Chapter 25

4.8K 144 6
                                    

Dianne's POV

Nandito pa rin ako sa condo ni Seohyun. Actually 10:24 na ng umaga pero hindi pa rin ako bumabangon sa pagkakahiga dito sa kama ni Seohyun.



Biglang bumukas ang pinto kaya napaupo ako. Pagkatingin ko si Seohyun lang pala. "Dianne magtatanghali na. Kumain ka na ng breakfast. Bawal ang malipasan ng gutom sa'yo." sabi ni Seohyun.



Nginitian ko naman sya. Napaka-protective nya talaga sakin. I think magiging mabuting asawa sya kay Taehyung.



Tumayo ako pero biglang nag-vibrate yung cellphone ko. Tiningnan ko yun at puro text ni Jimin. May mga missed calls din. Inopen ko yun isa-isa.



From: Jimin

Fuck Dianne! Where are you?

Are you with Taehyung?

Dianne! Answer my calls!

Dianne for Pete's sake it's 2:43 am! Where are you?

Dianne sagutin mo naman yung mga text ko!

Dianne hinihintay kita.

Dianne may lalaki ka ba?

Kasama mo ba yung lalaki mo?

Masaya ba kayo?


Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa sa mga messages ni Jimin. Naiirita lang ako. Ako may lalaki? Baliw ba sya? Bakit ko naman gagawin yun eh asawa ko nga sya!



Wag nya akong igaya sa kanya na pumunta lang ng States nag-iba na ang ugali. I think matatagalan ang pagii-stay ko dito kay Seohyun. Pakikiusapan ko nalang sya.



Bigla namang tumunog yung tyan ko. "Hay mga baby ko! Gutom na ba kayo? Sorry kung pabebe si Mommy ha. May hindi lang kasi sila pagkakaunawan ng Daddy nyo." sabi ko habang hinihimas ang tyan ko.



Lumabas ako sa kwarto at pumunta na sa may kusina. Nakita ko naman na may nakahain nang pagkain doon. Umupo ako at may nakita akong sticky note sa tabi nung pagkain.


          Dianne kainin mo na yung pagkain na nakahain dyan sa lamesa. May gatas sa ref uminom ka para maging healthy ang baby mo. Kung ma-bored ka manood ka nalang ng TV. Umalis nga pala ako. Pupuntahan ko si Taehyung magpapasama ako sa paggo-grocery.

            -Seohyun ^__^



Napangiti ako ng mabasa ko yung sticky note. Ang bait nya talaga swear. Napakamaalalahanin nya. Kinain ko naman yung pagkain na hinanda nya.




Pagkatapos kong kainin yun, kinuha ko yung gatas sa ref at ininom yun. Pumunta ako sa sala at nanood ng TV habang hinihintay sila.



Biglang tumunog ang ringtone ko. May tumatawag. Pagtingin ko sa cellphone ko, si Jimin lang pala. Sinagot ko yung tawag.




["Salamat naman at sinagot mo din yung tawag ko!"]

"Hello din Jimin. Ang ganda ng pagbati mo."

["Dianne nasan ka ba? Kagabi pa ako nag-aalala sa'yo!"]

"May concern ka pa pala sakin? Sa pagkakaalam ko, wala kang paki sakin diba? Palagi mo na naman akong sinisigawan! Jimin masakit na! Lalo nung sinabi mo na wala ng patutunguhan yung marriage natin. Mabuti nalang at nandyan si Seohyun para i-comfort ako! Jimin intindihin mo din naman kasi yung nararamdaman nung taong nagmamahal sa'yo! Intindihin mo naman kahit minsan yung nararamdaman ko! I don't know kung bakit ka nagkakaganyan! Simula nung umalis ka at pumuntang States pagkabalik mo nagkaganyan ka na! Hindi mo ba naisip na halos mamatay ako sa pag-aalala kapag madaling araw ka na umuuwi. Hindi mo ba alam na halos mamugto na yung mata ko sa kakaiyak tuwing gabi kapag nag-aaway tayo at higit sa lahat HINDI MO BA NAISIP NA TINITIIS KO ANG LAHAT NG PAGPAPAHIRAP MO SAKIN DAHIL MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL KITA JIMIN! Kahit na ni minsan hindi ko naramdaman na minahal mo din ako pabalik."



["S-sorry Dianne.]


Pinatay ko na agad ang tawag dahil umiiyak na ako dito. Halos nailabas ko na ang lahat ng hinanakit ko sa kanya pero bakit parang kulang yung sorry nya? Sorry? Ang tanong hindi ba labag sa sarili nya na nag-sorry sya sakin?



Kilala ko si Jimin. Kilalang-kilala ko sya. Alam kong hindi nya basta-basta ibababa ang pride nya para lang sa isang tao.



Nakakainis kasi kahit na ang dami kong hinanakit sa kanya, yung puso ko hindi pa rin napapagod na mahalin sya. Bakit unfair?



Nakita ko sa cellphone ko na tumatawag na naman sya pero pinatay ko nalang yung cellphone ko. Sana sa mga sinabi ko matauhan na sya.



Sana naman bumalik na kami sa dati. Nahihirapan na kasi ako eh. Hirap na hirap na kasi ako. Pero kahit na ganun, mahal ko pa rin sya.



Kahit na sabihin man ng bibig ko na pagod na akong mahalin sya, iba naman ang isinisigaw nitong pesteng puso ko. Bakit ba sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, bakit ikaw pa ang napili nitong puso ko?



Bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok si Seohyun at Taehyung. Nakita ata ni Seohyun na umiiyak ako kaya binitawan nya ang mga dala nya at dali-daling lumapit sa akin.



"Dianne bakit ka umiiyak? What happened?" tanong ni Seohyun sakin at pinunasan ang mga luha ko. Ngumiti lang ako sa kanya pero biglang lumapit sa amin si Taehyung.



"Dianne sabihin mo na. Alam kong nagsisinungaling ka." sabi ni Taehyung. Kilalang-kilala talaga ako ng bestfriend ko. Alam nya kasi  kung nagsisinungaling ako o hindi.



Tumabi si Taehyung sa akin. "Oh ano na Dianne? Sabihin mo na." sabi ulit ni Taehyung. "Ah tumawag kasi si Jimin at hindi ko sinasadya na masabi sa kanya ang mga hinanakit ko sa kanya." sabi ko naman.



"Tama lang ang ginawa mo Dianne. Dapat ipa-realize mo sa kanya kung gaano sya kalaking gago para saktan ka at ang mga anak nyo." sabi naman ni Seohyun.



"Nag-sorry sya sakin." sabi ko na nakapagpatahimik sa dalawa. Tiningnan ako ni Seohyun bago magsalita. "Kung talagang nagso-sorry sya sa'yo, dapat pumunta na yun ngayon dito." sabi ni Seohyun.



Oo nga no tama sya. Siguro nga hindi talaga nagso-sorry ng sincere
si Jimin. Pero bigla kong naalala. Paano nga pala pupunta si Jimin dito eh hindi nya naman alam 'tong condo ni Seohyun?



"Eh hindi nya naman alam 'tong condo ni Seohyun ah!" sabi ko naman. Natahimik naman ang dalawa.



"Duh! Dianne pwede nyang ipa-" hindi na natuloy ang sasabihin ni Seohyun nang biglang may nag-door bell.



==========================

Guys laptrip yung nasa multimedia XD Sorry sa 2days late na update. XD

I'm Mr. Jimin's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon