Chapter 54

12.2K 238 8
                                    




Nakatitig lang ako sa kanya habang siya ay masayang kumakain ng bacon. Halos walang mapaglagyan ang saya na nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung paano ako pinagbigyan ng panginoon ng isa pang pagkakataon para makasama ang babaeng nag-iisa lang sa puso ko.

"Hindi ka ba kakain?" Napakurap ako at agad na dinampot ang aking kubyertos.

"Hindi lang ako makapaniwalang kasama na kita. I've been dreaming to wake up each day and have a simple breakfast like this with you. And here!" Ngumiti siya at agad na hinawakan ang aking kamay.

"I love you, Calvin." Enough words to make my day. Enough moment to make my life complete.

"I love you, Ariel."


Matapos kaming kumain ay agad narin kaming umalis para dumaan sa hospital kung nasaan ang knayang tunay na ama. Hindi nga ako makapaniwala na hindi pala sila magkapatid na buo ni Annah. Hindi ako makapaniwala na buong buhay niyang ibinigay ang pagmamahal niya sa maling pamilya.

Napalingon ako sa kanya ng naglalakad kami papasok sa hospital. Bumigat ang puso ko dahil naawa ako sa mga pinagdaanan niya. Naawa ako dahil sa maling pamilya niya binuhos ang buong pagmamahal niya. Nagtiim bagang ako.


Kaya malayo ang loob ko sa matandang iyon dahil alam ko sa puso ko na may mali sa kanya. Ito pala iyon.

"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo." Napalingon ako sa kanya ng magsalita siya. Kumapit siya sa aking braso. Muli akong bumuntong hininga at kinuha ang kamay niya para halikan.

"Sana ay nalaman ko ang lahat. Hindi ka sana nasaktan." Nagulat ako ng hilahin niya ako at mabilis na naglakad.

"Ano ka ba! Wala ka namang magagawa tungkol doon. And besides, it's part of my life." Sagot niya habang hila ako. Hindi ako sumagot kaya napalingon siya sa akin. Huminto siya sa paglalakad at kumunot ang kanyang noo.

I just wanna be part of her life, too. I wanna be her savior. I wanna be just me...

Nagulat ako ng hawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinantayan ang aking mga mata.

"You are one of best though." Hindi ko mapigilan ang mapangiti. There she goes again. Reading my mind.

"Fine." Sagot ko at ako na mismo ang humila sa kanya. Pigil ang ngiti ko at narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Misan ay hindi ko alam kung bakit ako nagpapabola sa kanya. Isang salita lang ay wala na.

Hindi ko naman kasi mapigilan ang maging masaya. Ito na ang matagal kong hinintay na pagkakataon. And now that I have her. I will never lose her again.

Nang makarating kami sa silid kung saan na-confined ang kanyang ama ay agad kaming pumasok.

Napalinga ako sa paligid at wala akong makitang ibang tao kundi ang kanyang ama na nakahiga at mahimbing na natutulog. Tahimik at tanging tunog lang ng monitor ang naririnig sa loob.

Umupo si Ariel sa isang silya sa tabi ng kama ng kanyang ama. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ng matanda.

"Dad, I'm back." Malambing na pahayag niya. Hinalikan niya ang kamay ng kanyang ama bago siya lumingon sa akin. Ngumiti siya. And my heart skip a beat.

His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon