His- Chapter 19

8.9K 195 1
                                    

Nothing's gonna stop us now
(Alert!SPG)

Napatingin ako kay daddy na ngayon ay nasa tapat ng aking mesa. Bumuntong hininga ako.

"Dad." Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi siya pumupunta dito kung hindi importante ang sasabihin niya. Ilang sandali kaming nagkatitigan bago siya huminga ng malaim.

"Son, just tell me the truth. Who's the girl?" Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa tabloids na inilahad niya sa harap ko. Maliwanag na ako iyong lalaki doon habang tinutulungan ko si Ariel na makapasok sa aking sasakyan. Hindi makita ang kanyang mukha at halos buhok lang ang kita dahil sa nakaharang ako sa camera.

Nagtagis ang aking bagang dahil sa nabasa ko. Is it real? Or reel? Is she the one or it's just his game.

Ilang linggo palang kami ni Ariel at ayokong may sumira sa amin na kahit na sino. Kahit na sa walang kwentang tabloid na ito. Kinuha ko ang telepono sa desk ko.

"Erase it." Iyon lang ang sinabi ko sa tauhan ko pero alam na niya kung ano man ang ibig kong sabihin. Gustuhin ko mang ipagmalaki si Ariella ay ayokong pangunahan siya. I respect her so I will wait until the day she's finally ready to publish our relationship.

Tinaasan lang ako ng kilay ni dad ng ibaba ko ang telepono. Bumuntong hininga ako.

"I can't tell you yet dad." Saad ko. Tumango siya at tinignang muli ang newspaper.

"But I was just wondering if who is she? Do I know her?" Tanong niya kaya napangiti ako.

"Dad, you'll know." Tumawa siya ng tahimik bago siya tumayo at umiling.

"Okay, ayoko lang na sinasabihan kang babaero dahil sa mga babaeng nalilink sayo noon pa man." Aniya.

"I don't care, dad. Its not even true." Sabi ko bago humilig sa swivel chair ko.

"I know. I was just curious.." Sabi niya at parang tinatantiya kung paano niya sasabihin ang susunod niyang tanong.

"Is she... the reason why?" Nagkatitigan kami ng ilang sandali bago ako sumagot.

"Dad, you know I can't marry someone I don't love." Seryosong sagot ko. Tumango siya na parang naiintindihan ako.

"Pero nagtataka lang ako. Noong si Ariella ay pumayag ka naman agad." Narinig ko lang ang kanyang pangalan ay parang bumilis na agad ang pintig ng puso ko.

She has that kind of effect on me.

"M-may usapan lang kami noon, dad. And soon enough, malalaman niyo rin ito." Itinuro ko ang newspaper.

"Okay, fine. Ikaw ang bahala. Basta, Calvin. Sana hindi ito isang laro lang sayo." Banta niya sa akin. Ayaw na ayaw nilang nakakarinig ng kung ano anong babae na nalilink sa akin.

"Don't worry, dad." Ngiti ko kaya ngumiti narin siya.

"Maiwan na kita. And your mom wants you home tonight for dinner." Aniya kaya tumango nalang ako at ngumiti.

"I will." Tumalikod narin siya at lumabas ng aking opisina.

Bukas ay aalis na naman ako ng bansa para sa isang importanteng business meeting sa US. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito na ayokong iwan ang Pilipinas. Hirap ako sa tatlong araw na wala ako noong nakaraang linggo.

Ariel's okay with it. Parang hindi nga niya ako namiss. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na hinahayaan niya ako sa trabaho ko at alam niya ang mga obligasyon ko, o maiinis dahil pakiramdam ko ay hindi ako ganoong kahalaga sa kanya para alalahanin niya.

His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon