manood. Aantayin ko nalang si Jimin.
Ilang oras din akong naghintay at biglang may nag-doorbell. It's 2:17 na ng gabi tapos may magdo-doorbell?
Ah baka naman si Jimin? Dali-dali kong binuksan yung pintuan at nakita ko si Jimin na lasing at biglang tumumba sa akin. Buti nalang nasalo ko agad sya!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
As I promise charot! Tatlong chapters to uy kaya don't forget to vote and comment!!
Labya!!
-Shine_Kim
-Asawa ni Taehyung
BINABASA MO ANG
I'm Mr. Jimin's Wife
FanfictionIto ay kwento ni Dianne bilang asawa ni Park Jimin. Ano kayang mangyayari kung ayaw ni Jimin sa kanya pero mahal nya ito? Will she stay with him even if he doesn't love her? Or she will leave because she's tired of loving him and he can't love her b...