Just give me a reason
"So, ngayon ka lang sasama sakin porket wala ang ka-ibigan mo?" Umirap ako kay Lexie ng palabas kami sa agency. Hindi ko kasama si Calvin ngayon dahil busy siya.
"Gusto nga kitang makasama din ngayon." Sagot ko at humawak sa kanyang braso.
"Ang sabihin mo, wala kang kasama." Tumawa ako sa sinabi niya pero hindi na iyon sinagot.
Dumiretso kami sa restaurant kung saan kami dating kumakain.
Nang makaupo kami sa round table ay biglang tumunog ang aking cellphone. Agad kong dinukot iyon sa aking bag. Tinaasan ako ng kilay ni Lexie ng dumating ang waiter kaya sinenyasan ko siyang siya nalang ang umorder para sa akin.
"Hello, Ann?"
"Ate," aniya sa mahinang boses. Napakunot ang aking noo.
"Are you sick?" Tanong ko ng marinig ang malalalim na paghinga niya.
"No, ate." Tumango ako pero hindi parin mawala ang pag-aalala ko.
"Are you sure? How's your work? Kamusta ka dyan?" Narinig ko ang mahina niyang tawa kaya napangiti ako.
"I am totally fine, ate. I'll be home tonight so I wanna date you tomorrow." Aniya kaya napangiti ako.
"Okay, I'll see you tomorrow then. I love you." Ngiti ko. I miss my sister.
"See you soon ate. I love you." Aniya bago ibinaba ang tawag.
"Uuwi na?" Tanong ni Lexie ng ibinalik ko sa aking bag ang cellphone. Tumango ako.
"Yep."
"Siguro naman sasabihin mo na bukas ang relasyon niyo ni Calvin? He deserve it." Aniya. Tumango ulit ako bago nilingon ang dumating na pagkain.
"Of course! He deserve everything. I know that." Sagot ko. Hindi narin siya sumagot at tahimik na kumain nalang kami. Alam ko namang hindi na ako bata para maglihim ng puppy love kay dad. And I know this is not puppy love anymore.
I know what to do. And I know Calvin is always there to support me.
Nang matapos narin ang trabaho ay agad na akong umuwi. Gusto ko naring makita ang kapatid ko.
Napangiti ako ng makita ang text ni Calvin.
Calvin:
Stuck in a boring meeting:/ i need u here!Natawa ako sa picture na isinend niya sa akin. Nakasimangot siya at nakangusong nakatingin sa camera habang tamad na nakahilig sa kanyang swivel chair. Ang mga kasama niya ay abala sa kung ano sa likuran niya. Pinindot ko ang reply button at tumipa.
Ako:
Hey! U can't do that. Concentrate, Mr. CEO;)Tumayo ako mula sa pagkakaupo para dalawin ang kapatid ko. Sasabihin ko na sa kanyang kami na ni Calvin. I just hope she will understand. Kinuha ko ang chocolates sa ibabaw ng mesa. My peace offering to her.
Paglabas ko sa unit ko ay dumiretso ako sa kanyang pinto. Napakunot ako ng makita nakabuka ang pintuan niya kaya pumasok na ako.
"Ann?!" Pagpasok ko ay walang tao sa sala kaya dumiretso ako sa kwarto niya. Wala din doon. Naisip ko na baka nasa balkonahe iyon ngayon. Nakabukas ang glass door doon kaya alam kong nandoon siya. Napangiti ako. Pero ng makalapit ako ng ilang hakbang ay narinig ko na may kausap siya.
BINABASA MO ANG
His Mistress
RomanceAno ba ang mas masakit? Ang palayain siya kahit mahal mo pa o Ang mahalin siya habang nasa piling ng iba? Ariella, thought blood is always thicker than water. But what if the blood she's protecting is the cause of her bleeding? And the water she's...