Terrified
"Sigurado ka bang hindi kana babalik sa company?" Biglang tanong ni Calvin ng naglalakad lakad kami sa may dalampasigan. Gabi na pero parang hindi dahil sa bilog na buwan na nagbibigay liwanag sa buong lugar.
"Hindi na. Gusto ko munang magpahinga. At para narin umiwas sa gulo." Sagot ko. Marahan siyang tumango. Binitawan niya ang kamay ko at inakbayan niya ako habang naglalakad parin.
"I understand." Aniya. Nilingon ko siya at tumingil sa paglalakad. Napahinto din siya at nilingon ako. Hinarap ko siya at hinawakan ko ang magkabila niyang kamay.
"Siguro ay pwede na ngayon. Sasabihin ko na kay Ann ang relasyon natin. I won't hold back anymore. I'll fight for you and for us. I know she will understand." Ngiti ko. Natigilan siya at parang may malalim na iniisip bago siya nagsalita.
"I-i think this is not the right time for that." Kumunot ang noo ko.
"Why? May nangyari na naman ba sa kanya?" Nag-aalalang tanong ko. Bumuntong hininga siya.
"Not really. Pero noong isang araw nahimatay na naman siya. The Doctor said, it's because of stress. Ayokong sisihin mo ang sarili mo kung mabigla siya sa relasyon natin." Natigilan ako.
"And I want her to be fully recovered before I leave her. Mahalaga narin siya sa akin dahil kapatid mo siya." Agad akong tumango. Naiintindihan ko siya. Tipid akong ngumiti sa kanya.
Hindi ko akalain na may malasakit parin pala siya sa kapatid ko. I feel happy and at the same time I feel sad. At hindi ko malaman kung bakit.
Bakit hindi ko magawang maging masaya lang at walang ibang halong lungkot.
"But you know what? I'm really happy." Aniya. Nilingon ko ulit siya.
"Bakit?" Tanong ko. Napahawak ako sa buhok ko dahil sa biglaang paghampas ng malamig na hangin. Niyakap niya ako sa aking braso at hinaplos iyon.
"Dahil pinili mo na 'ko." Tiningala ko siya. Ni hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam na ganito pala ang epekto nito sa kanya. Na sa tuwing tinatanggihan ko siya ay pakiramdam niya ay hindi siya mahalaga sa akin.
"Tara na. Lumalamig na." Aniya bago niya ako muling idinikit sa kanya para hindi masyadong malamigan. Nagpatianod ako sa kanya.
"You're important to me." Saad ko at humawak ako sa kanyang damit sa may bewang niya. Habang naglalakad kami ay magkaakbay lang kami.
"I know." bulong niya at idinantay ang kanyang baba sa aking ulo. Napangiti ako. Halos isiksik ko ang mukha ko sa kanya dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Wala pa naman akong jacket. Maging siya ay naka-sando lang din.
"Pwede mo ba akong ipagluto bukas?" Tanong niya ng naglalakad na kami pabalik. Nakatingin lang ako sa aming mga paang sabay humakbang.
"Bakit hindi nalang ngayon?" Tiningala ko ulit siya. Ngumuso siya.
"May tinawag akong maghahanda ng dinner natin e. Baka tapos narin 'yon. Akala ko kasi pagod ka." Ngisi niya kaya siniko ko siya. Mahina naman siyang napatawa sa ginawa ko.
"Ipagluto mo 'ko bukas please? I want to eat all your dish." Kindat niya. Hindi ko alam pero parang may ibang ibig sabihin sa sinabi niya. Hindi ko rin alam kung binibiro lang niya ako o hindi. Napailing nalang ako.
Nang makarating kami sa bahay ay tama nga siya. Nakahanda na ang hapunan. Agad namang nagpaalam ang nagluto ng makita kami.
"Ang dami naman." Nilingon ko ang paligid. With candlelight and romantic music.
"Hindi ko aakalain na sweet ka din pala." Umirap siya at inilahad ang upuan ko. Agad din akong umupo.
"I'm not sweet. I'm in love. Hindi ako naging ganito sa ibang babae. Sa'yo lang." Aniya ng makaupo na siya sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
His Mistress
RomansaAno ba ang mas masakit? Ang palayain siya kahit mahal mo pa o Ang mahalin siya habang nasa piling ng iba? Ariella, thought blood is always thicker than water. But what if the blood she's protecting is the cause of her bleeding? And the water she's...