Chapter 4

12.1K 225 1
                                        


Marry You

"Wow!" Hindi ko alam kung mahihiya ako sa naging reaksyon niya. Tinitigan niya ako mula ulo hanggan paa. Tumikhim ako bago ako lumapit sa kanya.

"So, aalis na ba tayo?" Nagbalik siya sa kanyang realidad ng magsalita ako. Kinamot niya ang kanyang batok bago siya tumango.

"Sorry, you're just too beautiful that I didn't notice I'm drooling." Natawa ako sa naging komento niya. Ngumiti siya at inilahad ang kanyang kamay. Nakakatuwa din pala siya.

Binuksan niya ang kanyang sasakyan sa passenger's seat para sa akin. Ngumiti ako sa kanya bago pumasok. Umikot siya at tumango sa guard bago pumasok ng sasakyan.

"You even know my place. Should I be worried?" Tumawa siya sa sinabi ko bago initsa ang sasakyan. Sumulyap siya sa gawi ko bago niya itinuon ang atensyon sa kalsada.

"I'm sorry but the eagerness kicks in me; And don't worry that's all I know about you." Kumindat siya sa akin kaya napailing ako.

"Well, its okay. Just don't do that too often." I joked and he chuckled.

"Sayo ko lang nagawa iyon. Huwag kang magalala."

Nakarating kami sa isang Chinese restaurant at napataas ang kilay ko. My favorite place. Bumaling siya sa akin.

"Are you sure you didn't hire detective?" Napakunot ang noo niya.

"My favorite eating place." Turo ko sa harap namin. Ngumiti siya at tumango.

"Good. 'cause this is my favorite too." Ngiti niya, napatango ako at binaklas ang seatbelt ko bago binuksan ang pinto. Hindi ko na siya hinintay para pagbuksan ako dahil hindi naman ako baldado.

Pagkaupo namin sa mesa ay binigyan kami ng waiter ng menu. "What's yours?" Tanong niya sa harap ko.

"Gong bao chicken." Sagot ko. Tumaas ang isang kilay niya at tinitigan niya lang ako na parang hindi niya narinig ang sinabi ko.

"That's spicy."

"I love spicy." Ngumisi siya at umiling bago bumaling sa waiter bago niya sinabi dito ang aming orders. Nang makaalis na ito ay itinuon niya ang kanyang atensyon sa akin.

"Ngayon lang ako nakakita ng babaeng mahilig sa maanghang. That's new." Ngiti niya. I can see that he's amazed.

Nagkibit balikat ako at uminom ng tubig na nasa harap ko. "Alam mo, kanya kanyang hilig lang iyan. Katulad ng hindi lahat ng babae ay mahilig sa romantic na lalake, mas gugustuhin pa namin na makasama ang totoong lalakeng magmamahal sa amin; iyong hindi kami lolokohin."

"Well, not all the guys around the world are like that too. Sa amin kasi ang babaeng alam naming pang habangbuhay lang namin ipapakita iyong pagiging tapat. Hindi gaya niyong mga babae na kapag may boyfriend ay akala niyo siya na." Ngisi niya.

"Kasi nga hopia kayong mga lalake. All of the broken promises and lies are part of your being." I counter.

"Woah there woman. Just like what I said. We, men are only showing the good things in us to the only girl we exactly know that she's our lifetime."

"Paano mo naman nasabi iyan? Papaano mo masasabing siya na? At hindi ka dapat nangloloko ng mga babae kung alam mong hindi pa siya iyon!" How can boys this be cruel!

"Wala namang manloloko kung walang magpapaloko." Kibit balikat niya bago siya bumaling sa waiter na dala ng aming mga order.

"Walang maloloko kung may tapat na tao." Sagot ko ng makaalis ang waiter.

"Well, smartass. Let's just eat before your eyes turns red. And what's with the debating between men and women by the way?" natawa ako sa sinagot niya. Hindi naman ako galit sa kanya dahil sa pagbabangayan namin tungkol doon. Wala naman akong naging karelasyon at wala din naman akong mapagbabasehan kung talagang lahat ng lalake ay manloloko. Naririnig ko lang kay Lex lahat ng tungkol sa mga relasyon at karamihan talaga lalake ang manloloko.

His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon