You and me
Nang makarating kami sa bar ay agad kaming pumasok sa loob. Halos mahilo ako sa magkahalong amoy ng alak at sigarilyo pati ng iba't ibang pabango sa loob. Dumiretso kami sa table kung saan pinareserved ni Lexie kanina.
Napalingon ako kay Drey na ngayon ay pinapasadahan ang buong dance floor. Natawa siya sa kung anong nakita kaya napalingon ako sa kung saan siya nakatingi.
Dalawang babaeng kumikindat sa kanya kaya napakunot ang noo ko. Kaya siguro gusto ng kanyang ama na mag-asawa na siya dahil puro lang pambababae ang ginagawa niya. Hindi ako naniniwala na magmamahal siya ng seryoso gaya ng sinabi niya sakin kanina. Napailing nalang ako sa kaisipang naniwala ako sa kanya kanina.
"Anong iinumin mo?" Tanong ni Lexie sa likod ng malakas na musika.
"I want beer or something strong." Tinaasan niya ako ng kilay. Umupo si Drey sa tabi ko kaya mas lalong tumaas ang dalawang kilay ni Lexie. Alam kong gusto niyang itanong kung bakit parang komportable ako kay Drey. Pero mabuti nalang at hindi naman niya tinuloy ang gustong sabihin.
Agad na siyang nagtawag ng waiter at nagorder ng maiinom. Ng may kumalabit kay Drey na palagay ko ay kaibigan niya ay agad na lumapit si Lexie sakin para bumulong.
"Bakit mo dinala 'yang fiance mo?!" Sigaw niya sa taynga ko na alam kong hindi narinig ni Drey dahil abala siya sa pakikipagusap sa kaibigan.
"Tumigil ka nga! Mamaya marinig ka pa niya." Sermon ko sa kanya pero inirapan lang niya ako at tumayo papunta sa kabilang mesa kung saan nandoon ang iba niyang kakilala. Hinayaan ko nalang.
Napalingon ako kay Drey na ngayon ay may inilapag na beer sa mesa namin. Agad din namang inilapag ng waiter ang inorder ni Lexie. Tinanggap ko ang iniabot ni Drey at agad na inisang lagok. Humalakhak pa siya habang manghang nakatitig sa akin.
"Woah! I didn't know you're this thirsty." Nagkibit ako ng balikat at ngumiti sa kanya.
"Gaya mo! Gusto ko ring i-enjoy ang huling araw ng pagkadalaga ko!" Tumawa ako kaya tumango siya at ngumiti. Nabigla ako ng haplusin niya ang pisngi ko at pinunasan ang ibaba ng labi ko.
"I'm sorry." Aniya. Hindi narin ako nakapagsalita pa dahil alam ko sa kung ano ang ibig niyang sabihin. Tumango nalang ako at tipid na ngumiti.
"Teka lang ha? Hanapin ko lang si Kristy." Ani Lexie ng makalapit siya sa akin kaya tumango ako.
"Nandito naman si Drey. Ayos lang." Sagot ko kaya agad siyang umalis.
"Lagi ka ba sa ganitong lugar?" Tanong niya bago itungga ang kanyang beer. Pinagmasdan ko ang paggalaw ng kanyang adams apple at umiling.
"No." Sagot ko. Mabuti nalang at hindi na gaanong kalakas ang music.
"Really?" Gulat na tanong niya kaya tumango ako at muling uminom ng beer.
"Noong college lang ako mahilig mag bar hopping." Sabi ko at inalala ang mga kalokohan ko kasama ang best friend ko.
"Pero nagtino ka ng nagkatrabaho na?" Tanong niya kaya tumango ako at tumawa.
"You know, you're really beautiful when you smile but especially when you laugh like that." Napatigil ako sa sinabi niya. Madalas may magsabi sa akin ng ganyan... Pero dati lang iyon.
"Thank you." Sagot ko bago muling uminom. Ngumiti siya at inilahad niya ang kanyang kamay sa harapan ko. Napatingin ako sa kanyang mga mata. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Can I dance with my fiancee." Tanong niya kaya napailing nalang ako at ngumiti. Tinanggap ko ang kanyang kamay at iginiya niya ako papunta sa dance floor. May iilang couples narin na nagsasayawan. Agad na ipinatong ko ang isang kamay ko sa kanyang balikat at hawak naman niya ang isa.
BINABASA MO ANG
His Mistress
RomanceAno ba ang mas masakit? Ang palayain siya kahit mahal mo pa o Ang mahalin siya habang nasa piling ng iba? Ariella, thought blood is always thicker than water. But what if the blood she's protecting is the cause of her bleeding? And the water she's...