Chapter 44

7.6K 175 3
                                    

History


"Hindi ka ba sasama?" Tanong ni Johnford sa akin habang nakaupo ako sa lounge sa labas ng spa. Mas gusto ko kasi dito magtrabaho kaysa sa loob ng opisina. Ibinaba ko ang mga papeles na hawak ko bago ko siya lingunin.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. Nakaupo siya sa katabi kong lounge.

"Sa airport. Uuwi si dad." Aniya. Nakalimutan kong ngayon pala ang uwi ni tito Rene.

"Sige. Ayusin ko lang 'to." Sagot ko. Tumayo ako at inayos ang mga papeles at pati ang laptop. Nang mahakot ko lahat ay ipinasok ko muna sa aking opisina.

Pagbalik ko sa pwesto ni Johnford ay nakahiga siya sa lounge habang naghihintay sa akin. Kinalabit ko siya. Tinanggal niya ang sunglasses niya bago siya bumangon.

"Tagal mo." Aniya bago tumayo.

"Inayos ko lang mga gamit ko. Tara na!" Ikinawit ko ang aking kamay sa kanyang braso at hinila na siya papuntang parking lot.

"Hindi mo sinabi sa akin kanina na susunduin natin siya. Nakalimutan ko tuloy." Saad ko bago ako luminga linga. Maraming turista ngayon.

"Sinabi ko sayo kagabi. Hindi ko naman alam na masyado ka nang ulyanin." Sagot niya. Umirap ako.


"Pwede mo naman kasing sabihin ulit 'diba?"

"Whatever." Sagot niya. Napailing nalang ako. Mula ng araw na nalasing ako ay lagi na kaming magkasama ni Johnford.

Naging mas close na kami sa isa't isa na minsan ay napagkakamalhan na kaming magkasintahan ng mga hindi nakakakilala sa amin. Natatawa nalang kami kung gano'n dahil magkahawig kami pero hindi nila masabing magpinsan kami kundi magkasintahan.


Ngayon nga ay wala sila tita Remy at bumalik sa mainland dahil doon talaga sila naninirahan. Si Johnford lang at tita Diana ang kasama ko dito. Minsan lang din bumisita si Tito Rene at ngayon iyon.


Marahil ay may mahalagang meeting ngayon.

"Gusto mo bang sumama sa akin bukas? Pupunta akong O'Ahu." Aniya. Bumitaw ako sa kanya at dumiretso ako sa front seat. Binuksan ko ang pinto.


"May trabaho ako." Sagot ko bago ako pumasok. Ganoon din ang ginawa niya.

"Isang araw ka lang mawawala. Hindi iyon ikakalugi ng kompanya." Sagot niya. Inayos ko muna ang seatbelt ko bago ako lumingon sa kanya.

"Ano bang gagawin mo doon?" Tanong ko. Pinaandar niya ang kanyang sasakyan.

"Meetings. Kaya makakapasyal ka muna doon. Hindi ka pa nagpunta doon 'diba?" Nilingon niya ako saglit at tinaasan ng kilay. Tumango ako.

"Not yet." Sagot ko. Mahina siyang napatawa.

"You don't wanna leave your safe zone, huh?" Panunuya niya habang nasa daan ang mga mata niya. Umirap nalang ako.

"Wala lang akong kasamang mamasyal. And besides, may trabaho ako." Humalukipkip ako.


"You can ask me. Ipapasyal kita. Kahit sa iba pang islands dito." Sagot niya. Ngumuso ako. Gusto ko ding mamasyal pero hindi ko pa alam kung kailan.


His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon