Chapter 23

6.8K 142 0
                                    

Let her go

Masayang masaya si Ann na makauwi na ng Pilipinas. Ngayon ang araw ng paguwi namin at hinihintay nalang namin ang pagtawag sa amin. Nakaupo kami ngayon dito sa waiting area ng airport.

"Excited na akong makita ang mga kaibigan ko ate." Ani Ann kaya ngumiti ako at tumango.

"Ako din. Thank God maayos kana." Ngiti ko at napalingon kay dad na palapit sa amin. May kausap siya sa kanyang cellphone kaya tumayo siya kanina. Siguro ay dahil kailangan na siya sa company. Hinintay na kasi niya ang paguwi ni Ann.

Hindi narin natuloy si Mr. Aguilar na bumisita dahil sobrang busy niya at kailangang umuwi ng Pilipinas para sa kanyang mga proyekto.

"Tara na." Ani dad kaya dali akong tumayo para alalayan ang kapatid ko. Okay narin naman siya pero kailangan parin niyang magpacheck-up pagkauwi namin sa Pilipinas. Pinarefer narin ng doctor niya doon.

"A!!!!" Kumaway si Lexie at daling nilapitan kami ng makalabas kami. Kasama niya si Joy na sumundo sa amin.

"Grabe namiss kita!" Ani Lexie. Niyakap ko siya bago nakipagbeso kay Joy na ngayon ay kinakamusta ang kapatid ko.

Si dad naman ay may kausap ulit sa kanyang cellphone. Nilingon ko ulit si Lexie.

"Namiss din kita! Mabuti naman at okay lang kahit may trabaho ka?" Tanong ko. Lumapit si dad sa amin at binati si Joy at Lexie.

"Oo naman no! Lakas ko kaya sa doon. Tsaka nalaman pa nila na ikaw susunduin ko." Ngumiti ako at tumango. Pakiramdam ko ay bumalik ang sigla ko ng nakaapak ako sa sarili kong bayan.

Ilang sandali pa ng makita namin ang driver ni dad ay agad narin kaming umuwi ng mansion.

"Mukhang sumaya ka ha." Puna ni Lexie ng makarating kami ng mansion. Nakaupo kami ngayon dito sa may pool side. Si Ann ay masayang nakikipag kwentuhan kay Joy. Baka mamaya ay darating din ang iba niyang mga kaibigan.

"Nakakalungkot kasi sa hospital. Pakiramdam ko nag-iisa lang ako. Nakakalungkot na malayo sa inyo." Sagot ko bago inabot ang baso ng juice sa kaharap naming mesa.

"Kaya masaya kana kasi malapit kana sa mahal mo?" Nilingon ko siya. Ngumising aso siya kaya hindi ko nalang iyon pinansin.

"Stop it, Lexie." Sabi ko pero alam kong hindi siya titigil hangga't hindi ko aaminin.

"What? Less than three months ka lang doon hindi taon. Imposibleng naka move on kana. I can still see in your eyes." Aniya kaya umiling nalang ako.


"Alam mo bang nakakainis ang mga babaeng umaaligid sa kanya?" Pagpapatuloy niya.


"Lexie, we broke up months ago. Of course its natural for him to date." Sagot ko naman. Pero alam kong sa loob ko alam ko kung ano ang totoong nararamdaman ko. Pero sino ba naman ako para umangal.

"Alam ko. Syempre kayo parin ang bet ko. Number one fan ako ng love team niyo no!" Humalakhak ako sa sinabi niya. Pero tumigil ako ng muli siyang magtanong.


"Are you ready to marry Mr. Aguilar's son?" Napakagat ako sa ibabang labi ko at huminga ng malalim.


"Maybe." Sagot ko. Nilingon ko sila Ann dahil sa ingay nila. Dumating na ang mga iba niyang kaibigan. Kumaway ako ng binati nila ako.


"You're hopeless." Ani Lexie. Napatulala ako sa aking baso at naisip na tama siya. I'm really hopeless.


Pero ito ang gusto kong gawin. Ang ibigay lahat ng makakaya ko sa pamilya ko. Hinding hindi ako mapapagod na ibigay lahat ng kaya kong ibigay para sa kanila.

His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon