Dessert
Sinulyapan ko ulit si Calvin na masayang nakikipagkwentuhan sa isang matandang business man. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganyan. Hindi ko alam na kilala pala siya ni Mr. Rentino. Sabagay ay nasa iisang mundo pala sila ng negosyo.
"Narinig ko na mukhang nahihirapan ang kompanya ninyo ngayon, Ariella." Napalingon ako kay Mr. Rentino na ngayon ay lumapit sa akin at may hawak na champaign. Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
"Wala naman pong nasabi si dad sa akin." Kumunot ang kanyang noo at sumimsim sa inumin niya.
"Alam kong may alitan kayo ng ama mo, Ariella. Mabuti kang bata at hindi ko alam kung ano man iyong awayan ninyo. Noon pa man napansin ko na iyon." Huminga ako ng malalim at pinigilan ang mga luha dahil hindi ko alam na sa mga panahong nakasama ko si Mr. Rentino ay itinuturing na niya akong anak. Nahihiya lang ako sa kanya.
"Hindi ko po alam na concern kayo sa akin ng ganito." Hindi ako makatingin sa kanya ng maayos dahil sa hiya.
"Well, dahil isa kang mabuting bata. Pero hindi ka lang kasi palakwento sa akin." Tumawa siya ng bahagya. "Nalaman ko rin na ipapakasal ka kay Calvin?" Agad ko siyang nilingon at mabilis na umiling.
"Hindi tito!" Tumawa siya sa naging reaksyon ko. Kumunot lang ang noo ko. Paano niya nalaman iyon?
"Ayaw mo ba sa batang iyon? He's like a son to me. Noong naguumpisa din siya ay sa akin siya nagpatulong. Lahat ng alam ko sa negosyo ay itinuro ko sa kanya. And look at him now!" Tawa niya habang itinuro si Calvin na nakikinig sa kausap at nagtatawanan pa.
"At a very young age. He achieved his dream. Inungusan pa nga ako." Napatawa ako ng bahagya sa biro niya. Napaka bait niyang tao.
"Pareho kayo." Nilingon niya ako at ngumiti.
"Nakikita kita sa kanya noong lumapit ka sa akin. Nakita ko ang determinasyon mo. Tinanong ko sa sarili ko kung bakit ganito ang mga batang ito? Bakit sa murang mga edad ay nakikipagsapalaran, na gayong may mga magulang naman silang aasahan?" Malungkot na ngumiti ako at tinignan ang malawak at madilim na karagatan.
"Magkaiba po kami, tito. He only wants fame and power. But for me? I only want to learn and to stand on my own.. Alone." Umiling siya at humarap sa kung saan ako nakaharap. Nandito kami sa veranda ng hotel. Malapit sa dagat kaya tanaw namin iyon.
"No. You only want attention. And the approval of your parents. And their acceptance." Natigilan ako. Paano niya nakikita ang mga bagay na maski ako ay hindi ko kailanman naisip?
"You can see anything your mind want to see. But you can't see anything until you close your eyes and feel in your heart what your eyes can't meet." It was like a riddle to me. Hindi ko maintindihan.
"I'm a grown old man, Ariella. Marami na akong napagdaanan sa buhay. Marami na akong natutunan at pinagsisihan. Kaya ikaw, habang bata kapa ay gawin mo kung ano ang gusto mo na magpapasaya sayo. Hindi iyong kung ano ang gusto ng ibang tao na gawin mo." Tinapik niya ng bahagya ang aking balikat. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga sinasabi niya.
"Galit po si dad sa akin. Dahil kahit kailan ay hindi ko sinunod ang gusto niya at iyon ang dahilan kung bakit nawala si mommy sa amin." Tumango lang siya na parang alam niya iyon. Syempre alam niya iyon dahil lumabas sa balita iyon noon.
"Matagal nang wala ang mommy mo. You should move on to that. And I know, your dad already moved on too. Wala kang kasalanan." Tumango ako at pinahid ang luhang kumawala.
"And besides, I think you and Calvin are very compatible." Biro niya at tumawa. Umiling nalang ako.
"She's my sisters fiance, tito." Sabi ko lang. Tumaas ang kilay ng matanda at tumango tango.
BINABASA MO ANG
His Mistress
RomanceAno ba ang mas masakit? Ang palayain siya kahit mahal mo pa o Ang mahalin siya habang nasa piling ng iba? Ariella, thought blood is always thicker than water. But what if the blood she's protecting is the cause of her bleeding? And the water she's...