Dianne's POV
Nakauwi na rin ako sa wakas sa bahay namin. Hindi ako makapaniwalang taon pala ang itinulog ko. Pero salamat na rin at nabuhay pa ako. Mabuti nalang at nakaligtas kami ng anak ko.
Hindi ko malilimutan ang araw na 'yon. Tandang-tanda ko pa kung paano sumabog ang bomba sa may teddy bear. Limang minuto na lamang ang natitirang oras at maaaring sumabog ang buong building at mamatay kami ng anak ko kasama ang demonyong 'yon.
Mabuti nalang at nakalas ang lubid na nakatali sa kamay ko sa tulong na rin ng bracelet ko kaya natanggal ko agad 'yung lubid. Umalis si Kylie noong mga sandaling 'yon dahil tatawagan nya ang lahat ng mga malalapit sa akin upang ipaalam na mamamatay na kami ng anak ko.
Habang wala siya, sinamantala ko 'yung pagkakataon na 'yon para tanggalin ang pagkakatali ng paa ko sa upuan. Nang matanggal ko 'yon, tumakbo agad ako papunta kay Krizzle at binuhat sya.
Tatakbo na sana ako palabas ng building pero nagulat ako nang hablutin niya ang buhok ko kaya nabitawan ko si Krizzle. Nagsabunutan pa kaming dalawa pero mabuti nalang at may nahawakan akong matigas na bagay at ipinukpok ko 'yon sa ulo nya. Nawalan naman siya ng malay at naiwang nakahandusay sa sahig.
Galit na galit ako nung mga oras na 'yon dahil sa ginawa niya sa buong pamilya ko lalong-lalo na sa anak ko. Isang minuto nalang ang natitirang oras kaya't binuhat ko ulit si Krizzle at tumakbo na ako palabas.
Malapit na sana ako sa pintuan ngunit huli na, sumabog na ang bomba. At iyon na ang huling naalala ko.
"Asawa ko, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Jimin habang alalang-alala ang muka niya. Kasalukuyan akong nanonood ng tv pero wala akong maintindihan sa pinapanood ko.
"Jimin, si Kylie b-buhay pa ba siya?" tanong ko kay Jimin at hindi ko na naman maiwasang maiyak dahil naalala ko na naman ang ginawa niya sa buong pamilya ko. Umupo naman si Jimin sa tabi ko at niyakap ako.
"Wag ka na umiyak, ayos na ang lahat. Patay na si Kylie. Wala nang manggugulo sa buhay natin." sabi niya kaya nakalma naman ako. Tama lang sa kaniya 'yon! Demonyo siya! Pagdusahan niya sa impyerno ang ginawa niya sa amin!
"Mommy!" sigaw ni Krizzle at nagtatakbo pababa ng hagdan. Tumakbo siya papalapit sa amin at nakiyakap sa amin ni Jimin. "Bakit anak?" nakangiti ko namang tanong sa kanya. Tinitigan ko ang muka niya, kamukang-kamuka talaga niya ang tatay niya.
Nakakainis! Bakit ganoon? Wala man lang nakuha sakin eh akk yung nanay! Napakadaya! "Mommy hindi ka na po matutulog ng sobrang tagal ulit diba?" nakanguso niyang tanong. Hala ang cute naman ng anak ko. Kinarga ko siya at niyakap. Nakatitig naman sa amin si Jimin habang nakangiti.
"Yes baby, hindi na matutulog si Mommy ng sobrang tagal." sabi ko at hinalikan siya sa noo. Napapitlag naman ako nang biglang bumalibag ang pinto.
"DIANNNNNNEEEEE" sigaw ng isang tumatakbong alien papalapit sa akin. "DIANNE NAPAKADAYA MO! ANG TAGAL MONG TULOG! HINDI MO BA ALAM KAMI NAGPAKAHIRAP MAG-ALAGA DIYAN SA MGA ANAK MONG KAMUKANG-KAMUKA NG TATAY NILANG WALANG JAMS!" sigaw ulit ni Taehyung at nakitabi sa amin sa sofa.
Binuhat naman ni Jimin si Krizzle at inilipat sa kanya. "Taehyung! Na-miss kitang alien ka! Ganiyan ka na ba magsabi ng hello?" natatawang sabi ko at niyakap siya. Nakaka-miss talaga 'tong bestfriend ko.
Ang tagal ko ring hindi nakausap 'to. Naiiyak tuloy ako! Hinampas naman ni Jimin si Taehyung ng throw pillow kaya napabitaw siya sa yakap. "Tama na yan alien! Chansing ka na sa asawa ko!" sabi ni Jimin kaya napatawa ako.
BINABASA MO ANG
I'm Mr. Jimin's Wife
FanfictionIto ay kwento ni Dianne bilang asawa ni Park Jimin. Ano kayang mangyayari kung ayaw ni Jimin sa kanya pero mahal nya ito? Will she stay with him even if he doesn't love her? Or she will leave because she's tired of loving him and he can't love her b...