Dianne's POV
Weeks had passed and one month na ang mga anak namin. Busy kaming lahat sa pagluluto ng mga handa.
Ako, si Jimin, si Jin oppa, si Suga oppa at Namjoon oppa ang nagluluto ng mga handa at si Jungkook, si Hoseok oppa at Taehyung ang nag-aalaga sa mga bata.
"Suga paki-abot nga nung pasta." sabi ni Jin oppa habang nagpapakulo ng mainit na tubig. Ako naman ang naghihiwa sa mga bawang at onions.
"Oh eto." sabi ni Suga oppa at iniabot na nga ang pasta kay Jin oppa. Si Jimin naman ang nagbe-bake ng cake. Improving kaya si Jimin kase palagi na syang nanonood ng mga tutorials sa youtube.
"Dianne ayos ka lang ba? Hindi ka ba nahihirapan? Pwede kitang tulungan." presenta ni Jimin pero umiling lang ako at ngumiti. Masyado na syang maraming ginagawa para tulungan ako.
"Dianne i-breast feed mo nga si Khaizer! Ayaw tumigil sa kakaiyak eh! Ginawa ko na lahat ayaw pa rin tumigil! Baka gatas talaga nya ang gusto mo?" sigaw ni Taehyung mula sa hagdan. Aish! Ano ba yan!
"Sige wait lang! Nandyan na!" sabi ko at tinanggal ang apron na suot ko at sumunod sa taas. Pagkapasok ko sa kwarto nila, iyak agad ni Khaizer ang sumalubong sa akin.
"Oh Dianne. Kunin mo na 'tong maligalig mong anak!" sabi ni Taehyung at ibinigay sa akin si Khaizer. "Aish ang baby ko na yan! Tahan na. Tara dun tayo sa kwarto namin ng Daddy mo." sabi ko at pumasok na kami sa kwarto namin ni Jimin.
Doon ko sya pina-breast feed. Nang makita kong tulog na sya ay pumasok na ulit ako sa kwarto ng mga anak ko at inilapag sa crib si Khaizer. Ang bilis talaga ng panahon no?
Parang kahapon lang kakapanganak ko palang sa kanila tapos ngayon isang month na sila. Bumalik ulit ako sa kusina at nakita ko na tapos na si Jimin sa pagbe-bake ng cake.
"Dianne tikman mo 'to." tawag sa akin ni Jimin at inilapit pa sa bibig ko ang tinidor na may cake. Isinubo ko naman agad yun at wala akong masabi kasi ang sarap!
"Ano masarap ba?" tanong nya. Umiling ako at nilunok ko ang cake bago ulit sumagot. "Hindi sya masarap Jimin. Sobrang sarap nya!" sabi ko kaya kinurot ni Jimin ang pisnge ko.
"Hoy kayong mag-asawa kayo! Mamaya na kayo maglandian dyan dahil hindi pa tayo tapos magluto ng mga pagkain!" sabi ni Suga oppa kaya napatawa kami ni Jimin.
Bumalik na kami sa kanya-kanya naming ginagawa ng biglang may mag-door bell. Nagtaka ako bigla. Wala naman kaming inimbitang bisita maliban kay Seohyun ah? So sino kaya yun?
"Ah ako na magbubukas ng pinto." pagpi-prisinta ni Suga oppa pero pinigilan ko sya at ako na ang tumayo at binuksan ang pintuan.
My jaw literally dropped when I saw the person standing infront of the door. "Ow hi!" sabi nya at binigyan ako ng fake na ngiti.
Ano ba kasing ginagawa ng bruha na 'to dito? At tsaka paano nya nalaman ang address namin? Tsk! Nakakainis! Ayoko pa naman sa kanya kasi nga sabi nya sya daw yung nagpapadala ng mga sulat kay Jimin dati!
Aish! Bwisit talaga 'tong Kyla na 'to! Yes tama kayo ng nababasa! Si Kyla nga! Yung bruhang babae na nakasalubong namin sa grocery store. Okay scratch that! Sya yung bruhang babae na bumangga sa akin sa grocery store!
"Hmm hindi mo ba ako papapasukin?" maarteng tanong nya. Bwisit talaga! No pets allowed dito ate! Pero wala na akong nagawa kung hindi ang papasukin sya.
Ang rude ko naman kung pinagsarahan ko sya ng pinto. Pagkapasok na pagkapasok nya, si Jimin agad ang hinanap nya. Tsk! Hindi lang pala bruha 'to! Malandi din!
Nang makita nya si Jimin, kumapit agad sya sa braso nito. Grrr! Nakakagigil na ha! Pigilan nyo ko guys! Masisipa ko talaga 'tong babae na 'to palabas sa bahay namin.
"Did you missed me darling?" tanong nya kay Jimin. Sus! Darling-darling pang nalalaman! Kainis! Si Jimin naman hindi mapakali at panay ang tingin sakin tapos bibuntong-hininga at lulunok.
"Ah hehe syempre na-missed kita! Kaibigan kita eh!" pinagpapawisang sabi ni Jimin. Ulol ka Jimin! Isa ka ring bwisit! Na-missed mo rin pala yang linta na yan ha! Edi magsama kayo!
Masyado silang masakit sa mata kaya umakyat nalang ako sa kwarto ng mga anak namin at bumuntong- hininga.
Tulog sila Jungkook kaya walang makakakita sa akin ngayon. Bwisit na bwisit talaga ako! Nakakainis! Ang kapal ng muka ng babaeng yun na pumunta dito! Invited ba sya? Hindi naman! Sadyang makapal lang talaga ang muka nya!
Kung makakapit pa kay Jimin akala mo ahas! Sa pagkakaalam ko nga ang mga ahas nasa gubat eh! Pero bakit sya nasa city? Field trip ba nila? Aish!
Hindi naman na ako nagtagal dun sa kwarto ng mga anak namin dahil kumatok si Jin oppa at sinabi na bumaba na daw kami at magsisimula na ang celebration.
Binuhat naman ni Taehyung si Khaizer, si Hoseok oppa kay Kevin at si Jungkook kay Krizzle. Pagkababa namin dun, nagpasabog agad ng confetti si Jimin.
May banner din na nakadikit sa wall ay may nakasulat na 'Happy One Month Park Babies!' Ang cute nga nung banner eh! Pero masaya na sana at okay na kaso nung mapatingin ako kay Kyla, nakangisi sya sakin.
Luh? Ano problema nung ahas na yun? Wag nya akong nginingisian baka tanggalin ko ngala-ngala nya! "Guys picture muna tayo bago tayo kumain!" sigaw naman ni Jin oppa.
Si-net na nya ang camera sa timer at syempre sa gitna kami ni Jimin tapos tabi-tabi na sila. Sisingit pa sana si Kyla sa tabi ni Jimin ng hatakin sya ni Taehyung at pinanlakihan ng mata. Buti nga sa kanya!
Nang mag-flash na, nakangiti kaming lahat sa picture maliban lang dito sa kasama naming ahas na nakabusangot. Sana hindi nalang sya sumama sa picture! Pumanget eh!
Magkakainan na sana ng may mag-door bell na naman. Syempre nagkatinginan kaming lahat. Parang nagsesenyasan kung sino ang magbubukas ng pinto.
Wala ata silang balak na tumayo kaya ako nalang ang nagbukas ng pinto. At pagkabukas ko,
"Wahhhh Dianne na-missed kita!"
==========================
Guyseu! Sino kaya yung dumating? Kainis si Kyla no? Sarap kurutin ng nail cutter 😂😂 BTW sana nagustuhan nyo. Babush!*VOTE
*COMMENT
*BE A FAN
-Shine_Kim
BINABASA MO ANG
I'm Mr. Jimin's Wife
FanfictionIto ay kwento ni Dianne bilang asawa ni Park Jimin. Ano kayang mangyayari kung ayaw ni Jimin sa kanya pero mahal nya ito? Will she stay with him even if he doesn't love her? Or she will leave because she's tired of loving him and he can't love her b...