Fix you
"Now you're perfect A!" Pumalakpak ang sekretarya kong si Lexie.
"Thank you bakla." Ngiti ko sa kanya habang siya naman ay napasimangot. Ayaw niyang tinatawag ko siyang bakla. Diko alam pero naiinis siya kahit na totoo namang bakla siya.
"By the way, saan ka ba pupunta at kailangang nakaayos ka ng ganyan?" Tanong niya habang ako ay hinahalungkat ang cellphone ko sa bag ko.
"Ni hindi ka man lang makakuha ng make up artist mo. Ako nalang palagi e may night life naman ako." Reklamo niya. Hindi ko siya pinansin dahil abala ako sa pagdial ng number ni dad.
"Lex, I will explain to you later okay?" Tapik ko sa balikat niya para tumigil na pero inirapan lang ako.
Dalawang ring ay inangat na ni dad ang tawag ko.
"Ella?"
"Hello dad, I will meet Mr. Veruz son." Paninimula ko. Bumaling ako kay Lexie na nagmemake up. Habang ang kanyang black dress ay hapit na hapit sa kanyang malaking katawan.
"It's okay Ella. Annah will meet him when she comes back, I just told him that my daughter couldn't make it." Napapikit ako. Pakiramdam ko ay hindi niya ako anak. I know I deserve his treatment but I am longing for his care too. Pinalis ko ang emosyong namumuo sa akin.
"Dad, nakapag bihis na po ako." Rinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya. Alam kong pinipigilan lang niya ang frustration niya ngayon.
"Hindi ikaw ang ipapakasal ko sa kanya Ella, so stay out of it! Ngayong hinahayaan kita sa buhay mo ngayon ka pa makikialam sa mga ginagawa ko?" Galit na wika niya. I know he won't approve this but I don't want to involve my sister here. Ayokong maranasan niya ang makulong at mabuhay sa pamamagitan ng mga desisyon ni dad.
"Dad I will do this okay? Kakausapin ko lang siya. At kung ayaw man niya sa akin edi ipapakilala ko siya sa kapatid ko. Just this once dad." Bumuntong hininga siya.
"Fine! Huwag ka lang magkakamali ngayon Ariella. I don't want this thing to ruin everything. Do you understand?" May diin sa bawat salitang binitawan niya. Pumikit ako at huminga ng malalim.
"Yes, dad. I won't. Magpahinga na po kayo. Goodnight dad, I lo--" bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay narinig ko na ang pagputol niya ng tawag. Napatitig nalang ako sa aking cellphone.
"I love you, dad." bulong ko bago bumuntong hininga. Napabaling ako kay Lexie na ngayon ay kumakanta ng mahina habang inaayusan ang sarili. Napangiti ako. I'm just happy that I have him.
"Ang landi mo naman." Tawa ko ng makitang mas tinalbog pa niya ang hitsura ko ngayon. Tumaas lang ang kilay niya at ngumuso kaya tumawa ako.
"Shala diba?" Tawa niya habang kumurap kurap.
"Kadiri! Mauuna na ako. Huwag kang masyadong manlalake ngayong gabi dahil may trabaho pa tayo bukas." Kinuha ko na ang bag ko at humarap muli sa salamin bago tumalikod sa kanya.
"Tse! Gora na at romampage kana!" Napatawa naman ako sa pananalita niya. Nakakahawa narin pero hindi ko ginagaya dahil pangit daw kapag sa akin nanggaling ang mga salita niya. Napailing nalang ako at ngumiti.
"Bye! Wish me luck then!" Ngiti ko at tumalikod na sa kanya papunta sa pinto.
"Good luck pechay!" Rinig kong sigaw niya bago ko maisara ang pinto. He's my only friend. My secretary and my enemy. Lagi ko man siyang inaaway ay nandyan parin siya para sa akin kahit na mahirap akong intindihin minsan.
Maraming nangyari sa buhay ko na hindi ko makakalimutan. Mga masasayang bagay pero mas maraming malulungkot at masasakit na bagay na gusto ko ng kalimutan. Pero kapag nakikita ko si dad ay parang araw araw niyang ipinapamukha sa akin na wala akong karapatang mabuhay.
BINABASA MO ANG
His Mistress
RomansaAno ba ang mas masakit? Ang palayain siya kahit mahal mo pa o Ang mahalin siya habang nasa piling ng iba? Ariella, thought blood is always thicker than water. But what if the blood she's protecting is the cause of her bleeding? And the water she's...