Chapter 44

2.9K 98 25
                                    


Dianne's POV

After 2 weeks, nakalabas na rin ako sa ospital. Nandito ako ngayon sa sala at nanonood ng tv at kumakain ng chips.


Hindi ko na rin nan masyadong iniisip na hindi ako nakakalakad kase nandyan naman sila Jimin at ang Bangtan para iparamdam sa'kin na normal pa din ako.


Si Jimin, patuloy pa rin nyang inaasikaso 'yung pag-trace sa number ni KM. Halos araw-araw nga syang umaalis para asikasuhin 'yon. Walang tao ngayon sa bahay dahil umalis si Jimin. Yung mga bata naman nasa dorm ng Bangtan.


Habang kumakain ako, biglang nag-vibrate 'yung cellphone ko. Kinuha ko 'yun sa tabi ko at binasa ang text na natanggap ko.


From : 09*********

Meet me at the abandoned building next month. Tapusin na natin 'to para magkaalaman na. Tutal kating-kati ka naman na malaman kung sino ako diba? Wag kang magsasama ng kahit na sino kung ayaw mong mapahamak ang anak mo. Wag mo ring isasama si Jimin.


'Yan yung sabi sa text. Kinilabutan ako ng mabasa ko 'yan. Alam ko na kung sino 'to. Sya lang naman ang nagbibigay ng mga threats sa'kin diba? Sino pa ba, edi si KM. Akala nya natatakot ako sa kanya? Well hindi!


Kaya ko ang sarili ko. Hintayin nya lang na makalakad ako at ako pa mismo ang maghahatid sa kanya sa kabaong nya! Hindi ko na 'to kailangan pang sabihin kay Jimin kasi sabi nga nya, wag na wag daw akong magsasama ng kahit na sino.


Na-mi-miss ko na talaga 'yung mga anak ko. I cant wait to see them. Gusto kong makita na kompleto sila. Hindi ko kasi maalagaan ng maayos sila Khaizer at Kevin nang maka-uwi ako dito sa bahay kaya nagpasya ulit ako na ang Bangtan ulit ang mag-alaga sa kanila tutal nag-volunteer naman sila.


Gusto kong bumilis na ang araw para makalakad na ulit ako at para mabawi ko na si Krizzle. Gusto kong lumabas pero pano nga ba ako makakaalis eh pilay ako? Kinuha ko ang remote at ililipat na sana ang channel ng mag-vibrate na naman ang cellphone ko.




From : 09*********

May ipapadala pala akong regalo sa'yo mamaya. Sana magustuhan mo. Pinaghirapan ko 'yan ha kaya wag mong itatapon. Remembrance din 'yan.




Tss! Galing na naman kay KM. At anong ipapadala nya dito? Bomba? Argh! Kung nakakalakad lang sana ako edi sana ngayon na kami nagtuos nitong KM na 'to!



Bigla namang may nag-door bell kaya napatingin ako sa pinto. Sumigaw nalang ako ng 'pasok' kasi hindi ako makakalakad para buksan 'yung pinto. Pumasok naman 'yung kumatok.



"Hi Dianne! Long time no see! How are you? Are you okay?" sabi ni Seohyun at umupo sa tabi ko. "Okay naman. Pero naiinis pa rin ako kasi hindi ako makalakad." deretsong sabi ko sa kanya.



"Okay lang 'yan. Gagaling ka din." sabi nya sakin. "Kumusta na pala 'yung mga bata?" tanong ko sa kanya. "Okay naman. Si Khaizer makulit gusto laging nakakarga tapos si Kevin gustong palaging natutulog." sabi nya.



"Ay nako baka mamaya ikaw na ang kilalaning nanay ng dalawang 'yon." natatawang sabi ko sa kanya. Totoo naman kasi. Magto-two months na ang mga bata kila Seohyun. Baka nga hindi na ako kilala nung dalawang 'yun. 




"Haha ano ka ba! Syempre ikaw pa rin ang nanay ng mga anak mo. Two months palang naman samin ang mga bata eh." sabi ni Seohyun at nakikuha ng chips na kinakain ko kanina.




"Dianne gusto mo bang kumain?" tanong nya sakin. "Ah sige ano ba lulutuin  mo?" sabi ko kase medyo nagugutom na rin ako kase hindi pa ako kumakain kaninang umaga.




"Beef steak nalang." sabi nya. Tumango naman ako at nanood ulit ng tv. Si Seohyun naman pumunta na sa kusina para nga magluto na. Mayamaya lang, may nag-doorbell. "Ah Seohyun pwede bang pakibuksan nung pinto?" tawag ko sa kanya.




Hindi kase ako pwedeng pumnta dun kase nga hindi ako makalakad. "Sige." sabi nya at pumunta na sa pintuan. Binuksan nya 'yun at may kinuha na kung ano. "Dianne may nag-deliver nito. Sa'yo daw ipinapadala." sabi nya.




Nangunot naman ang noo ko. Sinong magpapadala? Wala naman akong alam na may magpapadala sakin. Wait. Ah I know it. Si KM. Baka 'yan na 'yung sinasabi nya na ipapadala nya. "Seohyun pakikuha nalang tapos pakidala dito sakin." sabi ko sa kanya.




Kinuha naman ni Seohyun ang isang maliit na box. Nakabalot pa 'yun at may ribbon sa tuktok. I don't know but kinakabahan ako habang ibinibigay sakin ni Seohyun 'yung box. "Eto oh. Balik na 'ko sa kusina ah baka masunog na yung niluluto ko." sabi ni Seohyun. Nginitian ko muna sya saka nagpasalamat.




Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ko 'yung maliit na box. Pagkabukas ko, nakakita ako ng isang USB. Bakit USB? Anong meron dito? Nagtataka talaga ako. Anong connect nito dito?




I-open ko kaya 'to sa laptop? Baka naman may files dito. Kinuha ko 'yung USB at sinuri. "Dianne luto na!" nagulat naman ako sa sinabi ni Seohyun at nabitawan ko 'yung USB. "Ay sorry! Nagulat ba kita? Sorry." sabi nya at pinulot 'yung USB. "Hindi. Okay lang ako." ngumiti sya sakin at umupo sa tabi ko.




"Tara kain na muna tayo." sabi nya kaya ngumiti ako. Tinabi ko muna 'yung USB sa bulsa ko at kumain na kami. Matapos namin kumain nagpaalam na sya. "Dianne alis nako ha." sabi nya at lalabas na sana nang pigilan ko sya.




"Ah wait Seohyun. Pwede pakikuha muna nung laptop sa kwarto? Please?" sabi ko. Pumunta naman sya sa kwarto at kinuha 'yung laptop. "Eto oh. Una na ko ha? Ingat ka dyan. Bye!" sabi nya at umalis na.




Kinuha ko ulit 'yung USB sa bulsa ko at sinaksak sa laptop. Tiningnan ko 'yung mga folders. Wala namang kakaiba pwera nalang dun sa folder ng mga videos. May isang video kase dun.




Na-curious ako kaya pinanood ko 'yun. Pero sana pala hindi ko napang pinanood. Nag-unahan rumagasa ang mga luha ko habang patuloy ko pa ring pinapanood 'yung video kahit umiiyak na ako.










===========================Wahhhhh guys!!! Ticket selling na sa June 19 T^T Wala pa kong ipon huhu. Magiging #teambahay ba ko? Ayoko T__T Gusto ko talaga makapunta ng concert!!

BTW guys, para hindi ULIT kayo maguluhan.  Yung mga bata (Khaizer and Kevin) ay two months nang inaalagan ni Seohyun at ng Bangtan. Hindi sila two months old okay? Sila ay 5 months old na okay? So malinaw na ha? Hahahaha Anyways thanks sa pagbabasa :D

*VOTE

*COMMENT

*BE A FAN

-Shine_Kim

I'm Mr. Jimin's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon