Dianne's POV
Kasalukuyan akong hinahatak ni Jimin papunta sa abandonadong building dito sa likod ng school.
Habang hatak-hatak nya ako, magkahawak kamay kami kaya pinagtitinginan talaga kami ng mga students dito.
Nahihiya ako kaya itinungo ko nalang ang ulo ko.
Nang makarating na kami sa abandonadong building, binitawan na nya ang kamay ko.
"Dianne, nakita mo naman yung ginawa ko kanina diba?"
Tanong nya sakin na parang naiiyak na ang mata. Tumango naman ako sa kanya.
"Ginawa ko yun para maprotektahan sya. Ayaw ko naman talaga makipag-break eh! Kaso si Mom, hindi ko alam ang kaya nyang gawin kay Rachel kapag hindi kami naghiwalay."
Nagugulat ako sa mga sinasabi nya! Pero ang mas ikinagulat ko ay nung umiyak na sya. Natataranta ako, hindi ko alam ang gagawin ko!
At dahil wala na akong maisip na paraan para mapatigil sya sa pag-iyak, niyakap ko nalang sya.
Naramdaman ko na nagulat sya sa ginawa ko pero hinayaan nya nalang na yakapin ko sya.
Hindi ko nga sya mayakap ng maayos kasi mas matangkad sya sakin!
Habng yakap-yakap ko sya nagsalita ako.
"It's okay Jimin. Alam mo naman sa sarili mo na mahal mo sya kaya tama lang ang ginawa mo na pagpaparaya sa kanya para sa ikabubuti nya."
Habang sinasabi ko yan, nasasaktan ako. Hindi nya kasi kayang i-let go si Rachel pero ginawa nya yun dahil mahal nya si Rachel.
Tumigil na sya sa pag-iyak. Nahimasmasan na siguro. Binitawan ko na rin ang pagyakap ko sa kanya.
"Gagawa ako ng paraan para magkabalikan ulit kami ni Rachel. Sabi nga nila na kapag mahal mo ang isang tao wag mong papakawalan. Kaya ipinapangako ko na magiging kami ulit ni Rachel"
Sabi nya at umalis na sa abandonadong building na 'to.
Ganun ba kamahal ni Jimin si Rachel na to the point na kahit may fiance na sya at malapit na itong maging asawa nya, nagagawa nya pa rin ipaglaban ang taong mahal nya! Ang tunay na girlfriend nya!
Nag-antay muna ako ng mga 10 minutes bago umalis ng abandonadong building at dumeretso sa room namin dahil first subject na at late na ako.
Habang nag-lalakad ako, maraming mga students ang nagbubulungan tungkol sakin.
"Bakit hatak-hatak ni Jimin ang babaeng yan kanina?"
"Sya ba yung sinasabi ni Jimin kanina na fiance nya?"
"Sya ba ang dahilan kung bakit naghiwalay si Jimin at Rachel?"
Hindi ko nalang pinansin ang mga pagbubulungan nila. Actually hindi nga bulong yun eh kasi ang lakas na ng pagkakasabi nila at rinig na rinig ko pa.
Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa room namin.
Pagpasok ko, lahat sila nakatingin sakin pati na rin ang bestfriend ko na si Taehyung.
Napansin ko naman ang prof namin kaya nag-bow ako.
BINABASA MO ANG
I'm Mr. Jimin's Wife
FanfictionIto ay kwento ni Dianne bilang asawa ni Park Jimin. Ano kayang mangyayari kung ayaw ni Jimin sa kanya pero mahal nya ito? Will she stay with him even if he doesn't love her? Or she will leave because she's tired of loving him and he can't love her b...