Chapter 30

4.4K 141 3
                                    

Dianne's POV

Nang sumigaw ako, lumabas agad si Jimin. Kita ko sa muka nya ang pagkataranta.

"Jimin, dalhin mo na ako sa ospital. Ang sakit na." maluha-luhang sabi ko sa kanya. Binuhat nya agad ako at pumunta sa kotse nya.

Binuksan nya yun at ingat na ingat na nilagay nya ako sa loob. Binuksan nya ang makina ng kotse at minaneho agad ito papunta sa ospital.

"Shit Dianne! Pigilan mo muna, malapit na yung ospital!" tarantang sabi na naman nya. Napahawak ako sa tyan ko kasi ang sakit sakit.

"Jimin, bilisan mo." sabi ko sa kanya. Pinagpapawisan na rin ako dito. Fuck! Ang sakit lalabas na Oh my God!

Pagkadating namin sa ospital. Binaba nya ako at sinalubong kami ng mga nurse tapos sinakay ako sa stretcher.

Sinugod agad nila ako sa ER kasi lalabas na daw yung mga bata. Pagkahiga ko dun, tinurukan ako ng kung anu-ano na hindi ko alam. Hanggang sa sinabi na ng doctor na umire na daw ako.

Pinayagan nilang pumasok si Jimin sa loob ng ER pero pinagpalit nila si Jimin ng hospital gown at pinagsuot ng face mask.

"Sige Misis i-push nyo na para makalabas na ang first baby." kalmadong sabi ng doctor. Pinagpapawisan ako dito at kinakabahan pero tumango ako at tiningnan ko din si Jimin na nakahawak sa kamay ko.

Ipi-nush ko ang first baby namin at putcha ang sakit! Kalahati palang ata ng ulo ni baby ang nalalabas ko pero fuck! Ang sakit na!

"Sige pa Misis! Konting push pa at lalabas na ang ulo ng baby." sabi ulit ng dictor. Tumango ulit ako si Jimin naman hinigpitan lang ang kapit sa kamay ko ganun din ako sa kanya.

Ilang ire pa ang ginawa ko at lumabas na ang first baby namin. Napuno ang buong ER ng iyak ng baby namin. Gusto kong maluha sa nakikita ko pero inaalala ko pa ang dalawang sanggol sa tyan ko.

"Okay Misis, sa pangalawang baby na lalabas hindi na masyadong masakit. Kaya relax lang okay?" sabi ng doctor. "Dianne kaya mo yan nandito lang ako." sabi ni Jimin. Hindi nako nakasagot sa kanya at pinisil ko nalang ng madiin ang kamay nya.

Sa pangalawang pagkakataon, lumabas na ang second baby namin. Napuno na naman ng iyak sa buong ER. Umire pa ako ng umire at lumabas na ang third baby namin.

"Congratulations Ma'am! They're two boys and one girl. Pare-pareho silang healthy." nakangiting sabi ng doctor. Ngumiti lang din ako hanggang sa iabot kay Jimin ang isamg baby namin.

Tiningnan ko sya at nakita kong umiiyak sya. Napangiti ako ng makita ko sya na umiiyak habang karga-karga ang anak namin.

Dumating pa ang dalawang nurse at ibinigay sakin ang dalawa pang baby. "Hello mga baby ko! I'm your Mommy and that man beside us is your Daddy." sabi ko at hinalikan sa forehead ang dalawang anak ko.

Nilagay ulit nung dalawang nurse sa parang stretcher ng mga baby ang mga anak namin. "Dianne, hindi mo alam na sobrang napasaya mo ko. Dianne hindi ko inakala na ngayon sila lalabas kaya nataranta ako kanina at ....." nahihiyang sabi nya kaya hindi ko naintindihan ang sinabi nya bandang huli.

"At?" tanong ko naman. "Naka-boxer shorts lang ako papunta dito." mabilis na sagot nya. Gusto ko sanang matawa ngunit pagod na pagod ako ngayon kaya ngumiti nalang ako bago makatulog.














Jimin's POV

Kanina pa ako naiilang sa mga malalagkit na tingin na pinupukol ng mga nurse sakin.

Nakasilip kasi ako sa bintana ng baby's room at tinitingnan ang mga angels namin. Alam ko naman kung bakit nila ako pinagtitinginan.

Ikaw ba naman makakita ng lalaki na tinakbo ang asawa nya sa hospital habang naka-boxer shorts tapos hindi ka makakaagaw ng pansin? Syempre oo! Lalo na't may abs ako!

May isang nurse na lumapit sa akin at inabutan ako ng white t-shirt. "Ah sir eto po oh. T-shirt. Magbihis po kayo. Baka magkasakit po kasi kayo sa ginagawa nyo." nakangiting sabi nya sakin.



Kinuha ko naman yun sa kanya at sinuot yun. "Salamat sa concern." sabi ko. Ngumiti lang sya bago umalis. Siguro kung gising si Dianne ngayon, sigurado ako na paghahahampasin ako nun at pagkukurutin dahil magseselos yun.

Pero pasalamat nalang tayo at wala sya dito. I decided to go back at her room to see if she's awake. Pagbalik ko dun, gising na sya at pinagtaasan ako ng kilay sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa.

"At saan ka galing?" mataray na  tanong nya sakin. Aish mukang mahaba-habang page-explain 'to ah!




"Dyan lang sa tabi-tabi." kalmadong sabi ko pero nakataas pa rin ang kilay nya. "Saang tabi-tabi yan at bakit may suot na damit ka na?" tanong nya ulit.



"Dun sa kwarto ng mga babies. Tiningnan ko lang sila Krizzle tapos may lumapit na nurse at binigyan ako ng damit." sabi ko. "Okay akala ko nambabae ka na dyan."bsabi nya.



Lumapit ako sa kanya at hinawakam ang kamay nya. "At bakit ko naman gagawin yun? Eh nasa akin na nga ang lahat. Pamilya, pagmamahal at kapogian." sabi ko at nag-smirk.



"Okay na sana eh kaso sinama mo pa yung kapogian." sabi nya naman. Nag-pout naman ako. "So hindi ako pogi?" nakangusong sabi ko sa kanya.




Bigla nya namang pinisil ang pisngi ko. "Sabi nang wag kang ngumuso eh!" sabi nya at mabilis na hinalikan ako sa lips. Nginitian nya ako kaya nginitian ko din sya.



Bigla namang may pumasok na nurse na may dalang form. "Excuse po Ma'am and Sir. Eto po yung birth certificates nung mga anak nyo po. Paki-sign nalang po tapos babalikan ko nalang." sabi ng nurse at umalis na.




Kinuha ko yun at finill up-an. Pinatong ko lang yun sa bed side table at tiningnan ulit si Dianne. "Jimin, tawagan mo nga ang Bangtan pati sila Seohyun. Nami-miss ko na sila ay tsaka hindi pala nila alam na nanganak na ako." sabi nya.




Kinuha ko ang cellphone ko at tatawagan na sana si Jungkook ng biglang-



*BOGSHH*
































==========================

Ang lame nung sound effects haha. Muntanga lang XD. Anyways guyseu!! Na-miss ko kayo!!! *muah muah* (yuck kadiri ka Shayn") ay hahaha XD



*VOTE

*COMMENT

*BE A FAN

-Shine_Kim
-Asawa ni Taehyung
-Fiance ni Junhoe
-Nililigawan ni Kihyun
-Dyosa ni Wonho
-Dine-date ni Taehyun
-Asawa ng LAHAT (EXCEPT KAY MARLOU CHAROT JOKE LANG WAG NYOKO I-BASH xD)

I'm Mr. Jimin's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon