Chapter 31

4.5K 129 19
                                    

Jimin's POV

Kinuha ko ang cellphone ko at tatawagan na sana si Jungkook ng biglang-

*BOGSHH*

"Asan yung mga baby asan?" Jin

"Aray ko naman Hoseok hyung ang sakit ng ulo ko! Bakit mo ko tinulak?" Taehyung

"Namjoon tigilan mo nga yang pagkain sa dala nating prutas!" Yoongi

"Taehyung manahimik ka! Asan na yung mga baby? Ilabas nyo!" Hoseok

"Tinikman ko lang yung apple! Ang sarap pala!" Namjoon

"Hyung! May dala akong gatas!" Jungkook

Naka-face palm lang ako habang nakatingin sa kanilang lahat. Paano nila nalaman na nandito kami? Sino nagsabi?

"Dianne! Ano feeling ng manganak?" tanong ni Seohyun na ngayon ko lang napansin kasi ang gulo ng Bangan.

"Nandyan ka pala Seohyun?" tanong naman ni Dianne. Minsan parang tanga lang 'tong asawa ko. Nakita na nga nyang nandito si Seohyun tapos itatanong pa. Hays ang hirap maging gwapo!

"Ay hinde! Anino ko lang 'to!" sabi naman ni Seohyun kaya natawa sila ni Dianne. Aish. Ang bababaw nila.

"Pandak." tawag ni Namjoon hyung pero dahil pogi ako, hindi ako lumingon. "Pandak." tawag nya ulit. Di ko ulit sya pinansin kasi famous ako.

"Lalaking pandak na walang jams." sabi nya ulit pero hindi ko ulit sya pinansin kasi may abs ako at sya wala. "Hoy Jimin!" tawag nya kaya lumingon ako sa kanya habang naka-smirk.

"Gagong pandak na 'to! Hindi pa talaga lilingon kung hindi tatawagin sa pangalan nya!" ulit ni Namjoon hyung. Gwapo lang ako at hindi pandak!

"Bakit ba hyung?" sabi ko sabay kuha ng prutas na dala nila. "Asan na yung mga babies?" tanong nya sabay agaw ng kinakain kong ubas.

"Bastos ka hyung. Andun sa oven." sabi ko at kumuha ulit ng prutas. Kinuha ko yung apple. "Tanga anong oven? Niluto mo na yung mga anak mo?" sabi nya at binatukan ako.

"Aba malay ko kung anong tawag dun. Basta yung parang aircon na mainit yung lumalabas tapos may ilaw." sabi ko at kinagat yung apple. "Incubator kasi." sabi nya at kumuha ng saging.

"Ano? Elevator?" tanong ko at nagkamot ng kilay. "Bobito ka talaga!" sabi nya at binatukan na naman ako. Aba-aba nakakadalawa na 'tong badjao na 'to ah!

"Hyung sali ako!" parang bata na sabi ni Jungkook at tumabi sakin. Ang gwapo ko kasi kaya sakin tumabi si Jungkookie. "Anong sali?" tanong ko at kinuha yung gatas na kanina ko pa napapansin na dala nya.

Binuksan ko yun at ininom. Infairness ang sarap. "Sali ako sa laro nyo!" nakangiting sabi nya ulit. Nababaliw na ba 'to? Anong laro pinagsasasabi nito?

"Jungkook alam mong mahal kita pero wag ka namang maging baliw. Sayang ang pagmamahal na binibigay ng gwapong tulad ko sa'yo." sabi ko at ginulo yung buhok nya pero hinawi nya yung kamay ko at tiningnan ako na parang nandidiri.

Aba! Saan nya natutunan ang tingin na yun? Muntanga lang eh! "Kadiri ka hyung! Pinagsasabi mo?" sabi nya ulit. Oh diba! Walang duda! Baliw na si Jungkookie!

"Teka ano yung narinig kong gwapo? Sinong gwapo? Alangan namang kayo? Eh ako lang naman pogi dito." sabi naman ng bagong dating na si Taehyung. Nakaupo kasi kami dito sa parang sofa dito sa kwarto pa rin sa hospital.

"Ulol ka Taehyung! Lumayas ka dito. Bawal alien dito." sabi ni Namjoon hyung. Sus bawal daw? Eh bakit sya nakapasok dito? Sa pagkakaalam ko kasi unggoy 'to si hyung.

"Teka nga! Ano bang pinunta nyo dito?" tanong ko sa kanila. Lumapit naman si Hoseok hyung at umupo sa tabi ko. "Di pa ba obvious?" tanong nya.

Nanatili pa ring nakakunot ang noo ko sa kanila. Muntanga 'tong mga 'to. "Nandito kami para ipa-advance yung pagkamatay mo! Nandito kami kasi papatayin ka na naming pandak ka na walang jams kasi ang slow-slow mong hinayupak ka! Malamang si Dianne ang dinadalaw namin dito! Alangan namang ikaw? Bakit ikaw ba yung nanganak?" mataray na sabi naman ni Jin hyung.

Bakit ang sungit ng baklang 'to? May regla ba sya? O baka naman nag-menopause na? Aba malay ko sa kanila.

"Ang sungit mo hyung." sabat naman ni Jungkook kaya pinanlakihan sya ng mata ni Jin hyung. Parang baliw 'tong dalawang 'to.

Sabagay baliw nga pala si Jungkookie kaya baliw din si Jin hyung. Like mother like son ika nga. Oy ang lalim nun ah! That word 'ika nga' saan ko ba nahukay yun?

Ah sa boxer ni Taehyung! Tama! "Jimin ano pangalan nung nga baby?" matinong tanong ni Suga hyung. Buti pa 'to, matinong kausap di katulad nila.

"Krizzle Wythd, Kevin Woulsen at Khaizer Wazen Park." nakangiting sabi ko kay Suga hyung. Nakita ko naman na sumilay yung gilagid nyang makinang I mean ngumiti sya. "Cool." sabi nya at kinuha yung cellphone nya at umupo sa kabilang sofa.



"Game na hyung! Laro na tayo!" makulit na sabi ni Jungkook at hinawakan pa talaga ang kamay namin ni Hoseok hyung at inangat-angat yun. Parang tanga.




"Ano bang laro gusto mo?" tanong ko sa kanya. Bakit ba kasi ang pogi ko at pati si Jungkook nababaliw nang dahil sakin. "Apakan ng leeg." nakangiting sabi nya.



Nakita kong nalaglag yung hawak ni Jin hyung na lipbalm. Nabilaukan si Namjoon hyung sa kakakain ng saging. Napahawak si Hoseok hyung sa dibdib nya sabay sabing 'Owmaygad my heart is owmaygad'.


Si Suga hyung napamura. Si Taehyung na natigilan sa paglalaro ng color switch at nabitawan pa yung cellphone. At ako na nakanganga sa sinabi ni Jungkook.


Tahimik pa rin kaming lahat hanggang sa nagsalit ulit si Jungkook na dahilan nang pagkabatok sa kanya ni Jin hyung. "Ayaw nyo? I sige iba nalang! Hampasan nalang ng tangke ng gas!" masayang sabi pa nya pero uulitin ko ulit, binatukan sya ni Jin hyung sa mga pinagsasasabi nya.


"Jungkook, nakainom ka ba ng gatas? O eto oh, ikaw nalang ang umubos. Mukang mas kailangan mo yan kesa sakin." sabi ko kay Jungkook sabay abot sa kanya nung gatas na kinuha ko sa kanya kanina.




Basta nandito talaga ang Bangtan ang gulo-gulo! Pero kahit na ganun, mahal na mahal ko silang lahat! Parang pamilya na ang turing ko sa kanila. Hindi ko kaya kapag wala sila.






























===========================
Ang lame T__T. Anyways ate  shhhey! As you wish! Here's the update! Sunday ng gabi 😂😂

I'm Mr. Jimin's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon