Take me wherever you go
(Alert! SPG)"Hindi na 'ko nakadaan sa'yo! Kainis kasi si mommy, e! Masyadong nagmamadaling umuwi." Ani Lucky sa kabilang linya. Matagal ding hindi ko siya nakausap. Ngumiti ako bago lumabas ng balkonahe ko. Huminga ako ng malalim.
"Okay lang naman. May susunod pa naman." Sagot ko. Narinig ko ang hagikgik niya sa kabilang linya.
"Gustong sumama ni Bon 'pag luluwas ako. Hindi ko lang alam kung kailan pero pupunta talaga ako. I miss you!" Maligayang saad niya. Tumango ako bago sumagot.
"I'll be looking forward, then. I miss you too." Sagot ko bago dinungaw ang tanawin ng syudad. Masyadong abala ang mga tao sa kani kanilang ginagawa. Habang ako ay walang magawa kundi ang magbilang ng ibon na dadaan.
"Sige! Nandito na ang prof namin. I'll call you again, 'kay?" Aniya.
"Okay! Bye." Sagot ko bago naman nawala ang linya. Bumuntong hininga ako at dahan dahang ibinaba ang cellphone ko.
Unang araw na wala ako sa trabaho. Noong byernes ako huling pumasok sa opisina. At ngayon nga ay nababagot na akong walang ginagawa.
Dinalhan pa ako ni Lexie ng maraming libro para pagkaabalahan. Mabuti nalang at magaganda ang mga ibinigay niyang libro sa akin. Mamaya ay magpapabili ulit ako para may pagkaabalahan.
Dinungaw kong muli ang aking cellphone ng tumunog ito.
Calvin:
Are you ready? I'll be there at one.Ngumiti ako. Ito ang araw ng date namin ni Calvin. Hindi ko alam kung bakit pero biglang bumibilis ang tibok ng puso ko.
Excited na akong makasama siya. Agad akong tumipa para sagutin ang mensahe niya.
Ako:
I'll be waiting. What should I wear?Wala pang isang minuto ay may reply na siya.
Calvin:
Anything is fine. But nothing is good ;)Humagalpak akong mag-isa sa reply niya. How naughty.
Ako:
In your dreams! :pPumasok ako sa loob ng bahay at umupo sa aking sofa. Ipinatong ko sa aking maliit na mesa ang cellphone na hawak ko. Bago inabot ang librong binabasa ko.
Muling tumunog ang cellphone ko kaya inabot ko at binasa ang mensahe ni Calvin.
Calvin:
You have no idea what you wear in my dreams woman ;)Tumawa ulit ako. Lagi niya akong tinetext mula noong hindi ma kami nagkita. Masyado na kasi siyang busy sa trabaho niya. Hindi nalang din ako nagreply at dinungaw na ang libro ko.
Hindi ko alam na kahit pala binabasa ko lang ay pakiramdam ko'y nasa ibang lugar ako. Kung saan dinadala ako ng mga karakter na binabasa ko. Ipinapakita nila ang iba't ibang uri ng pagmamahal. Ganoon kagaling ang mga tao sa mundo. Ang mga author ng librong binabasa ko.
Nagkaroon ako ng interes sa mga ganitong bagay na dati ay hindi ko naman kinahiligan.
Ilang oras pa akong nagbasa bago ako nagpasyang tumayo na at maligo na dahil alam kong mahihirapan lang akong humiwalay sa libro kung itutuloy ko pa ang pagbabasa.
Malapit ng pumunta si Calvin. Ni hindi pa ako nanananghalian dahil sa kakabasa ko. Napahawak ako sa aking magkabilang pisngi.
Agad akong dumiretso sa aking banyo at naligo. Sa banyo ay nagtagal din ako ng halos mag-iisang oras.
Napapangiti ako ng makita ko ang isusuot kong simpleng maroon dress na may slit sa magkabilang gilid na binili ni Lexie para sa akin. Hindi ko na alam kung ilang oras ako sa aking salamin. Nagbabad ako doon.
BINABASA MO ANG
His Mistress
RomansaAno ba ang mas masakit? Ang palayain siya kahit mahal mo pa o Ang mahalin siya habang nasa piling ng iba? Ariella, thought blood is always thicker than water. But what if the blood she's protecting is the cause of her bleeding? And the water she's...