Chapter 35

8.2K 167 4
                                    

Sa'yo

"What do you want, Calvin?" Bumuntong hininga ako. Hinawakan niya ang magkabila kong kamay at pinisil iyon.

"You. All I want is you, Ariella." Umiling ako.

"This isn't right, Calvin." Mahina kong saad sa kanya. Umiling siya at umiling din ako.

"May asawa kana. Hindi ka dapat pumunta dito para lang sabihin yan." Hinaplos niya ang magkabila kong pisngi. I stay still.

"Ariel." Sa klase ng tono niya ay nahihirapan ako. Nahihirapan ako na nasasaktan din siya. Umangat ang tingin ko sa kanya at nagsisi ako sa ginawa ko.

I hate seeing him this way. I hate feeling every bit of his emotions that I can't even cope.

"Are we okay?" Tanong niya. Tumango ako ng dahan dahan.

"Why do I feel like it's not. We're not okay, Ariella." Nagtiim ako ng bagang para pigilang sigawan siya.

"What do you want, Calvin? Gusto mo bang sabihin ko na nandito lang ako palagi?" Tanong ko. Pinalis ko ang kamay niya at tinalikuran siya.

"I'm sorry." Aniya. Hindi ako sumagot at hindi ko rin siya nilingon.

"I'm sorry I constantly need reassurance that you still want this, that you still want me. I know I shouldn't be asking that. But..." nilingon ko siya. Naka tingin lang siya sa akin na gano'n parin ang ekspresyon niya. Sadness.

"All I want is a future with you." Umiwas ako ng tingin. It's too good to think that way.

"Future is a big word for us." Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Napapikit ako ng madiin.

This touch,

This smell,

This arms,

This embrace...

This is all I want.

"I can make it happen, Ariella. Just say the word and I won't fail you. I will fight for you. Even the future or fate can't beat me. I will make us happen." mas nadurog ang puso ko sa kanyang sinabi. Na parang napakadali lang ng lahat ng ito.

"They will hate you, Calvin. They will hate us." Umiling siya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. Napaiyak ako.

"I don't care if they hate me. I don't care if they will hate me for being a sinner. As long as you're with me, I can take anything. All I care is you and how you feel." Hindi ko na halos mapigilan ang humagolgol. Kahit na ano pang assurance ang sabihin niya ay hindi ko magawang kumapit ng mabuti.

Kahit na ano pang pagpapalakas niya sa akin ay hindi ko kayang panindigan ang puso ko dahil hindi gano'n kadali.

"Hindi madali ito, Calvin." Tumango siya bago humiwalay sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong braso at hinaplos niya iyon.

"I know. Hindi ito madali. But please... don't push me away. I can take anything. But don't ignore me." Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Why, Calvin? Why are you doing this?" tumingala siya at nagtiim siya ng bagang.

"Because I'm so damn selfish and I'm in love with you and... I don't want to lose you." hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang maging masaya ng buo kapag sinasabi niyang mahal niya ako.

Hindi ko alam kung bakit mas nasasaktan pa ako.

Siguro dahil kahit anong gawin namin ay wala kaming magagawa. Napapikit ako ng hinaplos niya ang aking pisngi. Hinawakan ko ang kanyang kamay.

His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon