Chapter 13

10.3K 222 1
                                    

What do you mean?

"Huwag mo nga akong niloloko." Hindi ko siya matignan sa kanyang mga mata dahil ayaw kong makita niyang apektado ako sa kanyang sinabi.

Mahinang napatawa siya. "Masyado kang nagiisip." Sabi niya.

"Ano naman ang ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya at sa wakas ay nilingon na siya.

"Time will come.... when you won't be thinking of anyone else... anymore." Kumunot ang noo ko. Ngumisi siya ng makita ang reaksyon ko. Bago siya tumayo.

"Ano bang ibig mong sabihin?" Tanong ko ulit. Hindi niya ako pinakinggan at dali niyang tinanggal ang kanyang mga damit. Nanlaki ang mga mata ko.

"Shit! Ano bang ginagawa mo?!" Bulyaw ko sa kanya at iniwas ang tingin. Tumawa siya.

"Parang hindi mo pa nakita itong katawan ko." Halos ay sampalin ko ang sarili ko sa pamumula ng pisngi ko.

"Fuck you!" Inis na mura ko sa kanya. Tumawa ulit siya at narinig ko ang paglakad niya palayo at ang pagtalon niya sa tubig.

"Your curse is cute!" Sigaw niya sa akin. Matalim ko siyang tinitigan at humalukipkip. Ngumuso ako ng makita siyang umahon at naglakad papunta sa akin.

"Maligo ka. Ang sarap ng tubig. Nakakawala ng antok." Sabi niya tumango ako.

"Ikaw nalang nilalamig na ako e." Sagot ko naman. Ginulo gulo niya ang kanyang buhok para tanggalin ang tubig doon. Ang kanyang boxers na hapit sa maselan niyang bahagi ay nakakaagaw ng atensyon pero hindi ko iyon tinignan.

"Mas lalo kang lalamigin kung nandyan ka at nahahanginan. Kung maliligo ka ay mawawala ang lamig mo." Pagpupumilit niya. Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil ayokong maligo kasama siya. Baka kung ano pa ang isipin ng iba.

"If you're thinking of me taking advantage of you. It won't happen until you say so." Pormal na saad niya na parang hindi man lang siya nahiyang sabihin iyon! Matalim ko siyang tinitigan at tumayo para iwan na sana siya.

"Guys!!" Pareho kaming napalingon kay Bon na tumatakbo kasama si Lucky papunta dito. Marami din silang kasama na tumatakbo sa likuran nila.

"Nandito pala kayo. Kanina ko pa kayo hinahanap." Humihingal na sabi niya. Lumapit si Lucky sa akin at may ngisi sa kanyang labi.

"Nagdedate kayo no?" Tumawa ako ng siniko niya ako at kinindatan.

"Hindi!" Depensa ko. Tumawa siya at pati si Bon. Si Calvin naman ay ngingiting naiiling lang. Inirapan ko siya.

"Let's swim guys! Mukhang masarap maligo!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki sa grupo ng parating. Nasa halos sampo ang dumating at nagsitanggalan ng mga damit. Iilan lang ang natira sa party.

"Tara!" Yaya ni Lucky sa akin at hinila ako. Napasigaw pa ako sa paghila niya dahil nagulat ako. Tinanggal ko ang coat ni Calvin sa akin at itinabi sa damit ko. Bago ako nagpatianod sa paghila ni Lucky.

Maraming nagsilangoy sa dagat at halos doon tinuloy ang kasiyahan. Hinila pa ako ni Lucky sa mga kaibigan nila. Nakipagkilala naman sila sa akin. Lalo na ang mga babaeng kasama nila. Hindi ko na napansin kung nasaan si Nadia. Pero buti naman at wala narin iyon.

"Nasaan na sila Mich?" Tanong ko kay Lucky ng hindi ko mahagilap si Mich.

"Nasa hotel na. Alam mo na. Honeymoon!" Hagikgik niya. Tumango ako at tumawa bago bumaling sa lalaking bumunggo sa gilid ko. Si Calvin pala.

"Ihahatid na kita sa room mo." Sabi niya kaya napakunot ang noo ko. Magsasalita pa sana ako ng may nagsalita sa likod niya.

"Hi! Miss. Pwedeng makuha number mo?" Tanong niya. Suminghap si Calvin at nagtiim ng bagang.

His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon