Chapter 21

7.2K 159 0
                                    

Maybe this time

Hindi niya ako pinigilan. Hindi rin niya ako muling kinausap pa. I knew back then he's mad or angry. Or even worst.

"You're the worst." Ani Lexie ng nakaupo ako sa aking sofa. Bumuntong hininga ako.

"I know." Umiling siya at umupo sa aking tabi.

"Ano naman ang gagawin ko? Parang bumabalik sa akin lahat, Lexie. My dad, the company, and now my sister."

"Pero hindi mo naman kailangang isakripisyo ang lahat hindi ba? Pati ba naman ang agency mo?" Aniya. Napatigil ako sa pag-iisip at tinitigan ang papeles sa kamay ko.

"My family is more important. Kailangan ng kapatid ko ang maoperahan sa lalong madaling panahon. Wala nang pera si dad, Lexie. I can't do nothing about it." Sabi ko at pinermahan ang papeles. Ipinapagbili ko na ang aking agency para makapunta na kami sa US at ipagamot ang kapatid ko.

"I'm sorry, Lexie. Ipinangako naman ni Mr. Aguilar na siya ang bahala sa inyo. Hindi kayo mawawalan ng trabaho." Umiling siya at hinawakan ang kamay ko.

"Why are you always worried about others? Ni hindi mo man lang iniisip ang sarili mo. You're hurting yourself and I can't take it anymore." Aniya. Nakita ko ang pagpatak ng kanyang luha kaya napakagat ako sa aking labi at hinila siya para yakapin.

"I can handle myself, okay?" Hinaplos ko ang kanyang likod.

"Please, be happy." Tumango ako at ngumiti.

I'm still lucky to have him. Kahit na anong mangyari ay nandyan siya sa tabi ko. Lahat naman kaya kong tanggapin.

Kaya ko..

Hindi narin ako pumunta pa sa agency dahil alam kong malulungkot lang ako. Ayokong makita ang mga tauhan kong naging malapit na sa akin. Ang mga tauhan kong hindi ako iniwan.

"Aalis na tayo bukas." Sabi ko kay Ann na ngayon ay kumakain ng prutas. Ngumiti siya ng tipid.

"Ate, you don't need to sell your agency for me. I know it's important to you." Umiling ako at hinaplos ang kanyang pisngi. Pumapayat na siya.

"No, you are more important than anything in this world." Tumulo ang luha niya kaya ngumiti ako at pinahid iyon.

"Pinangako ko iyon kay mommy. I will take care of you. Kaya dapat magpagaling ka." Inilahad ko sa kanya ang kanyang prutas at muli siyang sumubo.

Nakangiti lang ako habang nakatitig sa kanya na masayang kumain. Alam kong masaya siya dahil nandito kami ngayon sa mansion. Ito ang pangarap niya ang mabuo kami.

"Ella." Tawag ni dad sa akin habang palapit siya sa amin. Pareho kaming napalingon ni Ann kay dad. Ngumiti siya ng makita ang kapatid kong ngingiting pinaupo sa gitna namin.

"You want fruits, dad?" Ani Ann. Hinaplos ni dad ang ulo niya at ngumiti bago umuling.

"You need all that, anak. Para mapaoperahan kana." Ani dad bago bumaling sa akin at sumeryoso ang kanyang mukha.

"Come to my office. We need to discuss something." Seryosong saad niya bago tumayo at humakbang pabalik sa loob ng bahay.

"What is it, ate?" Tanong ni Ann ng hindi na namin makita si dad. Nilingon ko siya.

"Hindi ko alam. Sa kompanya siguro. He's fixing things out and maybe he needs my help." Ngiti ko. Tumango siya.

"I'm sorry, ate. Hindi man lang ako nakatulong. Nakadulot pa ako ng problema sa inyo." Umiling ako.

"Hindi. Wala kang kasalanan, Ann. So, just eat all that, okay? I'll be right back." I smiled and assure her that everything is going to be alright.

His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon