Chapter 12

9.9K 218 0
                                    

Like a Rose

"God! You're a Goddess." Ngumiti si Mich ng makita akong palapit sa kanya. Nakaharap siya sa human sized mirror. Nakawedding gown siya na maski ako ay hindi na maidetalye ang ganda niya. Ang belo niya ang hawak ng nag-aayos sa kanya.

"Thank you, Ariel. You're beautiful in that gold dress too." Ngiti niya ng makita ang suot ko. Mabuti nalang at sinabi niya ang motif ng kanilang kasal kaya agad akong bumili. It's just a simple off shoulder silk dress na hanggang ibaba ng tuhod ko ang haba.

"Well, I can't accept that right now. Nasa iyo ang korona ngayon." Mahinang napatawa siya. Nakipag kwentuhan muna ako ng saglit bago ako nagpaalam na lalabas na.

It's five in the afternoon at ganito ang gusto ni Mich. Beach wedding in sunset. She's just too lucky to finally have her lifetime partner. Sana ay makakamit ko din iyon balang araw.

Ilang sandali pa at nagsimula na ang seremonya. Sa totoo lang ay ngayon lang ako nakapunta sa ganitong party. Ang pinapangarap ng lahat ng kababaihan ay maikasal sa lalaking mahal mo at mahal ka. They were both happy tagos ang saya ng groom and bride. Habang naglalakad kanina si Mich ay napapaiyak ang kanyang groom. Kita mo ang tuwa, saya at emosyonal na kahit ako ay kinilabutan. Ramdam ko iyong pagmamahal niya sa magiging misis niya. Mich is lucky to have a man like him. Nagpalakpakan kaming lahat ng matapos ang seremonya.

Nagpunta kami sa reception ng matapos ang kasal. Sa tabi din ng beach resort nila ginanap iyon. Pinasadahan ko ang ganda ng pagkakadesign ng lugar. Para kaming nasa ulap. Ang mga puting kurtina na tinatangay ng hangin sa gilid ng bawat puno. Walang silong kaya talagang dama mo ang ganda ng bituin. Nasa kanang bahagi ang ginawang upuan ng bride at groom kung saan nakaharap sila sa dagat.

Ang mga round tables naman ay kulay gold at ang mga upuan ay gawa sa kahoy na parang recycle ang dating pero ang ganda. Maraming ilaw at candle lights ang nagkalat sa paligid. Sa gitnang bahagi naman ay maraming bulaklak ang nagkalat sa buhangin. Mga ilaw na nakabaon ng kaunti doon para magbigay ng epekto. Kaming lahat ay mga nakapaa lang.

Inalalayan ako ng organizer ng makita ako. Iginiya ako sa upuang nakalaan para sa akin. Umupo ako at muling iginala ang mata sa paligid. Nakita ko pa si Mr. Rentino na nakangiting kinawayan ako. Katabi niya ang mga kamag anak ng groom. Ngumiti din ako at kumaway. He's such a sweet person. Hindi ko man lang napansin iyon until now. Kinapa ko ang cellphone ko sa purse ng bigla itong magvibrate.

"Hello?"

"Hi! Beautiful." Tumawa ako ng marinig ko ang boses ni Jhawred.

"Napatawag ka?" Tanong ko. Rinig ko ang kaluskos sa kabilang linya.

"Wala! Kailangan ba may rason?" Dinig ko padin ang tawa niya.

"Hindi naman. Nasa US ka parin?" Tanong ko.

"Uh-huh. Mukhang matatagalan ako. Kaya mamimiss kita." Ako naman ngayon ang napatawa sa kanya. Sabagay ay sanay na ako sa mga pabiro niya.

"Well, I miss you too."

"Told you! May tinatago ka talagang pagnanasa sa akin." Napailing nalang ako.

"Whatever, Jhawred. Sige na. Nasa wedding ako at iniistorbo mo ako." Mahina siyang tumawa. Pinilit pa akong kausapin pero sa huli ay nagpaalam narin. Matagal narin siya doon. Siya lang yata ang lalaking gusto kong kaibigan. Except for Lexie, dahil iba naman siya.

"Hi!" Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa tabi ko. Papunta palang ang mga iba dito. Nauna lang ako kasi nasa likod ako kanina ng ganapin ang seremonya.

"Hi!"

"Can I? Dito kasi ako tinuro ng organizer. Hindi ko kasi alam na pati upuan dito ay organized." Turo niya sa upuan sa tabi ko habang tumatawa.

His MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon