Chapter 43

3K 93 15
                                    


Dianne's POV

Nagising ako mula sa pagkakatulog ko. I don't know why pero bigla nalang akong kinabahan. Wala pa namang nagbabantay sa'kin ngayon kase si Jimin umalis at yung Bangtan nagbabantay sa mga bata.


Naalala ko na naman si Krizzle. Ayos lang kaya ang anak ko? Sana wag syang saktan ni KM. Ipinikit ko ang mga mata ko at bumuntong hininga. Siguro 6 am palang.


Nagulat ako ng may pumasok sa pinto. Napamulat tuloy ako. Pagtingin ko, si Jimin pala. Nabuhayan tuloy ako ng loob ng makita sya. Lumapit sya sa'kin at hinalikan ako sa noo.


"How are you?" tanong nya sa'kin. "I'm fine wag kang mag-alala." sabi ko sa kanya. Napadako ang tingin ko sa leeg nya. I can see love bites there. Wait. Love bites? Sino naman ang maglalagay sa kanya 'nun?


"Jimin ano 'yang nasa leeg mo?" tanong ko sa kanya. Para naman syang nataranta at tinakpan ang leeg nya. "A-ah ano! W-wala lang yan. Kagat lang yan ng lamok tapos kinamot ko kaya nagkaganyan." sabi nya sa'kin.



Nagdududa naman akong tumingin sa kanya kaya nag-iwas sya ng tingin. Binalewala ko nalang ang love bites na 'yon sa leeg nya. I love him so I trust him. "Hmm kumusta na nga pala yung nilakad mo kahapon?" tanong ko sa kanya.



"Okay naman. Naipa-investigate ko na pero hindi pa rin ma-trace kung saang lugar nanggaling yung tawag." sabi nya. Napapikit na naman ako. Kailan ba kasi ako makakaalis sa ospital na 'to? Ano bang sakit ko?



"Jimin. Sabihin mo nga sakin, bakit hindi ako makatayo kahapon? And bakit hindi ko maramadaman ang mga paa ko?" tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo. "Dianne, masyadong naapektuhan ang mga paa mo sa aksidente. Hindi ka muna makakalakad for 2-3 months."




Parang gumuho ang mundo ko ng marinig ko ang mga sinabi nya. Two to three months? Seriously! Paano ko mahahanap si Krizzle kung baldado ako ng dalawang buwan? Sabihin nyo nga sakin!? Paano ako magiging mabuting ina kina Khaizer and Kevin?



"Dianne, wag mo nang isipin 'yan. Mabilis lang naman ang araw. Gagaling ka din. Makakalakad ka din." sabi ni Jimin sakin. Bakit ba ang malas ko? Bakit? Ano bang nagawa kong kasalanan? Bakit ngayon pa'ko naging lumpo? Ano nalang silbi ko? Siguro hindi na 'ko magtataka kung ipagpalit ako ni Jimin sa ibang babae.



"Jimin, ipagpapalit mo na ba ako sa iba?" tanong ko sa kanya. Ngumiti muna ako ng mapait kasabay ng pag-agos ng mga luha ko dahil hindi sya sumagot. "O-okay. I understand. M-mas mabuti ngang maghanap ka nalang ng iba kase wala na'kong kwenta. Baldado na'ko. Ano pang s-silbi ko d-diba?" sabi ko sa kanya.



Niyakap nya naman ako ng mahigpit. "No. Don't say that. I will never leave you Dianne. I love you and our childs." he said then he kissed my forehead. Mas lalo naman akong naiyak. Mahal na mahal nga talaga ako ni Jimin.



Bigla namang bumukas ang pinto pero nanatili pa rin akong nakayakap kay Jimin. "Oish tama na ang drama!" sigaw bigla ni Taehyung. Napalingon naman ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin.



"Guys, ano ng balita?" sabi naman ni Jin oppa. Kinuwento ni Jimin sa kanya ang lahat. "Aba bwiset naman pala 'yang KM na 'yan! Tara patayin na natin 'yong hayop na 'yon!" sigaw bigla ni Hoseok oppa kaya binatukan sya ni Namjoon oppa. "Bugok! Hindi nga natin kilala si KM tapos papatayin natin?" sabi nya kaya napatawa sila.



Sila lang dahil ako, I don't have time to laugh. Hindi ata kaya ng bibig ko na tumawa kase sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Krizzle is still missing and I found love bites on Jimin's neck. I doubt na baka babae nya ang naglagay 'nun pero pinapaniwala ko pa rin ang sarili ko na sana hindi.



Na sana mali ang akala ko. "Dianne 'yung dalawang bata pala kinuha ni Seohyun. Sya daw muna ang mag-aalaga. Wag kang mag-alala sa condo nya dinala ang mga anak mo." sabi ni Siga oppa. Seryoso palagi ang muka nya at minsan lang sya makipag-biruan.




Pero ngayong nakatingin ako sa mga mata nya habang kausap nya ako, may nakikita akong emotion sa mata nya. Awa. Iyan ang nakikita ko sa mga mata nya. Syempre sino ba naman ang hindi maawa sa isang katulad ko.



Nawalan na nga ng anak, tapos hindi pa makalakad. "Noona may dala pala kami ditong prutas. Kainin mo 'yan ha. Masarap 'yan! Ay! May dala pa pala kaming graham balls! Kainin mo din kami gumawa nyan!" masiglang sabi sa'kin ni Jungkook habang naka-bunny smile.



Tumango lang ako sa kanya. Inabot naman sakin ni Taehyung 'yung tupperware na may lamang graham balls. Binuksan ko 'yun at kinain ang isa. Masarap sya kaya naubos ko 'yun. "Ano masarap ba?" tanong ni Jin oppa kaya tumango ako.



"Kumusta na pala kayo. Hindi ba kayo napapagod na alagaan ang mga bata? Kung nagsasawa na kayo pwede nyo naman silang dalhin dito. Ako nalang mag-aalaga tutal nami-miss ko na rin sila." sabi ko sa kanila. Umiling-iling naman si Taehyung.



"Hindi. Kami na ang bahala. Kaya namin silang alagaan. Wag kang magpapagod ha. Masama 'yon sa'yo. Baka pag dinala namin ang mga bata dito, mas lalo kang ma-stress kasi makulit na at maingay sila masyado." sabi nya habang nakangiti.




"Okay salamat ha." sabi ko sa kanya. "Dianne aalis na pala kami. Dumaan lang kami dito para tingnan kung okay ka na ba at para ihatid yung mga pagkain. Bye Dianne! Get well soon!" sabi ni Jin oppa.




"Bye. Ingat kayo ha." sabi ko sa kanila bago sila lumabas ng pintuan. "A-ah ano p-pala Dianne, samahan ko na sila hyung sa baba. Ihahatid ko na sila." sabi ni Jimin sa'kin. Nagtataka talaga ako sa mga ikinikilos nya.




Para syang may nagawa na hindi ko alam! Nagsalita muna sya bago sya lumabas sa pinto. "D-dianne sana mapatawad mo pa rin ako kahit na malaki ang nagawa kong kasalanan sa'yo." sabi nya na nakapagpakunot ng noo ko.








===========================

Hi Guys! Chapter 43 is done! Sprry sa matagal na update. Busy lang kase si owtor XD. Labyu guys!

*VOTE

*COMMENT

*BE A FAN

-Shine_Kim

I'm Mr. Jimin's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon